Chona's POV
"Good morning, Chaser!" Muli ko siyang hinantay sa parking lot na makarating. Binungad ko sa kanya ang malawak kong ngiti.
"You're here again." He said boredly, ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
Tinalikuran niya ako matapos niyang ilock ang kanyang kotse. Mabilis naman akong pumunta sa harap niya saka inabot ang soy milk na muli kong binili. Oo, nireject niya ito kahapon pero wala akong pakialam. Just want to try again, until he'll accept it.
He spare a glance on it then continue to walk, "Arte." Pabulong kong wika sa sarili ko. Mukhang narinig niya ata ito kaya napatigil siya sa paglalakad.
"What did you say?" Malamig niyang wika na may blangkong mukha.
Mariin akong umiling ng nakangiti pa ng todo, "Wala. Ayaw mo talaga?" Pagaalok ko ulit sa soy milk. Hindi siya nagabalang magsalita o tumango man lang. I guess I should accept that as no? Hindi kasi ata sikat sa kanya ang tumango o sumagot sa mga tanong eh.
"Okay! Ako na lang iinom!" Nilagok ko sa harapan niya ang dalawang pack ng soy milk, "Ahh..." hinaplos ko pa ang leeg ko na nagkukunwareng nasarapan dito.
What the hell is this?
Hindi masarap! Akala ko naman halos pareho lang ang lasa nito s gatas! Pero? Ugh! Ang laswa ng lasa nito!
Bakit ko ba kasi ininom 'yon? "Ang sarap pala." Pagpapanggap ko, pero sa totoo lang ay gusto ko ng isuka lahat ng ininom ko.
Blangko pa rin ang mukha niya, "K..." tinalikuran niya na naman ako ngunit sa ngayong pagkakataon ay hindi ko na nagawang palingunin pa siya.
Ang hirap talaga kunin ng atensyon niya.
Mission failed na naman.
Ano ba 'yan?
Hay.
Nakabusangot kong tinahak ang classroom namin, "Yow?" Bago pa ako makapasok ay biglang may sumulpot sa harap ko na hinarangan ang pinto.
"Oh my ghad! It's Yuiji!"
"Why is he here?!"
"Ano kayang kailangan niya?"
Hindi magkamayaw ang mga babaeng kaklase ko ng makita nila si Yuiji na nasa harap ng pinto namin. "Hi. 'Sup?" Pagbati niya sa mga kaklase ko kaya umusbong ang sigawan ng pagkakilig.
Ano namang nakakakilig dun?
Wala.
"What brings you here?" I asked while looking at his face straightly.
He shrugged then smile at me, "My feet? I guess?" Pilosopong sagot niya kaya napangisi na lang ako.
"Ano bang kailangan mo?" Ngayon ay mababatid mo ng wala ako sa mood. Wala naman talaga ako sa mood dahil hindi ko nakuha ang atensyon ni Chaser kanina. Palpak na naman.
He shrugged again, "You? I guess?" Hindi siguradong sagot niya kaya napakunot ako ng noo.
"Stop wasting my time and yours." Mapait kong wika. Alam kong gusto niya akong ligawan, nagsisimula na ba siya nito?
Natawa siya ng mahina, "Oh? I can waste all my time for you, Chona." Akala niya siguro kikiligin ako sa sinabe niya.
Utot niya!
Pumikit ako na sabay sa paghinga ko ng malalim, "Hindi mo pa sinasagot tanong ko noon," aniko na naging dahilan para kumunot ang noo niya. "Anong kailangan mo? Kung hindi mo kayang sagutin 'to ng diretso better stop going after me." Gusto ko ng putulin at patigilin siya ngayon.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Acak[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...