Chona's POV
Oh my gosh!!!!
Hindi ko mapigilang kiligin and at the same time matawa sa inaasta ngayon ni Chaser. Nakakatawa talaga nung bigla siyang pumikit at nagkunwareng tulog para hindi siya utusan ni Yuiji. At dahil assumera ako... kaya niya ayaw mautuan kasi gusto niya ako makasama!!! Alam kong iyon ang dahilan! Kung hindi man edi wow nalang! Basta iyon ang gusto kong dahilan.
"A-aray.." napahawak ako sa benda ng ulo ko dahil kumirot bigla ito. Napapapikit pa ako.
Pagdilat ko ng mata ay bumungad si Chaser na bakas sa mata ang pagaalala. "A-are you okay?" Alalang tanong pa niya.
Mabilis akong napangiti at napatango. Okay na okay ako! Lalo na't nakikita kita! "Yeah. Don't worry. Malayo 'to sa bituka." Natatawang aniko pa.
Kumunot ang noo niya, "Huh?" Pansin sa kanyang mukha na hindi niya nagets ang gusto kong iparating.
Kahit kailan talaga may pagkanerd ang taong 'to! Hindi nabibiro at hindi alam ang salitang biro! Gosh kaloka! HAHAHAH! Anyways, POGI ka parin kaya oks lang!
"Wala wala, don't mind.." medyo nainis tuloy ako ng bahagya. Hindi man lang niya ako masakyan sa joke ko. Hay. Psh.
Ilang saglit pa ay iniluwal ng pintuan si Yuiji na may dala dalang pagkain na nakaplastic. Napangiti naman ako.
"Here, as what you want." Saka inabot sa akin ang tray ng pagkain.
"Eh si Chaser?" Napansin ko kasing dalawa lang ang binili niya. Loko talaga 'tong si Yuiji eh.
"Hala?" Kunware pa'y napahawak siya sa kanyang bibig at napatingin kay Chaser. "Andito ka nga pala noh?" Nagkamot siya ng ulo. "Sorry.. nakalimutan kong bilhan ka.."
Gusto kong matawa ngunit ang seryoso ng mukha ni Chaser.
"Sa'yo nalang 'tong akin, hindi naman ako gaano gutom eh," aktong iaabot ko na ang pagkain ng bigla siyang nagsalita.
Tumingin siya kay Yuiji, "I have my own money, I can buy my own food if I want to.." nagulat ko sa kanyang inasta! Hindi dahil sa sinabe kundi dahil NAKANGITI siya! Iyong ngiting mababakas mo ang pangiinis! Eto kasi si Yuiji eh! Loko loko talaga!
"A-are you sure?" Nauutal kong tanong.
Tumango siya, "Yeah." Matipid niyang tugon at saka ako binalingan ng tingin. "Gusto mo bang subuan kita?" Parang malalaglag ang panga ko.
Gusto mo bang subuan kita?
Gusto mo bang subuan kita?
Gusto mo bang subuan kita?
Nagpaulit ulit iyon sa aking tainga, hanggang ngayon ay hindi makapaniwala. Nakatitig parin ako kay Chaser at hindi makasagot.
"A-ahh..." parang may bumara at hindi ko magawang magsalita.
"Oh Chaser? Bumili ka nalang ng foods mo, kaya ko rin siyang subuan dahil may kamay din naman ako." Si Yuiji na nginitian pa siya ng todo, saka bumaling sa akin. "Right, Cho?" Napangiti nalang naman ako.
'Cho' ang kulit noh? Yan kasi! Baliw! Ang cute daw pakinggan ng Cho kaya iyon daw ang itatawag niya sa akin!
"C-cho?" Takang tanong ni Chaser na kumunot pa ang noo.
"Yeah. Chona in short Cho." Si Yuiji ang sumagot.
"A-ahh.. I see.."
*KATAHIMIKAN*
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Random[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...