Chapter 45

97 5 1
                                    

Chona's POV

Hindi ko namalayan ang pagbilis ng takbo ng oras. Masyado akong nageenjoy dito kasama ang pamilya ko. Araw araw parin naman ako tumatawag kila Mela at nakakausap ko rin sila mama at tita. Ngayon ay BIRTHDAY ko na! Hahaha! I'm 19 years old now! Psh.

Nakahiga parin ako hanggang ngayon sa kama ko dahil pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Napagod kasi ako kahapon dahil pumunta kami sa kung saan saan. Nagenjoy naman ako kaya okay lang.

Nang makakuha ng lakas bumangon ay dumeretso narin ako agad sa dining area...

*PAAAAK!*

"Happy Birthday!!!"

Halos mangiyak ngiyak akong makita sila Mela, Axle, Mama, Tita, at Channel dito! Hindi ko inaasahang andito silang lahat!

"Happy birthday, Chona.." nakangiting bati ni Mela sa akin at inalahad ang kamay na animo'y sinasalubong ako ng yakap!

Mabilis akong tumakbo pababa para yakapin siya at doon ko hindi napigilan ang pagtulo ng luha ko. "A-andaya niyo naman e.. h-hindi niyo man lang a-ako sinabihan na p-pupunta kayo dito.." naluluhang sabi ko.

"Surprise nga e.. pano pa magiging surprise 'yon kung sinabe namin?"

Kusa akong kumalas sa pagkakayakap ko at ngiting ngiti naman siyang nakatitig sa akin.

"Happy birthday, Chona." Si Channel na nakangiti rin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi ako informed na pwede plastik dito." Biro ko. Saglit pa kaming nagkatitigan bago nagtawanan.

"Hahahaha. Namiss kita." Aniya pa saka yumakap din sa akin. "Pero mukhang may gustong makita ka ngayon.." dagdag niya sabay sa pagkalas niya sa yakap.

Agad na kumunot ang noo ko, "H-ha? Sino?" Tanong ko pa.

🎶Happy birthday to you.. Happy birthday to you..🎶

Napatingin ako sa pinaggalingan ng boses na iyon. Kahit hindi ko tignan kung sino iyon alam ko na at nakikilala ko na ang boses na 'yon.

🎶Happy birthday to you.. Happy birthday to you..🎶

C-Chaser..?

🎶Happy birthday.. Happy birthday.. Happy birthday to you..🎶

Naghalu-halu ang nararamdaman ko. Mayroong tuwa ngunit mas higit ang pagkalito.

"W-why are you here?" Nakangiti ngunit may bahid ng kalungkutang tanong ko.

"To say happy birthday?" Natatawang sagot niya kaya napangiti naman ako. "I really want to say sorry, Chona.. and.. I really want you.. to come back." Malungkot ang tono niyang iyon ngunit hindi ko maintindihan ang tuwang nasa loob ko. "P-please? Bumalik ka na sa dati? S-sa.. sa akin." Napapabuntong-hiningang sabi niya.

"Omoo! Are they exes?" Rinig kong sabi ni mamc na halata pa ang kilig.

"Pano 'yan? Dahil mahal kita.. gusto kong sundin yung dare mo?" Kunwareng nagtatampong sabi ko.

Napangiti siya at saglit pang tumungo. "Pano 'yan? Gusto ko ng baguhin yung dare na 'yon?" Nakangiting tanong niya. "I.. I dare you to be my girlfriend.."

"Mhm.." tugon ko na tumango pa. "Pero pwede ba munang mag-wish? Gusto ko narin matikman cake e.." biro ko kaya nagtawanan kaming lahat.

"Go and take a wish, babe.." nakangiting aniya dahilan para magsilabasan ang mga ngipin ko sa sobrang ngiti.

"Babe?" Tanong ko pa at nagkibit-balikat naman siya.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now