Chapter 17

67 4 0
                                    

Taft's POV

Tambay lang kaming tatlo ngayon sa may bench na gilid ng football field. Kung hindi kasi kami nagugutom ay it's either dito kami nagsstay or sa basketball court. Nakasanayan na rin namin iyon eh.

Busy kaming pare pareho na nakatutok sa cell phone namin. Naubusan din kami ng paguusapan eh.

"Look who's coming..." napatingin silang dalawa ng sabihin ko iyon, kaagad nilang ibinaling ang tingin sa direksyon kung saan ako nakaharap.

"Oh? That's Sandy, right?" Walang ganang sambit ni Dee, well, mawawalan ka naman talaga ng gana kung makikita mo ang mukha ng babaeng ito.

"Sandy the ugly." Natatawang wika ni Yuiji na naging dahilan para matawa rin ako.

"4P's." Gatong ko naman.

Naibaling ang tingin nilang dalawa sa akin, nakakunot ang noo at may nagtatanong na mga mata. "What?" Tanong ko, mukhang hindi ata nila alam ang bagong pauso kong nickname ni Sandy.

"4P's? What the hell was that? Bago na naman?" Batid mo sa boses ni Yuiji na natatawa ito, sigurado kasing alam niya na isang panlalait na naman ang ibig sabihin nito.

"4P's." Muli kong sambit na lalong ikinakunot ng mga noo nila, "As in Papalapit ng Papalapit, Papangit ng Papangit." Tawang tawang wika ko.
Malakas na humalakhak si Yuiji samantalang itong KJ naming kaibigan ay ngumisi at umiling lang.

"'Sup 4P's?" bungad ni Yuiji kay Sandy ng marating na niya kami. "Ay este Sandy." Pagbawi niya bago palihim na tumawa.

"4P's? You mean... Pinakapretty, Pinakasexy, Pinakawitty, at pinakabagay kay Taft?" Aniya na ikinatawa ko ng malakas. Kahit kailan talaga gandang ganda siya sa sarili niya eh. Kadiri talaga ang babaeng 'to.

"Papalapit ng Papalapit, Papangit ng Papangit." Wika ko na nagsasabe lang ng totoo. Ang pangit kasi talaga niya, as in.

'Yong buhok niyang napakagulo na parang alambre. Mga damit na sinusuot niya na hindi naman bagay sa kanya. Make-up niyang kahit sampung patong ay hindi mababago ang pangit niyang mukha. Pati ang mga pimples niyang nagkalat all over the her body. Worst, ang amoy niyang pang matanda, parang mapanghing matanda, gan'on ang amoy niya. Napakabaho.

Damn! Ang baho talaga! Masusuka na ata ako!

Hindi ko nagawang patalsikin ang babaeng ito. Bakit? Kasi hindi ko rin nagawang lapitan siya. Hahah. Ngayon nga ay malayo na ako sa kanya eh, pero amoy ko pa rin ang pagbaho niya.

Ang kaso, type na type ako ng babaeng 'to. Kadiri. Masusuka na lang talaga ako ng wala sa oras. Ang laswa, ang pangit, ang baho, lahat na lang. Lahat na lang ata ng hindi kaaya aya ay nakuha na niya. Nung umulan siguro ng kamalasan ay linangoy niya ang baha at sinalo lahat.

Shit! Can't take this anymore!

"Umalis ka na dito, 4P's." Walang ganang wika ko na hindi man lang siya binalingan ng tingin.

"Why should I? Sa ganda kong 'to pinapaalis mo pa ako?" Hindi ba siya nasusuka sa mga pinagsasabe niya? Maganda? Ulol! Kahit nga nabuhay siya nung panahon ng mga unggoy hindi mo pa rin masasabe na maganda siya.

Naway patawarin niyo ako, alam kong sobra na ang panglalait ko. But damn! Ang pangit po kasi talaga niya. Siya na po ata ang pinakapangit sa balat ng lupa--- No. Siya talaga. Hahah.

"Amin na nga assignments mo!" Pagtataray niya saka inilahad ang kamay.

Good.

But at least may sense siya, siya lang naman ang tagagawa ko ng LAHAT ng mga kailangan kong gawin. Kaya hindi ko na ring binalak na patalsikin siya dito kasi may silbe naman. Hindi katulad ni Goshduh, sakit lang sa ulo ang dala niya. Ulol siya.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now