Chapter 34

50 4 0
                                    

Taft's POV

Ngayong taon ay hindi ako makapaniwalang wala akong partner. Noon ay napakadaming nagkakandarapang maganyaya sa akin, marami pa rin naman ngayon ngunit lahat sila ay ayaw kong maging partner. Wala man lang pumasok sa kalahati ng standards ko. Parang isang tao lang ang gusto kong maging partner ngayon, si Charmyn. Kaso masyado naman akong gago kung inagaw ko pa siya sa kaibigan ko.

Eh sino mukhang tanga ngayon? AKO!

Nakaupo lang tuloy ako ngayon sa isang pwesto habang pinapanood silang sumayaw. Nakakainis man isipin ay wala akong magawa.

"Hi..." malamig at malambot na tinig ng isang babae ang nagsalita, inangatan ko ito ng dahan dahan. "Can we dance?" Hinawi pa niya ang buhok na mahaba saka malawak na ngumiti.

"Pangit mo." Halos irapan ko pa siya, inalis ko na lang ang tingin. Literal na pangit siya, para siyang mangkukulam na binasura pa. Psh.

Hindi nagtagal ay mayroon muling tumayo sa aking harapan, "Nakikilala mo pa ba ako?" Anito kaya mabilis ko siyang inangatan ng tingin.

Mukhang tiyanak!

"Bakit ko naman tatandaan ang pangalan mo o aalahanin ka eh napakasagwa naman ng mukha mo?" Ngumisi pa ako.

Pansin sa kanyang mata na paiyak na siya pero wala akong pake, edi umiyak siya kung gusto niya. Lalo siyang magmumukhang tiyanak.

Ilan pang minuto ay muling may babaeng nagsalita, "Why are you like that?!" Halos mapalundag ako sa gulat sa kanyang sigaw.

"Bakit ba?" Inis kong wika.

"Gosh! Alam mo bang napapahiya ang mga 'yon? Medyo stupid, hah!" Inirapan pa niya ako ng todo.

Tumayo ako at inilapit ang mukha sa kanya, "Pake mo ba, hah? Saka bakit ka ba nandito? Sumayaw ka nalang don kasama si Dee!" Singhal ko mismo sa mukha niya. Nakakainis eh, pakilamera.

Ngumisi siya at pinagkrus ang braso, "Really? Pake mo ba kung tumigil kaming sumayaw? Eh ikaw? Sana kasi iniisip mo muna mga mararamdaman nila bago mo sila sabihan ng kung ano ano. Yes! Hate to admit that you're handsome, but it doesn't mean you have the right to criticize girls that are after you. If you're a real man you won't do such thing." Umirap siya.

"So?"

Kumunot ang noo niya, "Gosh! Sa hinaba haba ng sinabe ko so lang sasabihin mo?" Muli siyang umirap.

Sumilay ang isang malawak na ngiti sa aking labi, "Type mo ako, noh?" Saan ko naman kaya nakuha 'yon? Baliw na ata ako.

"No way!" Angil niya.

Natawa ako ng bahagya, "But you said I.AM.HANDSOME." nginitian ko pa siya.

"E-eh... ano naman?" Lumunok siya at bahagyang napaatras.

Linapitan ko siya sabay sa paghawak ng kanyang bewang, nakapagtatakang hindi niya ito inalis. "You are beautiful." Bulong ko.

Hanggang ngayon ay hindi siya gumalaw, "T-taft..." ang tanging lumabas sa kanyang bibig.

"Yes, babe?"

"Y-your hand... pull it off..." nauutal niyang sambit.

Imbes na alisin ko ang pagkakahawak sa bewang niya ay hinigit ko ito kaya nagkalapit ang katawan at mukha naming dalawa. Nagtama ang mga mata namin at walang umiimik.

(Dum-dum Dum-dum)

Rinig na rinig ko ang tibok ng aking puso, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Napalunok ako at naibaling ang tingin sa kanyang mapupulang labi. Napakurap ako ng dalawang beses at tinitigan lang ito ng ilang segundo. Muli akong napalunok at sa ngayong pagkakataon ay itinulak ko na siya palayo.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now