Chapter 30

63 4 0
                                    

Myna's POV

Minsan iniisip ko talaga bakit may mga taong katulad ni Taft, parang gusto lagi nasa kanila ang atensyon. Gusto palaging sila ang panalo.

Yes, it's not bad to say "I want to win always!" Sa tingin ko ay normal lang naman sa ating lahat iyon. Sometimes, winning is not that important in the game, what's really important is what you've learned on it.

Sigh.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako mamapaniwala na kaya niyang suntukin ang kaibigan niya. Alam kong mahirap kontrolin ang emosyon, pero sumobra siya.

Nung nakaraang araw na humihingi siya ng tawad sa akin, I didn't accept it. It's not because I don't want to, it's because I'm not the one who needs it. Mali ako dahil pinatulan ko pa siya, ayoko na ng away. Gusto kong manahimik nalang katulad ng ibang estudyante.

Nabalik ako sa aking sarili ng biglang may tumikhim mula sa aking likuran.

"Dee? What are you doing here?" Kunot noong tanong ko.

Ngumiti siya ng bahagya. "Um... about the acquaintance party? Ako ba talaga partner mo?" Napakamot pa siya sa batok.

Hindi ko maintindihan ang aking puso bakit bigla itong tumibok ng napakabilis. Pakiramdam ko pa ay nagiinit ang buong katawan ko at pinagpapawisan ako.

Bakit ko ba kasi iyon sinabe?

"It's okay. Hindi mo nama---"

"Sure." Pagputol ko sa kanya, "Lets be partners." Nginitian ko pa siya. Nakakahiya naman na kasing bawiin iyon, isa pa... gusto ko rin siyang maging partner? No! Nakakahiya lang talagang bawiin.

"Okay then... see you later."

"Hah?"

Natawa siya ng mahina. "See you later." Paguulit niya.

"Later?"

"Mhm. We should go out. Magkapares dapat susuotin natin." Aniya saka mabilis na umalis.

Go out? Kaming dalawa lang? Isn't it a date? Gosh! Bakit ko ba iniisip 'yon!

Habang naglalakad ako patungo sa classroom ay pansin ko na pinagtitinginan ako ng lahat. May naririnig din akong mahinang bulunagan at bungisngisan.

"Bitch. You're here?" Ani ng babaeng makakapit kay Taft na animo'y linta. Psh.

Bitch, huh?

"Yeah? Malamang. Are you even thinking? Magulat ka nasa building ako ng engineers eh hindi naman 'yon kinukuha ko. Gosh! Medyo stupid." Inirapan ko pa siya ng todo.

Tinaasan niya ako ng kilay at pinagkrus pa ang braso. Akala mo naman talaga masisindak niya ako sa pagtataray niya. Eh mismong si Taft nga hindi ako nagpatinag eh, siya pa kaya.

"Are you going on Saturday?" Tanong niya ng may malawak na ngiti.

"You don't care if I will." Malamig kong tugon.

Tumawa siya. "Of course I do. Gusto kitang talbugan, I want to let everyone know that I'm the prettiest of all." Anito saka pa inusisa ang buong pagkatao ko.

"Yeah? Okay."

Aktong tatalikuran ko siya ng hilain niya ang aking buhok.

"Ano? Bastusan? I'm still talking to you, bitch!"

Hindi ako nasaktan sa sabunot niya pero gaganti ako, dahil ayaw kong ginugulo at hinahawakan ang buhok ko. Hinigit ko ang mga daliri niya at inikot ko ito. Sumisigaw siya sa sakit ngunit wala akong pakialam. Patuloy ko pang iniikot ito.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now