Chapter 2

152 5 0
                                    

Chapter 2

Chona's POV

It's Genetis, our current vpresident.

"Oh? Why are you still awake?" Aniya saka sinenyasan akong umupo sa tabi niya. Ginawa ko naman.

"Hindi po ako makatulog eh." Sagot ko matapos makaupo.

Marahan naman siyang tumango, "So how's going?" Anito.

"Po?"

Medyo hindi ko gets ang gusto niyang ibig sabihin. Hindi naman ako slow eh, 'di ko lang talaga gets.

"How's going? Do you think you're going to enjoy in this faculty?" Tanong niya ng malinaw na.

Saglit naman akong natahimik bago sumagot, "Um, yeah. I think I'm going to. I hope so." Natawang sagot ko pa.

"Good to hear." Aniya.

Ngayon ko lang naappreciate ang boses niya. Malalim ito at medyo malamig sa tainga.

"Kayo po? Bakit po kayo gising?" Wala sa sariling natanong ko. Natawa naman siya saka tumingin sa akin.

"I used to stare at the sky before sleeping. Nakasanay ko na rin siguro kaya hirap ako makatulog kung hindi." Sagot niya saka tumingin sa langit.

"Okay."

Hinarap niya ako at nagtanong, "Then, um, bakit mo gustong mapunta sa faculty na 'to? I mean ano ba gusto mo?" Aniya na ikinaisip ko.

Medyo nahinto pa ako bago makasagot, "Well, actually... matagal ko na gusto maging engineer. Like you know? Mechanical engineer, ang cool lang tignan." Natawa pa ako sa sagot ko at gan'on din siya.

"Um, okay. I think that's really cool." Sambit niya na hindi naalis ang ngiti sa labi. Ngayon ko lang napagtanto na pogi rin naman pala talaga siya.

"May I ask you? Ano po kinukuha niyo?" Malang kong ani.

"Mechanical," sagot niya. "Guess I'll really be your senior." Natatawang sambit niya.

Muli akong nagtanong, "Are there any girls there?"

Tumango siya, "Yeah, probably, I think it's about 4 or 5 of them? But there is." Sagot naman niya.

That's a good news, at least I'm not the only girl in that line. Heheh.

"Anyways, I'm going. I can feel my eyes now." Tumayo naman na siya, "And you, bumalik ka na rin sa room niyo. You need to have some energy for the activities tomorrow." Suhestyon niya, "Also, madaming multo ditong pagala gala." Pananakot niya.

Like hell I'm scared?

"Yeah, yeah. Thanks."

Tinanguhan naman niya ako at binigyan pa ng ngiti bago umalis, pinagmasdan ko lang siyang maglakad papalayo hanggang mawala na siya sa mga mata ko.

Sigh.

Hindi naman nagtagal ay mukhang inaantok na aki kaya idinala ko na ang sarili pabalik sa room. Nagulat ko ng ipipihit ko na sana ang door knob ang bumukas ang room ng mga lalake, si Chaser ang iniluwal nito.

Oo, madilim dito pero kabisado ko si Chaser. Siguradong sigurado akong siya ito. Hindi naalis ang titig ko sa kanya, ibinaling din niya ang tingin sa akin na animo'y minumukhaan.

Ewan ko ba, dahil ata sa kalandian ko kaya naihakbang ko ang sarili palapit sa kanya.

Kapansin pansin ang pagkunot ng kanyang noo ng bigla kong hawakan ang mukha niya.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now