Chona's POV
Hindi ko akalaing susunduin pa ako ni Yuiji dito sa bahay. Nagulat nalang talaga ako nang may bumisina sa harap at nakita ko ang kotse niya.
Nandito sa loob ng bahay si Channel kaya nagtaka siya at nagtanong kung sino iyon. Sinabe ko naman ang totoo.
"Yuiji? 'Yong kaibigan ni Taft?" Tanong niya kaya tumango ako. Kaibigan ko naman siya kaya ayaw kong magsinungaling sa kanya, isa pa kahit magsinungaling ako ay malalaman din naman niya.
Tumawa siya kaya napakunot ako ng noo, "Really, huh? Two-timer ka na pala." Natatawang wika niya.
Gusto ko siyang batukan kaso 'wag nalang, babawian lang din niya ako eh.
"So... bakit siya naging partner mo?" Seryosong tanong niya na ngayon ay blangko ang mukha.
Umirap ako at bumuntong hininga, "Well... syempre, hindi pumayag kapatid mo." Hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o ewan.
Tumawa siya at napailing, "As if he will." Bilangan niya ako ng tingin saka pinanliitan ng mata, "Oh? You look... how should I say this?" Itinagilid ang ulo. "Mukha ka ng tao." Tumawa siya na parang ng bukas.
"Tch! Bahala ka nga! Mauna na ako!" Nauna na akong lumabas dahil andito na si Yuiji eh. Ayaw kong paghintayin 'yong tao.
"Wow, can I call you Ms. Beautiful?" Nakangiting sinalubong ako ni Yuiji, inilahad pa ang kamay sa akin.
Napangiti naman ako ng bahagya saka ibinigay ang aking kamay, "So... are you ready?" Tanong pa niya, tinignan ko siya. "This day is only yours and mine. You can't get out of my sight." Mahina akong tumawa.
"Like hell. I know, I know."
Pinagbuksan niya ako at sumakay naman ako kaagad.
Mela's POV
Binilisan ko na ang pagkilos dahil kanina pa naghihintay sa akin si Channel, nakakahiya naman sa kanya.
(Phone ringing)
"Hello?" Nakaipit sa aking leeg ang cell phone ko dahil nagbibihis pa rin ako.
"How are you, datu puti ko?" Napangiti ako bigla ng marinig ang boses niya.
"Your datu puti is fine, how 'bout you?" Tanong ko pabalik.
"Bored." Aniya kaya kumunot ang noo ko. "Magisa lang ako sa dorm ngayon, wala kaming pasok eh." Dagdag niya.
"Sorry." Hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng tawad sa kanya, wala naman akong nagawang masama.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, "For what? Wala ka naman dapat ipanghingi ng tawad."
"Mhm..."
"Anyways, bye! Alam kong kailangan niyo ng pumunta sa party. Don't forget to enjoy hah!"
"Opo, datup puti ko. Ikaw hah. 'Wag kang magloloko diyan!"
Tumawa siya, "I'll not and never. Gaya mo ako sa'yo!"
Tumawa rin ako, "Baliw! Okay, bye na."
"Walang I love you?"
"Wala."
"Bakit? Iiyak ako nito."
"Edi umiyak ka." Humalkahak ako.
"Mela... I love you!"
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
De Todo[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...