Chaser's POV
Ilang araw na ang lumipas matapos ang kaarawan ko.
Thursday na.
Simula nung monday ay sinusubukan kong hintayin si Chona dito sa parking lot. Sinusubukan ko ring hanapin siya tuwing break time. Pero sadyang wala man lang akong makitang ni anino niya. Hindi siya nagpaparamdam.
Ano pa bang aasahan ko? Matapos ng nagawa ko sa'yo?
Malungkot ako sa totoo lang. Hindi ko maintindihan kung bakit gan'on ang pakiramdam ko. Aaminin ko.. umaasa parin akong makita siya sa parking lot na naghihintay sa akin habang may hawak na bote ng soy milk.
Napangiti ako bigla pero sobrang tindi ng kalungkutang nararamdaman ko.
Huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa kotse ko.
"A-alveol?" Gulat akong napatingin sa kanya. Ibinaba ko ang tingin sa kamay niya pero bigo akong makakita ng soy milk. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako. "W-what are you doing here?" Tanong ko.
Ngumiti siya sa akin ngunit nasaktan ako sa ngiting iyon! Hindi siya tulad ng ngiti niya na noon na sobrang tingkad! Masasabe kong malawak ang ngiti niya ngayon pero ramdam ko ang sakit.
Nakita ko ang pagkawala niya ng malalim na hininga, "Gusto ko lang magsorry." Sagot niya at astang tatalikuran niya ako pero mabilis akong nagsalita.
"No, Alveol. I should be the on---"
Kusa akong natigilan ng bigla niya akong lingunin ng nakangiti parin. "Of course not. Haha." Kunwareng tawa niya at nasaktan na naman ako. "Gan'on ba talaga kaganda ang apilyedo ko para iyon lagi ang itawag mo sa akin?" Pilit ang ngiting biro niya pero hindi ako nakasagot. "Pumunta lang talaga ako dito para magsorry." Seryosong sabi niya.
Please don't look at me like that. It.. it hurts..
"I-I see.." usal ko.
Ngumiti siya na labas ang ngipin, "Now I'll excuse myself. See you around." Pormal na paalam niya saka tumalikod.
"Wait.." pigil ko muli pero ngayon hindi na siya lumingon, "I.. I want to talk with---"
"Maybe next time. Late na'ko." Hindi ko maintindihan kung bakit parang tinusok ang puso ko matapos marinig ang mga katagang iyon!
Lagi mo sinasabe sa akin noon na kahit malate ka ay wala kang pakialam basta makasama mo ako.
Pero ngayon.. bakit gan'on na lang?
Sobrang sakit.. ang sakit sakit makita kang nagkakaganyan dahil sa kagagawan ko..
Magsasalita pa sana ako ng makita ko bigla si Yuiji na ngiting ngiting nakatingin kay Alveol.
"Tara na, Chona?" Yaya niya.
Mabilis na nagangat si Alveol saka tumango, "Tara.." at naglakad siya papalit kay Yuiji.
"Oh? Hey there? Una na kami ah?" Baling sa akin ni Yuiji. Hindi ko nagawang tumugon.
Pinanood ko lang silang maglakad papalayo sa akin. Hindi man lang niya ako nilingon. Samantalang noon.. gustong gusto mong pagmasdan ang mukha ko.
Walang gana akong naglakad papuntang room at umupo sa tabi ni Tachio.
"Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa, Chas.." biro niya at matipid na ngiti lang ang isinukli ko. "Grabe naman kasi nangyare last week e noh?" Hindi ko siya sinagot. "Musta ka naman?" Baling niya sa akin.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Random[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...