Chapter 3
Chona's POV
Papunta na ako kay Chaser dala dala ang isang plato na may lamang ulam at kanin, tatanggapin niya kaya 'to? I don't know pero I don't care. Kawawa naman siya.
Aktong nakatalikod siya ay kakalabitin ko sana siya ng biglang sumulpot ang epal na babae kanina, inabutan niya ng pagkain si Chaser.
"Mhm. You need to eat it." Anito na may halong kalandian sa boses.
Hotdog ka! Alam mo ba 'yun?! Akin lang si Chaser! Ako lang ang pwedeng magalaga sa kanya!
Naramdaman ko na lang ang paghila sa akin palayo kila Chaser. "Babawian natin 'yan, Chona." Sambit ni Cristina na may ngisi sa labi.
"Huh?"
"Babawi tayo! Hindi pwedeng may nangaagaw sa pagmamay-ari ng isang tao." Anito.
"Pano?" Ang tanging salita sa nasabe ko.
"We'll think about it soon," aniya na hindi pa rin naaalis ang ngisi sa kanyang labi. "Sa ngayon, kailangan mo ring kumain. Baka mamaya mahimatay ka ng wala sa oras eh." Natatawang sambit niya.
"True, kasama mo kami, noh?" Sambit ni Mela na nasa likuran pala namin.
"Well, ako hindi." Tumawa pa siya ng malakas.
"Ano bang maaasahan ko sa'yo, Channel? Duh!" Angil ko at inikot pa ang aking mata.
"Wala." Pagsasabe niya sa totoo.
"Buti naman alam mo!" Pasigaw kong sinabe.
"Yeah, yeah, of course."
Nakakainis talaga 'to, parang hindi ko kaibigan. Kung tutuusin siya nga dapat ang tumutulong sa'kin dahil siya ang medyo malapit sa kambal niya eh. Sigh. Epal kasi talaga eh, masasamal ko na talaga siya ng hindi niya namamalayan. Lakas lakas mangasar eh.
Mabilis na lumipas ang oras.
"That's all for today! Okay, time check, it's already 5:00 pm. Maligo na kayo para after ay makakain na kayo. Then, later on ay ang bonfire where everyone will enjoy! Galaw galaw na guys!" Sambit ni president Zaman. Nagahandahan talaga ako sa kanya, dahil na rin siguro palagi siyang nakangiti.
"Tara na, Mela." Hinila ko pa siya papunta sa room namin para kumuha ng damit na isusuot.
"Do you think baga ko 'to?" Tanong ko sa kanya, hawak ang pulang damit na may bulaklak sa gitna at may beads pa sa gilid nito.
Ngumiwi siya, "Um.... okay lang," sagot niya.
Humaba ang nguso ko dahil sa sagot niya, pinakaayaw ko talagang sagot ang "okay lang" saka ang "not bad". Kasi naman kung magtatanong dapat "oo" at "hindi" ang isasagot. Nakakagulo kaya ng utak ang sagot na mga gan'on.
"Tch." Ngumiwi pa ako saka kumuha ng ibang damit. Hindi ko n tinanong si Mela kung okay ba ito baka lalo lang akong mainis kung gan'on pa rin ang sagot niya.
Ito na ang isinuot ko, wala na akong pakialam kung pangit ba ito o hindi. Wala na talaga.
"Ang pangit ng damit na suot mo!" Natatawang sambit sa akin ni Channel habang itinuturo pa ang damit ko.
Umirap ako. "Ano bang pake mo?" Iritableng sambit ko.
"Wala." Maikling tugon niya. Alam kong may idudogtong pa siya kaya inunahan ko na siya.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Random[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...