Chaser's POV
Mabuti naman at wala ngayon si Alveol na naghihintay dito sa parking lo--- "Why are you here again?!" Halos maisigaw ko na ito kaso ayoko lang ubusin ang enerhiya ko sa kanya kaya napigilan ko ito ng bahagya.
"Want soy milk?" Nakangiting alok niya, halos araw araw na lang niya akong inaalukan.
Hindi ba siya napapagod o nagsasawa man lang? Anong klaseng babae ba siya? Parang mas malala pa siya kay Chicrita ah.
Katulad nung nakaraan, tinitigan ko rin lang ito.
"Okay." Tinungga niya ang dalawang pack ng soy milk. "Ang sarap talaga!" Ngiting ngiti pa siya ng iwika iyon.
Tch.
Halata naman sa ekspresyon ng mukha niya na hindi niya iyon nagugustuhan eh. You can't lie to me, Alveol.
Tinalikuran ko na siya kaagad, nararamdaman kong sinusundan niya ako kaya tumigil ako. Hinarap ko siya. "Stop following me." Malamig kong sambit. Para naman siyang estatwa na hindi nagsalita o gumalaw man lang. Nagpapangap atang hindi ako naririnig. Tch. Irritating.
"You'll be late." Pagsasabe ko ng totoo, kung sinundan pa niya ako ay alam kong malelate na talaga siya sa first subject niya.
Still... sinusundan pa rin niya ako...
"Stop.following.me." kalmado ngunit may diing sambit ko, hindi ko siya nilingon dahil lalo lang ang mababadtrip.
"But I want to." Aniya kaya dahan dahan ko siyang nilingon.
"For what?" Halos pabulong ko na itong sinabe. Wala talaga akong ganang kausapin siya, I hate wasting my time for nothing.
My motto in life is, "If it's important then give some time on it. But if it's not, then snob it."
Hindi siya importante sa akin, wala rin namang kwenta ang mga sinasabe niya so she has no right to waste my time, it's not worth it to talk about a nonesense thing.
"Well... um... because I want to saw your handsome face!" She answered energetically with a wide smile in her face. "Kapag nakikita ko kasi mukha mo, ginaganahan akong pumasok at magaral." She added.
Tch...
Sa tingin niya marunong akong kiligin? No way.
"K fine..." walang ganang sambit ko na naging dahilan para kumunot ang noo niya.
She tilted her head then raised an eyebrow, "K fine?" Paguulit niya sa sinabe ko ngunit ginawa niya itong patanong.
"K fine." Muli kong sambit. Ngayon ay napakamot na lang siya ng batok, hindi ata gets ang gusto kong iparating. "Slow." Bulong ko na napapailing na lang.
"K fine. K fine. K fine?" Halos matawa ako sa ginagawa niya, paulit ulit niya itong binabanggit sa iba ibang tono ng boses.
"Titigan mo na ako." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Kumunot muli ang noo niya. "'Di ba sabi mo kapag nakikita mo mukha ko, nagkakagana ka? K fine. Titigan mo na ako then leave." Pagpapaliwanag ko para magets na niya ang gusto kong iparating.
"A-are you sure? O-okay ka lang ba, Chaser?" Nauutal niyang wika na parang hindi makapaniwala na sinabe ko iyon.
Pati nga ako hindi makapaniwala eh. Bakit ko ba iyon sinabe?
I hate the feeling when someone is staring at me. Naiirita ako. Damn. Bakit ko ba kasi 'yon sinabe?
"3 seconds." Mahina kong wika pero alam kong sapat na iyon para marinig niya.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Random[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...