Chaser's POV
It's sunday now, and it's a good day? I guess? Well, weekends are better than weekdays. School is kinda boring, you know?
"Chas! Tachio is here!" Sigaw ni ate Myna kaya dali dali akong bumaba para pumunta sa kaibigan ko.
"What took you so long?" Tanong ko sa kanya, nagkibit-balikat lang naman siya.
Tatambay lang naman kami dito sa bahay, at gagawa na rin ng ibang assignments. Usapan kasi namin 3:00 pm, eh halos 4:00 pm na siya dumating. Almost one hour late, huh? Wala naman ako magagawa dito, ganito talaga ang kaibigan ko eh. Saka naisip ko na iyon kaya inagahan ko ng isang oras. Psh.
"Just tell me what you need." Wika ni ate Myna na tinanguhan ko lang.
"Tara..."
Pumunta na kami sa kwarto para doon tumambay. Masyado naman atang nagfeel at at home 'tong si Tachio kaya inihiga niya ang buong katawan sa kama ko.
"Damn you, Tachio. Bagong palit lang 'yan." Sambit ko na nakakunot ang noo.
Tch. Pinakaayaw ko talaga na dinudumihan ang gamit ko.
"Hey! Marunong naman akong maligo eh! Ano bang akala mo sa akin?" Pagtatanggol niya sa kanyang sarili.
Hinila ko siya paalis sa kama ko, "You're at my room, okay?" I almost rolled my eyes.
Kinuha ko ang alcohol sa bathroom ko saka ini-spray-an ang buong kama ko.
Napapailing naman si Tachio at napapakamot na lang sa batok.
Hindi naman sa sinasabe kong madumi si Tachio, kaso nakasuot pa 'yong sapatos niya nung tinalon niya kama ko. Saka kakapalit ko lang kagabi ng punda nito eh. Ayoko naman magpalit kaagad.
"You really are the hygiene king." Napapailing na wika niya.
"Yeah." Pagsangayon ko.
Aminado naman ako at wala akong pake kung iyon ang tawag sa akin.
Saktong 6:00 pm nang makaramdam ako ng gutom, gan'on din si Tachio kaya napagdesisyunan muna naming bumaba at kumain. Yeah I know, alam kong pwedeng kumain sa loob ng kwarto ko pero ayoko. Baka kumalat mga maliliit na piraso doon at langgamin pa ako. Mas mabuti ng maingat.
Pagkababa namin ay bumungad sa amin si ate Myna na nakaapron pa. Mukhang may ginawa na naman siyang experiment. Puro talaga pagkain nasa isip niya.
"Nagbake ako ng cookies. Try it. I need someone to judge it too." Sambit niya saka kami sinamahan papuntang kusina.
Mabilis naman niyang ibinigay sa amin ang cookies na halos kakasalang lang. "Don't worry, it's not hot na." Aniya saka pa kami nginitian.
Weird...
Hindi ang cookies, si ate. Um, not actually weird. Ganito talaga si ate kapag may bisita kami. Akala mo napakabait at walang tinatagong kalokohan.
"How's it?" Parang excited pa siyang malaman ang sagot ni Tachio.
Ngumiwi siya bago sumagot, "Well... uh... it's good. Really good." Natuwa naman si ate na animo'y nanalo sa lotto.
Natawa ako ng mahina kaya napatingin sila sa aking dalawa. "What?" Kumunot ang noo nila at binigyan ako ng tingin na nagtatanong, "Um... okay lang." Medyo nagsinungaling ako.
It's not good at all. Hindi masarap. Pero ayoko ng makipagtalo pa.
"Nagustuhan siya ng kaibigan mo ikaw hindi? Gosh!" Eto na siya, umirap na at medyo umarte na ang boses.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
De Todo[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...