Chona's POV
INIHATID ako pauwi ni Chaser, actually, palagi naman na niya iyong ginagawa pero hanggang ngayon natutuwa pa rin ako.
"Thank you," ani ko saka siya nginitian nang malawak.
"And...?" Ngumiti rin siya.
Saglit na nangunot ang aking noo, hindi nakukuha ang gusto niyang palabasin, "And?" Sabi ko rin.
Natawa naman siya sa akin, "Nothing," at tumawa siya ulit.
Tumawa rin naman ako ng pilit pero ang totoo'y pilit kong iniisip kung ano ang gusto niyang iparating. "You should go now, it's late, drive safely."
"Mmm, thank you."
Lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko, nakatitig lang siya sa akin dahilan para bahagya na akong mailang.
"P-Pasok na ako..." Napapakamot sa ulong sabi ko, tinanguhan naman niya ako.
Nang tumalikod na ako't magsimulang maglakad ay mayroong pumigil sa aking braso. Mabilis kong nilingon si Chaser at gano'n nalang naging mabagal ang sumunod na nangyari.
Ang alam ko na lang ay magkadikit na ang aming mga labi at ako'y nakapikit na, "I've been craving for your kiss," aniya matapos bumitaw sa halik at hindi ko maintindihan kung bakit sobrang nakakaakit ng boses niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa nang muli niya akong halikan nang mas malalim. Siniil niya ang pang-ibabang labi ko at isinunod ang pang-itaas. Naging paulit-ulit ang ginawa niyang iyon na animo'y gumagawa ng sariling ritmo. Namalayan ko na lang din ang sariling sinisiil din ang kanyang labi at gumagawa rin ng sariling ritmo rito. Mas nagiging malalim ang aming halikan na para bang nakukulang pa kami sa aming ginagawa.
Habol-hiningang tumingin kami sa isa't isa matapos ang halikang ginawa namin. Mabilis naman akong nagiwas ng paningin dahil sa hiya. Paulit-ulit pa akong napalunok habang iniisip kung gaano kalambot at katamis ang mapupula niyang labi.
Hinawakan niya ang aking baba at ihinawi ang mukha paharap sa kanya, ngayon ay nakangiti na siya sa akin. Hindi nangaasar ang ngiting iyon, hindi rin gano'n kalawak ngunit nagagawa nitong baliwin ako.
"Sorry," he said, "next time I'd do something like that, I'll get your permission first."
Muli akong napalunok matapos niya iyong sabihin. Kukunin ang permiso ko!? Nababaliw na ba siya!? My Goooooood! Babaliwin mo ako masyado, Chaser!
"O-Okay?" Naiusal ko na lamang.
Natawa na naman siya, "Go ahead, good night."
Tumango nalang ako at saka muling ngumiti sa kanya. Marahan akong tumalikod nang may sobra-sobrang kaba sa dibdib. Hindi pa rin ako makapaniwalang ginawa iyon ni Chaser.
Sa katotohanan, hanggang ngayon ay kina Mela pa rin ako nakatira. Iyon kasi ang hiniling ko kina Mommy at Daddy, isa pa, nasa America naman sila kasama ang kapatid ko. May bahay raw sila dito sa Pilipinas at inalok nila sina Mela ngunit tumanggi si Mama. Mas gusto raw niyang manatili sa bahay na siyang nakasanayan na niya. Kaya ang ending, dito pa rin kami.
Si Mama lang ang naroon sa loob ng bahay nang makapasok ako, malamang si tita ay nasa trabaho pa at si Mela naman ay kasama si Axle ngayon. Pero baka pauwi na rin.
Diniretso ko ang kusina at doon saglit na sinilip kung ano ang niluluto ni Mama. Kahit na nasa malayo pa lang ay alam ko na ito dahil sa amoy, gusto ko pa ring makasigurado.
"Menudo!" Naisigaw ko pa sa tuwa nang makumpirma ito.
Mula sa likod ay may kumurot sa aking tagiliran, "Magpalit ka na't kakain na rin tayo maya maya. Ang tita mo at si Mela ay hindi na natin kasabay." Si Mama. Nakangiti na siya nang lingunin ko.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]
Random[On going] Chona Tzier Alveol is a big fan of Chaser Dan Ascore, one of the heartthrobs in Cap University. All the girls are after him, but no one got his attention because he doesn't care at them at all. After Chona met Carmela (Mela, the main char...