Chapter 5

102 6 0
                                    

Chapter 5

Chaser's POV

"Asssscooooreee!" Salubong na sigaw ng isang babae na nakatayo sa tapat ng kotse ko. May kasamang dalawang babae na alalay niya.

It's the flirty Chicrita Aquino with her allies.

Tch.

Chicrita Aquino, isa siya sa mga babaeng nagkakandarapang habulin ako. Lahat ng pwede niyang gawin ay ginagawa niya para lang mapansin ko siya, palagi talaga siyang may dalawang babaeng alalay.

Naalala ko pa nung nakaraang taon ay gumawa siya ng isang malaking party para sa birthday ko. Lahat ng kakilala ko ay inimbitahan niya. Syempre hindi ako sumulpot. Hindi ko naman hiniling sa kanya 'yon, bakit niya ibibigay?

"What." Hindi talaga patonong 'yan para ipakita ko na hindi ako interesado sa kanya o sa kung ano mang sasabihin niya.

Nagtinginan silang tatlo bago sumagot si Chicrita na may halong kilig pa, "I...I have something for you..." namumula pa ang kanyang pisnge.

"So?" Malamig kong sambit saka bahagyang ngumisi. Halos malalag ang panga nila ng lagpasan ko lang sila, nang aktong papasok ako sa kotse ay marahas akong pinigilan ni Chicrita.

"Stop messing around, I don't care about you." Kalamado ngunit may diin kong sambit.

Parang wala siyang narinig, "Saka lang kita titigilan kung may girlfriend ka na! Well now wala, so sorry." Sambit niya na may bahid ng katarayan.

May nakita akong isang babae na may kalapitan sa amin. Pinanood lang ako nila Chicrita na lumapit sa babaeng iyon.

"Can I have a favor?" Tanong ko sa kanya.

Parang nakakita siya ng isang multo ng makita niya ako, kumurap kurap pa ang mga mata niya. Napansin ko rin ang pagpula ng kanyang mga pisnge pati na rin ang paglunok niya.

"Please?"

Hindi siya kaagad nakatugon, may mali ba sa mukha ko? Ewan. "A-ahh... w-what's it?" Nauutal niyang sambit saka muling lumunok.

Medyo nakakailang ang titig niya sa akin pero wala akong magagawa kailangan ko siyang. "Magpanggap ka as my girlfriend, saglit lang. I just need to." Hindi ko na inisip ang magiging resulta nito, gusto ko lang ngayon na mawala sa harap ko si Chicrita.

Saglit pang umuwang ang kanyang bibig bago tumango, parang napilitan na lang? "Follow me." Sambit ko saka naglakad pabalik kila Chicrita.

"She's my girlfriend." Tinignan ko pa ang babaeng hiningian ko ng pabor. Para lang siyang inosente na hindi alam ang nangyayare.

Tinaasan ako ni Chicrita ng kilay, "Eh? Do you think you can fool me? Kakililala mo nga lang sa kanya eh." Aniya saka pa umirap.

"So? At least I have a girlfriend. Now, get out of my sight."

"Arghhh!" Iritang sigaw niya na ginulo pa ang buhok.

Damn crazy, tch.

Wala na siyang nagawa kundi ang umalis na lang.

"Sorry for that and thank you." Sinabe ko sa babaeng ginamit ko para makatakas sa bruhang Chicrita.

Nakayuko lang siya na parang nahihiyang magsalita, tinnguhan lang naman niya ako bilang tugon.

"Tell me, what do you want?" Tanong ko, gusto ko naman makabawi kahit kaunti lang. "Anything I can." Dagdag ko pa.

Dahan dahan niyang inangat ang tingin sa akin, "N-nothing...." nauutal niyang sambit saka kaagad din inalis ang tingin sa'kin.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now