Chapter 6
Chona's POV
"Totoo naman sinasabe ko eh!" Halos singhalan ko na si Mela at Channel dahil hindi sila naniniwala sa kwento ko. "Kaya daw hindi niya ako sinasagot kasi hindi naman daw ako nanliligaw!" Sigaw ko pa pero hindi pa rin sila naniniwala. Tinatawanan lang nila ako dahil nababaliw lang daw ako.
"Stop hallucinating things, Chonabells. Masasaktan ka lang." Natatawang sambit ni Mela na ikinangiwi ko.
"Baka ibang Chaser nakausap mo? O baka may schizophrenia ka na!" Gatong pa ni Channel na ikinatawa nilang dalawa.
Like hell it's funny?!
"Ha.ha.ha." inirapan ko pa siya na halos bumaliktad na ng tuluyan ang mata.
Bakit ba ayaw nilang maniwala eh totoo naman sinasabe ko? Hindi ba kapanipaniwala mga sinasabe ko?
"Bahala nga kayo! Mauuna na ako sa klase!" Ibinagsak ko pa ang baso ko saka sila iniwan.
Tinext ko na si Mela na hindi muna ako sasabay pauwe sa kanya, gusto ko kasi maglakad lakad muna magisa eh. Saka baka may gagawin siya, sayang naman 'yong oras niya.
Matagal tagal na rin pala akong hindi nakapunta dito sa mall, hindi rin kasi ako mahilig magmall eh. Mas okay sa akin 'yong libot libot lang sa kung saan.
"Oh my...! Ang ganda...!" Halos sumigaw na ako dahil nagandahan ako sa isang necklace na nakita ko. Pumasok pa ako sa loob para malapitan ko itong pagmasdan. "Ang mahal..." bulong ko sa sarili na napangiwi pa.
Ano nga bang ieexpect mo? Sa ganda ng necklace na 'to hindi mo talaga mabibili ito ng mura lang.
"For you." Isang boses ng lalake ang pumukaw sa tainga ko dahil pabulong niya itong sinabe mula sa likod ko.
Nang makita ko ang itsura niya ay umaapaw ang ngiti sa kanyang labi. Maputi siya, matangkad, messy hair, well, mapula ang labi, medyo lumelevel sa kapogian ni Chaser pero mukha siyang fuckboy. Mukha lang naman dahil na rin sa pormahan niya.
Tinitigan ko lang ang inaabot niya sa akin, maliit itong box na kulay pula. "For you." Muli niyang sambit at binigyan pa ako ng matamis na ngiti.
"Hindi ako nagpabili niyan, kuya." Medyo seryosong sambit ko.
Like? Who is he? Bakit naman niya ibibigay 'yang kung anong laman ng maliit na box na 'yan. Baka mamaya lason pala o baka bomba pa, mamatay pa ako. Buti sana kung kilala ko siya eh hindi naman.
"For you." Ano ba siya? Sirang plaka? Paulit ulit lang sinasabe niya eh.
"First of---"
"I said it's for you." Kinuha niya ang kanang kamay ko at ibinuklat ito para doon ilagay ang maliit na pulang box.
Kumunot ang noo ko, "Anong trip mo?" Medyo iritable na ako. Sino bang hindi? Susulpot na lang bigla tapos may ibibigay? Ano 'yon?
"Sabi mo kasi kanina 'it's beautiful' kaya binili ko 'yan para sa iyo. Kasi mas maganda pag nakasuot na sa'yo." Sagot niya na animo'y wala man lang nararamdamang hiya sa katawan.
"Sorry but it's my line recieving a gift or whatever to someone I don't even know." Aktong ibabalik ko sa kanya ang binigay niya ay nagsalita siya.
"I'm Yuiji, now you know me, it's fine to recieve that gift." Nginitian pa niya ako na sobrang lawak na umabot pa hanggang mata niya.
Pasalamat ka pogi ka kundi pagkakamalan kitang manyakis.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Casuale[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...