Chapter 27

50 5 0
                                    

Chaser's POV

"And where did you go, huh?" Bungad na tanong ni ate Myna kay Channel ng dumating ito.

Kumunot ang noo ni Channel, "Ewan ko sa'yo." Nakakalokong sagot niya.

Isang matunog at malakas na batok ang natanggap niya mula kay ate Myna. "Where did you go?!" Ngayon ay tumaas pa lalo ang boses niya.

This is a war again.

"Kumain lang!" Pabalang na sagot ni Channel saka inilapag ang bag at humiga sa couch.

Nasa kabilang couch ako nakaupo, kaya nasa left side ko ngayon si Channel.

"Bawal na bang kumain sa labas?" Rinig kong reklamo ni Channel kaya napangisi na lang ako.

"Gosh! What are you murmuring there? You want to say something? Huh?" Hay. Akala ko pa naman titigil na silang dalawa. Pareho silang masakit sa tainga. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa binabasa ko.

"Sabi ko kumain lang ako sa labas!" Napangiwi siya.

"I know that! Sinabe mo na kanina! Medyo stupid, huh? Gosh!" Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni ate ay alam kong umiirap na siya ngayon, "Eh bakit ka kumain sa labas? You don't want to eat here?" Aniya.

"Ayoko!" Diretsahang sagot ni Channel. Tiniklop ko ang libro ko dahil nawalan na ako ng ganang basahin pa ito. Pinagmasdan ko nalang silang dalawa na nagaaway.

"And why?" Tumaas ang kilay ni ate.

"Obvious ba? Hindi masarap luto mo!" Pabalang na sagot ni Channel. Alam kong wala lang kay ate 'yon. Ganito kasi sila magaway eh, personalan. Kaya ayokong makigulo eh. Idamay pa ako.

"Excuse me? Masarap luto ko. May mali lang sa panlasa mo." Umiirap na wika ni ate.

"Dun ka na nga! Ingay mo eh! Nanonood ako!" Sinenyasan pa niya si ate na umalis.

Umirap naman ito, "Gosh! Ang papangit talaga ng panlasa niyo! Ugh!" Padabog pa siyang naglakad paakyat sa kwarto niya.

Umakyat na rin ako sa kwarto para maligo at makapagpahinga na. Mabilis akong nakatulog dahil pagod ako ngayong araw.

"Because I love Chaser!"

Mabilis akong nagising ng narinig ko muli ang sigaw ni Alveol. Napanaginipan ko siya? Huh?

Chineck ko ang oras, bumangon na ako kaagad dahil 10:00 am na pala. Sabado ngayon kaya kahit matulog ako ng magdamag ay wala akong poproblemahin. Pero dahil andito na si ate Myna kasama namin. Kailangan naming bumaba sa kwarto para magbreakfast, lunch, at dinner. Importante kasi sa kanya na sabay sabay kaming kumain. Iyon daw kasi ang batayan ng happy family. Psh.

Pagkababa ko ay bumungad sa akin si Channel at ate Myna na naghahabulan. Nagpapahiran flour. Parang mga bata. Punong puno tuloy ang mukha nilang dalawa nito, para silang nagpulbo na ewan.

"Oh? You're awake!" Tumigil na sila sa paghahabulan ng makita nila ako.

Dumiretso si Channel sa lababo para maghugas at magpunas ng mukha. Si ate naman ay pinuntahan ako at inalalayan na parang disabled na tao. Tch.

"Ate..." mahabang sambit ko. Pinahiran din kasi niya ako sa mukha.

"Mas pogi ka talaga kay Channel eh noh?" Alam kong pinaparinggan niya si Channel. Pinisil pa niya ang pisnge ko. "'Yong kambal maporma lang. Hindi maappeal. Pwe!" Dagdag niya.

"At least kambal kami!" Asik ni Channel, nasa dining area siya pero ang lakas ng sigaw niya. "Pareho kaming pogi! Not like you! Ugh! So ugly! Gosh!" Panggagaya pa niya kay ate.

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now