Mela's POV
Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng inis kay Chaser.. alam ko namang hindi niya gusto si Chona pero 'wag naman sanang ipamukha niya pa ito..
Pero natakpan ang inis ko dahil sa sobrang awa ko kay Chona, sobra ang pinakawalan niyang iyak..
Naglalakad na kami ngayon palabas ng gate at inihahatid kami ni ate Myna pati ni Channel at Yuiji na kanina pang tahimik na pinapatahan si Chona.
Nang tuluyan kaming makalabas ng gate ay tumigil kami sa paglalakad.
"W-we're o-okay here.." humihikbi paring sabi niya na pilit pang ngumiti.
"Sorry, Chona.. I really am.." si ate Myna, halata ang pagkasinsero niya dahil kitang kita sa mukha niya na awang awa siya kay Chona, "Sorry talaga.." Malungkot pang dagdag niya.
Isang pilit na ngiti lang ang isinukli ni Chona bago muling bumaling kay Channel. Huminga muna siya ng malalim at saka nagpunas ng luha.
"Happy birthday.." aniya saka ibinigay ang isang paper bag, "Tachio.." tawag niya na kanina pa ring tahimik, "Do me a favor.. give this to him.." at may inabot ding paper bag.
Alam ko ang laman ng mga 'yon, dahil kasama niya akong gumawa non. Hindi literal na kasamang gumawa, tumulong lang ako ng bahagya.
"Thanks, Chona." Si Channel na halata ang pagkahiya sa boses.
"We'll go now.." pilit ang ngiting paalam ko na tumango naman sila.
"Ingat kayo.." silang tatlo kaya ngumiti nalang kami.
Agad kaming sumakay sa kotse ni Axle, kaming dalawa ni Chona sa likod dahil patuloy ko parin siyang pinapatahan.
"Chona, look at me.." hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at iniharap ko siya sa akin, "That's okay.. part 'yan ng pagmamahal.." sabi ko pa ngunit umiyak pa siya lalo.
Niyakap niya ako at umiyak sa balikat ko na parang bata..
Ang sakit lang tignan na nagkakaganito siya dahil sa isang lalake.
You should not crying for a man, Chona..
Alam kong gustong gusto niya si Chaser at kitang kita ko naman iyon. Alam ko kung anong nga efforts ang ginagawa niya para lang mapansin siya nito. Araw araw nagkwekwento siya sa akin ng nakangiti at parang inlove na inlove.
Sinusuportahan ko siya dahil alam ko rin namang alam niya ang ginagawa niya.
"A-am I that fool, Mela? Bakit gan'on?" Humihikbi pang tanong niya na hindi naalis sa pagkakayakap sa akin. Hindi ko siya matignan kaya tumingin nalang ako sa salamin kaya nagtama ang paningin namin ni Axle na nginitian lang naman ako ng tipid. "I did all I can, Mela.. but.." lalong lumakas ang iyak niya. "B-but.. for him.. i-it was nothing.."
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon, at ako mismo ay nahihirapan sa sitwasyon niya.
Hindi ka dapat nagkakaganito Chona e. Masyado kang masiyahing tao para maging ganito ka. Hindi nararapat sa'yo ang umiyak at paiyakin. Sa lahat ng taong nakilala ko.. you have the brigthest personality.. Kaya naman please, Chona.. "Stop crying.." hindi ko kayang makita na nagkakaganyan ka.
Kusa siyang kumalas sa pagkakayap at nagpunas siya ng mukha at saka umayos ng pagkakaupo. "Are you going to be mad at me?" Seryosong tanong niya ng hindi nakatingin sa akin.
"Why should I?" Tanong ko pabalik na kumunot pa ang noo.
Bumuntong-hininga siya saka tumingin sa akin, "I'll not stop chasing him.." pilit ang ngiting sagot niya. "G-gusto kong.. g-gusto kong madurog muna ako.." naiiyak ng sabi niya. "In that way, masasaktan ako ng sobra dahil sa kanya.. at.. gugustuhin ko ng k-kalimutan siya.." dagdag niya.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Diversos[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...