Chapter 31

50 5 0
                                    

Taft's POV

Nasa loob kami ngayon ng mall, medyo naaout of place ako dahil hindi nila ako gustong kausapin. Tch. Edi wow.

Pumipili sila ngayon ng isusuot nilang dalawa para sa sabado, acquaintance party. Sila daw magpartner eh, nakakainis kasi tinanggihan ako ng epal na babaeng 'to. Never pa ako nakatanggap ng sagot na hindi o pagtanggi. Siya palang ang una, napakakapal talaga ng mukha.

Sinabe pa niyang hindi ako pogi! Wow!

Tapos pipiliin lang pala niyang partner si Dee, na kaibigan ko pa. May kagaguhan din 'tong babaeng 'to eh. Gusto ko sanang bawian pero mukhang mas umiiral na sa akin ang kaibitan. Hahah. Ayoko ng awayin pa ang lokong babaeng ito, baka kasi tuluyan na akong hindi pansinin ni Dee.

It doesn't mean na natalo ako sa laban namin, gusto ko lang itigil ito dahil may mawawala sa akin kung itinuloy pa.

"Bagay po sa inyo ma'am," ani ng sales lady ng nakangiti pa kay Charmyn.

Nakasuot sa kanya ngayon ang isang dress na kulay pula, bagay sa kanya ito. Hate to admit it, maganda siya at mukhang babagay sa kanya ang lahat ng gusto niyang isuot. Idagdag mo pa ang katawan niyang may kurba, tch, sayang talaga 'tong babaeng 'to. May topak eh.

"Yeah. Bagay sa'yo." Pag sangayon ni Dee sa sales lady. Nakasuot naman siya ngayon ng kulay pulang coat.

Matipid na ngumiti si Charmyn, "Thank you." Anito na parang nagpapabebe pa. Psh.

"Hindi bagay sa'yo red." Angil ko na parang nandidiri pa sa suot niya. "Look? Tumingin ka sa salamin, hindi bagay, 'di ba? Isa pa masyadong expose 'yang likod mo." Napapailing na wika ko. "May gusto ka bang landiin? Nangaakit ka ba?" Natatawang dagdag ko pa.

She rolled her eyes heavenly. "Bakit naman ako mangaakit? Bastard!" Padabog niyang tinahak ang fitting room. Palihim nalang akong tumawa.

Nang maibaling ko ang tingin kay Dee ay napakunot ako kaagad ng noo, ang sama kasi ng tingin niya sa akin.

"What?"

Wala akong nakuhang sagot sa kanya, umalis siya at tinahak rin ang fitting room. Psh. Ayaw niyo akong kausapin kanina, 'di ba? Pwes, manggugulo ako ngayon.

WHAHAHAHA! (Take note: devil laugh)

Pagkabalik sila ay pareho silang walang ekspresyon ang mukha. Tumingin ako kay Dee at nahuling nakatingin din sa akin, pero mabilis na nagiwas siya ng tingin. Tumingin naman ako kay Charmyn at nakatanggap ako ng isang irap.

"Lets find another set." Walang ganang wika ni Dee bago naglakad. Sumunod naman ako pati si Charmyn.

Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa na parang buntot. Seryoso silang naghahanap ng maisusuot para sa party.

Bigla tuloy ako napaisip. Wala pa pala akong partner sa party, ayoko na rin naman magkapartner. Sakit lang sa ulo iyon. Gusto ko sana maging partner 'tong si Charmyn kaso nabwisit ako sa sinabe niya. Ayaw ko naman ding agawin partner ng kaibigan ko.

Hindi ako mangaagaw! Lalong hindi ako nangaagaw! Gusto ko ang akin, akin lang siyang buo! Ayoko ng inagaw lang!

"Hindi bagay sa'yo." Nakangiwing wika ko ng makita si Charmyn, kakalabas sa fitting room. Nakasuot naman sa kanya ngayon ang isang kulay blue na dress. May kahabaan at may kaartehan tignan ang dress na ito. May mga nakasabit kasing kung ano sa mga dulo nito.

Lets say na bagay sa kanya ito, pero ayoko siyang makitang gan'on. Masyadong babae, eh parang tomboy siya makipagaway sa akin tapos ganyan suot niya. Well, hindi naman siya pure tomoboy, tomboy na maarte lang. Hahah.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now