Chapter 7

78 4 0
                                    

Chapter 7

Chaser's POV

I don't hate losing or winning, and I don't know why. But for me a game is just game where you only need to play it and it doesn't matter what will be the result.

What's important is you play it.

"How sad for the two of you." Nakangising sambit ni Taft sa aming dalawa ni Channel.

Kakatapos lang naming maligo kaya nasa may locker pa lang kami ng basketball club at kumukuha ng damit na isusuot. Nakabalot lang kasi ang tuwalya sa baba ko at gan'on din ang ibang kasama namin.

"Sad? What's sad with it, my king Taft?" Said Channel sarcastically with a fake smile in his lips.

I know Channel hates losing, especially when it comes to basketball because it's his favorite sport.

"For the Ascore twins to lose." Answered Taft then raised an eyebrow on us.

Mahinang natawa si Channel bago nagsalita, "So? What's the matter if we lose? Does it bring some honor to the king?" Sumilay ang isang ngisi kay Channel na palawak ng palawak.

"Of course yeah, 'cause they say Ascore twins are unbreakable and undefeated." Natatawang sambit ni Taft, "Pero natalo kayo. How---"

"Tragic? Pathetic? What? Tell it. Have you forgotten that you are the king of this school? And oh? You hate losing, right?" Nagkunware pang natawa si Channel. Ayaw talaga niyang nagpapatalo sa kahit na anong bagay. "Okay fine, we are the Ascore Twins, and so? Wala ka pang napapatunayan dahil sa amin ka pa lang nanalo. In fact, bakit hindi mo na lang tanggapin na we're in the same team now? Lower your pride, our king. Hindi porket natalo namin ang section niyo noong intrams back at senior high, itatali mo na sarili mo doon at ituturing mo na kaming kalaban magpakailanman." Hindi nagawang makapagsalita kaagad ni Taft matapos ibalik ni Channel ang nangyare noong grade 11 pa lang kami at grade 12 naman si Taft.

Intrams namin noon at finals ng basketball. The game ends with a score of 73-41, natambak sila noon at kami ang nanalo. Hindi iyon noon matanggap ni Taft kaya nagrequest siya ng rematch. That was the time that I almost broke my leg. Itinulak niya ako ng pwersahan dahil hindi niya maagaw ang bola sa akin. Muntik na akong hindi makalaro dahil dun.

"Okay, whatever. Just let this sink in your mind. One day, if our roads crossed again, I'll be sure that it's my victory. Kaya maghanda na kayo." Ngisian pa niya kaming dalawa.

Hindi ko alam ang nagtulak sa akin para masalita, "I hope that day you'll fight fair and square. Not in forced and cruel." Matapos nun ay wala ng nagtangka pang magsalita sa pagitan naming tatlo. Isinuot ko naman na ang damit na nakuha ko pati na rin ang pangbaba ko.

"Narinig ko kayo kaninang nagaaway, ah?" Ani Tachio, naglalakad na kami ngayon pabalik sa classroom. "Hanggang ngayon pa naman ba ay hirap pa rin siyang tanggapin ang pagkatalo niya noon?" Dagdag pa niya. Itinaas ko lang ang aking balikat bilang sagot.

Nadaanan namin ang front cafeteria kaya napagdesisyunan naming bumili dito. Kung minamalas ka nga naman makakasalubong mo pa mga baliw na fans. Hay. Dapat pala hindi na lang kami bumili.

"Tachio, Chaser, papicture po." Sambit ng isang maliit na babae dala dala ang bag niyang punong puno ng keychain.

Hindi ako nagabalang magsalita o tumango man lang. Ang tanging ginawa ko ay naglakad ng diretso na animo'y wala akong nakita o narinig man lang.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now