Chapter 1
Chona's POV
Hays, akalain mo 'yun? In coming first year college na kami. Nakakaproud lang isipin na umabot kami dito.
Shit! Oh my gosh...
Andito si Chaser! Sa faculty of engineering rin siya kabilang?! Tadhana nga naman oh! My pretty boy, huhuh!
Nakurot ko ang braso ni Mela dahil sa sobrang kakiligan kaya sinamaan niya ako ng tingin, "Mela... look, my pretty boy..." may bahid ng kilig ang boses ko at namumula na ang pisnge ko.
Natawa na lang siya sa akin, "Oo na! Hindi naman ako bulag eh." Inirapan pa niya ako.
Ang pogi talaga ni Chaser, as in! Bagay sa kanya ang suot ngayon, itim na polo na long sleeves at fitted na pants. Pero mas bagay kami. Gosh! Hindi ko na kinakaya ang kapogian niya. Mamatay na talaga ako here.
Anyways, nasa ground floor kami ng engineering building. Wala pa kaming pasok ngayon. Dito kasi sa Cap University, bago ang pasukan mayroong welcoming camp ang bawat faculty. Magsstay kami dito ng 3 days and 2 nights. This camp will lead by the current officers of each faculty. Sa tatlong araw na ito ay puro kami activity and of course ililibot na rin nila kami sa building.
Magkakahiwalay na kasi ang building dito eh, per faculty at per course na. Mahihilo at mawawala siguro ako kung nag gala ako dito ngayon ngayon.
Putcha! Ang pogi talaga ni Chaser! Ikakamatay ko na 'to.
Well, kung si Chaser ang cause of death ko, okay lang sa akin. Dahil patay na patay naman talaga ako sa kanya. Iaalay ko ang aking buhay sa kapogian niya. Kahit maghirap kaming magkasama wala akong paki. Kahit magutom kami mukha pa lang niya ay busog na ako. Char!
"Ayy sis, pinapasukan na ng langaw 'yang bunganga mo." Nangaasar na tinig ni Mela, tumawa naman kaming dalawa.
Gano'n na lang ang gulat namin nang biglang may sumulpot sa aming likuran.
"Hey! What's up?!" Nakangiting bungad sa amin ni Channel, tinaas taas pa ang kilay. Nakagreen siyang damit na may tatak na kung anong hindi ko alam pero mamahalin. Nakasapatos ng jordan at naka ripped jeans. Wow! Paheartthrob itong epal kong kaibigan! Pero bwisit, nagulat talaga ako.
Akala ko naman kung sino! Kung hindi mo lang talaga kamukha pretty boy ko nasampal na kita!
Nagyakapan sila ni Mela at Channel, namewang naman ako at pinanliitan siya ng mata.
"Sa tingin mo nakakatuwang manggulat, hah?!" Mataray na sambit ko, nagulat ako ng sobra eh.
Tinawanan lang nila ako, "Aba! Kasalanan ko pa na nagulat ka? Saka hindi mo ba ako namiss? Matapos ng bakasyon ganyan ka pa rin, laging galit." Napailing na sambit ni Channel.
Tinaas ko ang kilay ko sa kanya, "Pake mo ba, hah? Eh ikaw? Sa tinagal tagal ng bakasyon epal ka pa rin?" Patuloy na pagtataray ko.
Pumagitna sa aming dalawa si Mela, "Hoy ano ba kayong dalawa, hah?" Tinuro pa kami, "Ang tagal nating hindi nagkita, niyong hindi nagkita. Tapos magaaway lang kayo? Tch." Inilingan niya pa ako.
Sis? Ako lang may kasalanan?
"Oh? Sabihan mo 'yang kaibigan mo. Epal masyado!" Umirap pa ako, na ngayo'y nabaling ang tingin kay Chaser.
Shit! My pretty boy! Huhu.
Rinig ko ang pagtawa ni Channel, "Kaya naman pala, kasi hanggang ngayon wala pa ring jowa." Natatawang sambit niya na alam kong nangiinis.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Random[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...