Taft's POV
Hindi ko magets ang sinabe niya. Hindi naman kasi ako napipilitan lang e. "Hindi naman ako napipilitan, ah?" Pagsasabe ko ng totoo, napanguso pa ako.
Natawa siya, sobrang ganda ng tawa niya. "Eh hindi mo man lang ba ibibigay 'yang bulaklak bago mo ako tanungin?" Nakangiwi na siya, tinignan ang bulaklak saka nagkibit-balikat.
Gano'n ba 'yon?
Napapahiya kong ibinigay ang bulaklak sa kanya, hindi ko talaga alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Ito ang kauna-unahang manliligaw ako. "H-here.." nauutal pang sambit ko.
"Thanks." Maarte niyang ani saka kinuha ang bulaklak at inamoy ito.
"Okay then, can I court you now?" Nagaalinlangang tanong ko.
Nakakainis! Hays! Hindi ko talaga alam ang gagawin koooooo!!!!
"Ikaw lang ang lalakeng hiyang-hiya kung magtanong ng ganyan." Nakangiwing sambit niya, "Well, hindi naman nabawasan ang cuteness mo."
Nakangiti akong nagangat ng tingin sa kanya, pero agad din bumusangot. "Cute lang? Hindi pogi?" Parang batang anas ko.
Nakangiwi siyang tumango, "Si Dee ang pogi, ikaw cute lang." Agad na sumama ang tingin ko.
Tinignan ko siya nang may nanlilisik na mata, "What?! Type mo ba 'yon?!" Inis kong sabi.
Bwisit naman! Moment namin 'to e! Bakit napunta do'n sa kaibigan ko?!
"Ahh? Well.." kunware'y nagisip pa siya bago ngumiti. "Kung ikukumpara ko siya sa'yo--"
"Wag na wag na!" Pigil ko, ayokong marinig ang katuloy nun. "Mas pogi ako sa kanya at alam ng buong mundo 'yon!" Dagdag ko pa, natawa naman siya. "Ano nga?! Pwede na ba kita ligawan?!" Angil ko.
Nagtaas siya ng kilay, "I'm not informed that it's allowed to shout when a guy is asking if he can court the girl."
Napabuntong-hininga ako, "Okay?" Ayoko na pumalag pa, baka mamaya hindi niya ako sagutin. Huhuhu.
"Ahh.. okay. Then yes." Nakangiti niyang sabi.
Wala sa sariling niyakap ko siya, narinig ko pa ang tilian ng iba pero hindi ko na iyon binigyan ng atensyon. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Nang kumalas ay nagsisitalon-talon ako sa sobrang tuwa.
"May girlfriend na ako! May girlfriend na ako!" Tuwang-tuwang sigaw ko habang patuloy sa pagtalon.
"H-hoy! Anong girlfriend?" Doon ay napatigil ako.
Nangunot ang noo, saka tinignan siya nang nagtatanong na tingin. "E-eh, 'di ba sinagot mo na ako?" Inosenteng tanong ko.
Ang sabi niya yes, eh, e di girlfriend ko na siya, 'di ba?
"Ha?" Lumukot ang mukha niya, "Psh. Nanligaw ka na ba noon, ha? Gosh! You're funny."
Ngumuso naman ako, nagmukha tuloy akong walang alam sa panliligaw. "Sabi mo kasi, e.." Maktol ko pa. Natawa naman ulit siya.
"Manligaw ka pa. Bumawi ka sa akin. Baka nakakalimutan mong marami kang nagawa sa 'king 'di kanais-nais, huh?" Tinaasan niya ako ng kilay.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Random[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...