Chapter 14

66 5 0
                                    

Chapter 14

Chaser's POV

Nothing new, the campus is still boring. As always.

"Gosh! Chaser... ang tagal mo magmaneho baka malate pa ako niyan!" Umirap pa si ate Myna bago niya ako iniwanan. Sumabay kasi siya sa akin papasok dahil may pununtahan si manong Rico na siyang driver niya.

Hindi naman ako mabagal magmaneho, sadyang hindi lang ako nagmamadali at nagiingat lang ako. Maaga naman kaming umalis sa bahay eh at tantyado ko ang oras ng papunta dito sa school. Alam kong hindi kami malelate. Pinairal lang na naman niya ang ka-OA-an niya. Hay.

"Chaser! Bakit parang bad mood ka?" Nakangiting bungad sa akin ni Tachio na ngayon ay nakaakbay na sa akin. "Ay mali!" Bigla siyang tumawa ng malakas. "Ganyan pala talaga ekpsresyon ng mukha mo!"

"K fine..."

Bigla ulit siyang tumawa, "Hay nako, cold as ice ka na naman." Napapailing na lang siya. Palagi naman akong ganito kaya wala ng bago. Palagi rin namang nantitrip si Tachio kaya hindi ko na kailangang mainis, wala ng bago.

Parang walang pumasok sa utak ko sa lahat ng tinuturo at sinasabe ng mga prof namin. Sa bahay ko na lang pagaaralan mga tinuturo nila, mas maiintindihan ko pa kung magseself study ako eh.

And again... as usual, sa middle cafeteria kami kumain ni Tachio. Aktong patayo ako ng biglang may humawak sa magkabilang balikat ko. Mabilis ko itong sinamaan ng tingin.

"Eyow! Wait? Sino ka ba? Si Chaser or Channel?" Pakunwareng nalilitong tanong ni Taft. "Ahh! You are Chaser, right?" Bigla siyang natawa at umupo pa sa tapat ko, kaya katabi na niya ngayon si Tachio.

Nagtinginan lang kaming dalawa ni Tachio bago napaling, alam ko kung ano hanap ng lalakeng 'to. Trip. Gusto niyang mangtrip pero wala akong pake dito. Kung gusto niya ako pagtripan, edi gawin niya. Hindi naman ako gan'on kadaling mapikon eh, maliban lang kay Chicrita na makita ko pa lang ay sira na araw ko. Pati na rin kay Alveol, hay, ngayon dalawa na ang naninira ng araw ko.

"Taft... come... lets go out here. We have nothing to do here." Ani Dee, tatlo silang magkakaibigan. Si Taft, Dee, at Yuiji. Sa kanilang tatlo si Dee ang pinakatahimik at kalmado. Halos pareho lang naman ang ugali ni Taft at Yuiji, mas gago lang talaga ang hari.

"Shut up, Dee! Kung gusto mong umalis edi umalis ka! If you think you have nothing to do here then go, 'cause I have something to do here." Ani Taft na may kasama pang pagsama ng tingin kay Dee. Napansin ko naman ang pagkadismaya kay Dee dahil napailing na lang ito.

"Ano ba kasing gagawin mo, bro?" Tanong ni Yuiji kay Taft, nakatayo lang ito sa tapat ng table namin katabi ni Dee.

Isang ngisi ang sumilay kay Taft, "You know how to play football, right?" Alam kong ako ang tinatanong niya pero hindi ako sumagot. Para bang wala akong narinig. 

Hindi lang magaling sa basketball si Taft at ang dalawang kaibigan niya. Magaling din silang tatlo sa paglalaro ng football, kung hindi ako nagkakamali noong SHS ay ang school namin ang nanalo football dahil sa kanilang tatlo.

Tinignan ko si Tachio na napapailing na lang. Kaibigan ko siya kaya alam niya ang lahat ng kalokohang ginawa sa amin ni Taft, isa pa ay saksi siya noon sa pagtulak sa akin ni Taft.

"Ano? Takot ka bang matalo?" Tanong pa niya na hindi ko pa rin sinagot. Binigyan ko lang siya ng isang titig at blangkong mukha. Hindi ako nahihirapan na gawin iyon dahil normal na rin ang ekspresyong 'yon sa akin.

"He don't know how to play football." Sagot ni Tachio na mababatid mong may pagkainis na ang boses.

"But I saw him once."

Ang Boyfriend Kong May Toyo [part 2]Where stories live. Discover now