LOVE 10

826 53 9
                                    

LOVE 10

Lumipas ang ilang taon na pagsasama namin ni Rafael, hindi ko alam kung bakit hindi pa rin niya ako binubuntis. I really wanted to have a big family. To have my own child, pero bakit palagi niyang dahilan sa akin na kailangan ko na munang tapusin ang pag-aaral ko. Tumigil muli ako sa pag-aaral dahil kailangan kong alagan si Mama Zenaida, patuloy ang dialysis niya. Gusto man akong patigilin ni Rafael sa pag-aalaga sa Mama niya upang makapag-focus sa pag-aaral, ngunit hindi ako nagpatinag upang paglingkuran ang taong naging nanay ko na rin pagkatapos mawala ng magulang ko.

    Wala na rin akong pakialam kung natagalan ako sa pag-aaral, importante sa akin si Mama Zenaida at hindi ko hahayaan na mawala na lang din siya ng basta-basta.

    Rafael is getting cold, napansin ko ito magmula magsimula na siyang maging ganap na Surgeon. He’s getting busy at palaging ako na lamang ang mag-isa ang kumakain sa hapagkainan. Kung noon na sabay kaming dumadalaw sa magulang niya, ngayon na nawalan na ng oras si Rafael pati sa kanyang Ama at Ina.

    Matinding adjustments ang ginawa ko para lamang mabalik ko lahat ang kabutihan na ibinigay ng pamilyang Clarkson sa akin at sa mga magulang ko. 

    May mali ba sa akin? Bakit ang mainit at matatamis niyang pagmamahal ay parang isa ng yelo pagkatapos ay unti-unting namamanhid? 

    Hindi ako magsasawa na paglingkuran at ipakita sa’yo kung gaano kita kamahal. Kahit kung ituring mo na lang akong katulong.

    It has been a rough life for Quinn habang ang pangarap niya ay isinantabi ng ilang taon upang mabayaran lang niya pabalik lahat ng naitulong ni Zenaida at Ivan sa kanya. Pero bago pa tuluyang mapaglipasan ng panahon si Quinn, pinilit siya ni Ivan na mag-aral muli. Nalulungkot siya na mismo ang magulang na lang ni Rafael ang may pakialam sa kanya. Habang ang asawa na parang ibang tao lamang ang turing sa kanya sa loob ng bahay.

    PAYAPANG naka-upo si Quinn sa veranda habang hinihintay niya si Rafael na dumating. Hindi na niya nakuhang matapos na aralin ang reviewer para sa kanilang exam sa major subject. Ala una pasado na at wala pa rin ito, patingin-tingin si Quinn sa kanyang wrist watch hanggang sa may umilaw mula sa isang sasakyan. Malayo-layo pa lang at rinig na ang dagundong ng speaker sa loob ng sasakyan.

    Napatayo si Quinn at nakita niyang inuluwa nito’y si Rafael, pagewang-gewang itong naglalakad at halos masubsob paakyat sa kanilang hagdanan.

    “Ra--” bati ni Quinn at parang hangin lamang siya na dinaan ng asawa. Napakagat ng labi si Quinn at tinaas ang reading glasses.

    “Rafael, sunod-sunod na araw na ang pag-uwi mo ng gabi pagkatapos lasing ka? Galing ka ba talaga ng trabaho?”

    “Where do you think? Bar?” umiling ito at naghubad pagkatapos ay binato sa labahan ang damit.

    Dinampot ni Quinn ang maruming uniporme ng asawa at nag bagsakan ang luha sa kanyang mga mata. She felt like, she has been a boring wife to Rafael. Dagdag pa ang anim na buwan na hindi  pa sila nag siping at tanging halik sa pisngi lamang ang kanyang natatanggap sa asawa.

    Dumako si Quinn sa labas ng bahay upang labhan na lamang ang naipon na damit ni Rafael. Gabi-gabi na ganito ang sitwasyon nila, uuwi ng lasing ang asawa at basta na lamang itatapon ang damit sa labahan.

    Hikbi at tunog ng washing machine ang gumagawa ng ingay sa labas ng kanilang bahay. Parang pinupunit ang puso ni Quinn dahil sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Sa ilang taon na namamalagi siya sa America, tila kinalimutan na rin  niya ang kinahuhumalingan na  Photography. She focused herself as Mrs. Clarkson,  iniwan niya ng basta-basta ang buhay para lamang mapaglingkuran ang asawa at pamilya nito. 

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon