Chapter 12
Chona's POV
"Hay nako, Chona. Dapat kasi nagiingat ka!" Eto na nga sinasabe ko eh, dapat pala hindi ko nalang kinwento kay Mela na may nanabunot sa akin. Alam ko rin namang magtatransform siya bilang isang nanay na animo'y ang galing magbigay ng payo. Edi wow.
"Good night na nga, andami pang sinabe." Inis kong sambit. Gusto ko lang naman ikwento nangyare sa akin ngayong araw eh, hays.
Naglalakad ako papunta sa classroom, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao, may kasama pang bungisngisan. "Oo siya 'yon, 'yong babaeng pinagtanggol ni Yuiji." Rinig kong sambit ng kung sino, ako nga ang pinagtitinginan. "Oo siya nga, sabi nila girlfriend daw siya ni Yuiji." Gatong pa ng isa.
Pinagsawalang bahala ko na lang ito, ayoko rin namang awayin pa sila dahil alam kong biktima lang sila ng chismis na mabilis kumalat. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad na parang walang naririnig. Narating ko ang classroom at kaagad na bumungad ang nanguusisang tingin ng mga kaklase ko.
"Sis, kalat sa campus na girlfriend ka daw ni Yuiji." Bungad naman ni Cristina na ngayo'y nakahawak na sa braso ko. Hindi na ako nagulat dahil sa mga dinaanan ko pa lang alam kong kalat na ito.
Isang tango lang ang naging tugon ko sa kanya bago deadmang pumunta sa silya ko at umupo. Wala akong pakialam kung anumang isipin nila, basta alam ko ang totoo, okay na sa akin iyon.
Nakakainis naman, nakatingin pa rin sa akin ang lahat. Bakit ba kasi napakapakilamero't pakilamera nila? Bakit ba kasi napakachismoso't chismosa nila? Bakit ba ang bilis nila maniwala sa isang bagay na kumakalat lang bigla bigla? Hay. Kapag minamalas ka nga naman oo, ako pa ang naissue. Tch.
"My gosh? Siya talaga?" Hindi ko alam kung sino 'tong babae sa harap ko pero bwisit siya, inaano ko ba siya at iniirapan niya ako ng todo. Ano problema niya? "Siya talaga ipagpapalit niya sa akin. Gosh!" Pagpapalit? Ano sinasabe nito?
"What, bitch?" Taas kilay na pagtataray ni Cristina sa babaeng ito, baklang bakla talaga. "May sasabihin ka, bitch? Baka gusto mong mabalian ng buto, bitch?" Inirapan rin niya ito.
Biglang natawa ang babae ng malakas na parang baliw, "Gosh! Bakla!" Turo pa niya kay Cristina na nakataas pa rin ang kilay.
Halata sa babaeng ito na mayaman siya, may alalay kasi siya sa likod niya eh pero 'yong alalay na parang mayaman din. Iyong pustura niya 'yong parang mga epal na kontrabida sa mga movies.
Hindi nagpatalo si Cristina at tumawa rin siya ng malakas, "Gosh! Babae pero mukhang bakla!" Naging dahilan ito para magtawanan ang mga nakatingin sa amin. Syempre hindi ko rin napigilan ang pagtawa, mahina lang naman na naging ngisi nalang.
"Huh?" Mabilis na kumurba ang kilay ng babae na may kasama pang matang nanglilisik. "Kayo!" Itinuro pa niya ang lahat ng tumawa at nakatingin sa amin. "What's so funny?" Parang nagbabanta ang boses niya. "Ugh!" Umirap muli siya.
"Ikaw." Nakangising sagot ni Cristina. "Bitch." Malutong ang pagkakasabe niya dito. "Tara na, Chona. Masyado ng masangsang ang amoy dito. Eww." Inirapan pa niya ang babae bago ako hinila paalis don. Hindi nakapagsalita ang babae, para siyang naestatwa.
Good for you, girl!
Medyo nakalayo na kami ng marinig namin ang sigaw niya, "Humanda kayo!" Hindi naman ako nakaramdam ng takot, ngisi lang naman ang nakita ko kay Cristina.
Actually, hindi naman siya mukhang bakla, pero daig pa niya ang bakla sa kapal ng make-up niya. Isama mo pa ang suot niyang off shoulder pati ang palda niyang sobrang ikli na hindi man lang umabot sa tuhod. Medyo desente naman ito tignan dahil bagay sa kanya ito, kaso ugali girl. Attitude pa rin talaga ang importante.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Random[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...