Chapter 18

69 6 0
                                    

Chaser's POV

Naglalakad ako papunta sa classroom and as usual kasama si Tachio. Wala naman akong ibang kaibigan eh at makakasama eh, well, wala din naman akong gustong maging kaibigan pa.

"Ang tapang ng kapatid mo, noh?"

"Um... yeah?"

Mahina pang natawa si Tachio, "Si Taft pa talaga ang kinalaban niya." Napapailing niyang sambit.

Gan'on talaga si ate Myna, likas na matapang siya, noong bata pa lamang kami ay madalas na niya kaming ipagtanggol sa kung sino mang umaaway sa amin. Katulad ko, nakaranas rin ng pambubully si Channel noong elementary pa lang kami pero kay ate Myna, walang nagtangkang awayin siya. Kung hindi ako nagkakamali ay tumigil na lang ang nangbubully sa amin nung pinuruhan sila ni ate.

Naging dahilan din ang pambubully sa amin kaya inenroll kami ni daddy sa isang martial arts na klase.

"Medyo natatakot tuloy ako para sa kanya. Kilala naman nating dalawa si Taft. Alam natin pareho na hindi siya naninino. Wala siyang pakialam kung babae ba o hindi ang pinagtitripan niya." Aniya, halata sa kanyang boses ang pagaalala.

"Mhm." Wala akong masabe dahil nagiisip ako ng paraan paano patitigilin si ate. Alam kong hindi siya tutupad sa pangako naming dalawa lalo na kung muli siyang sinimulan ni Taft. Sigh. Bakit ba kasi siya pa ang nakaaway niya.

Pauwe na ako kaya nasa parking lot na ako, aktong sasakay ako ng biglang sumulpot si Alveol sa harapan ko.

"Hi pretty boy ko!" Nakangiting wika niya sa akin.

"What? What do you want?" Malamig kong sambit, bumaba ako sa kotse at sumandal pa dito saka pinagkrus ang balikat.

I want to end this now, ayokong madagdag pa siya sa sakit ng ulo ko, hay.

"Can you be my boyfriend?" Tanong niya na ikinatawa ko ng mahina. "Please... ngayon lang, may humahabol kasi sa aking mga lalake eh." Anito na halata namang nagpapanggap lang.

"Hinahabol ka?" Napailing pa ako saka nagkibit-balikat. "Nasan sila?" Wala naman kasi akong nakikitang tao dito, kaming dalawa lang ang andito. So ano 'yong sinasabe niyang may humahabol sa kanyang lalake? She really thinks that I can be fooled easily.

Natawa siya ng mahina at napakamot pa sa ulo, "Hehe. Oo nga, noh? Umalis na ata sila." Binigyan pa niya ako ng isang ngiting hindi mo maintindihan kung ano ang gustong iparating.

"Stop wasting my time, stop messing aroud, stop everything." Mapait kong wika. "Tell me now, you are trying to flirt me, right?" Gusto ko ng linawin ang lahat para maaga pa lamang ay tigilan na niya ako.

"Yes, isn't clear? I like you, Chaser."

"Ascore." Pagtatama ko.

"Wala akong pakialam kung Ascore o Chaser ang itawag ko sa'yo! I like you! Bakit ba hindi mo iyon maintindihan?!" Hindi na ako nagulat na tinaasan niya ako ng boses, madaming babae na ang gumawa sa akin ng ganito.

In the end... they all end up surrendering... they are all the same...

"Stop liking me, then." Wika ko na ikinakunot ng kanyang noo, "You're just waiting for nothing." Napayuko siya at napansin ko rin ang pagkuyom ng kanyang kamay. "Para ka lang naghihintay sa barko na lumipad. It's impossible, so stop." Akala ko ay hindi na siya magsasalita. Pero parang mas lumakas pa ang loob niya.

"Stop liking you?!" Halos marindi na ako sa lakas ng sigaw niya, natawa siya pero alam kong peke iyon. "How? Tell me. Sana madali. Sana gan'on kabilis." Tumulo ang luha sa kanyang pisnge na siyang pinunasan niya kaagad gamit ang kanyang palad. "Sorry Chaser, I will flirt you even you don't like. Saka na lang ako susuko kung hindi ko na kaya." Mabilis niya rin akong tinalikuran at tumakbo palayo.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now