Love 3
"JOEY," tawag ni Maricar sa kanyang asawa.
"Bakit? Ano ang nangyari?" inilapag nito ang kanyang grass cutter at lumapit kay Maricar. Halos hindi maipinta ang mukha nito dahil sa balitang sasabihin kay Joey. "Ano ba iyon?" tanong niya ulit.
"Wala na tayong bahay, na-demolish nang walang pasabi ang bahay natin! Saan tayo titira? Hindi kaya ng sahod nating dalawa na ipagpatuloy ang pag-aaral ni Quinn kung lilipat tayo sa panibago at mas mahal na tirahan?" napaupo si Maricar sa hagdanan habang hawak ang cellphone nitong dipindot.
"Gagawa ako nag paraan, ilang beses nang umulit sa pag-aaral ang anak natin. Tumanda na siya sa pagiging repeater dahil sa kakulangan natin sa pera," hinawakan ni Joey ang braso ng asawa upang ito'y patahanin sa pag-iyak. "Hindi ko hahayaan na matulad ang anak natin sa atin. Walang tinapos, lalong sa akin na wala akong alam sa edukasyon," napalunok si Maricar at iniisip kung paano sila babale ng pera sa kanilang boss lalo na't kasasahod pa lamang nila.
Sa pagpasok ni Joey sa loob ng bahay ng pamilyang Clarkson, nilakasan niya ang loob na lumapit kay Ivan Clarkson.
"Sir, maari po ba akong makiusap?"
"Ano iyon, Joey?" Binaba nito ang dyaryong binabasa at tuluyang humarap sa kanya.
"Nahihiya po ako na sabihin ito, pero na demolish po ang bahay na tinitirahan namin malapit sa estero. Gusto ko sabang bumale ng sahod, Sir. Pasensya na po," kumapit si Joey sa kanyang magkabilang t-shirt at nagdarasal na sana'y pagbigyan siya ng boss.
"It means, wala kayong bahay ng pamilya mo?"
"Opo, kinakailangan ko po talagang maghanap ng malilipatan para kay Quinn."
"Joey," tumayo ito at inakbayan siya ni Ivan. "Linisin niyo ang stock room ko sa labas ng bahay. Maid's room ito noon na ginawa ko na lang tambakan. Your family can stay there at makakabale ka naman sa akin. Matagal na kayong naglilingkod ni Maricar magmula pa noon na namatay sila Mom and Dad. I should return your kindness."
"Sir! Maraming salamat po! Salamat po sa napakalaking tulong!" mangiyak-ngiyak na sinabi ni Joey at pinunasan ang luha.
"Iaabot ko na lamang kay Maricar ang tseke. Alam kong malapit na lang ang dalawang taon para matapos sa pag-aaral si Quinn at kailangan na talagang maging puspusan ang pag-iipon pag tapak niya sa ikaapat na baitang sa kolehiyo."
Hindi halos akalain ni Maricar na sumakto sa kanila ang stockroom na dating maid's room. Sa tagal nilang naglilingkod sa pamilyang Clarkson, ito na ang pinaka malaking biyaya na kanilang natanggap. Marami nang naging amo si Joey at Maricar ngunit ang pamilyang Clarkson ang siyang may pinaka mabuting puso.
Si Joey Sanchez ay isang magsasaka na naging hardinero, habang si Maricar na isang labandera na naging katulong. Silang mag-asawa ang pinaka matagal na naging katiwala ng pamilyang Clarkson. Isa rin silang caretaker ng bahay nito noong namamalagi pa sa America ang buong pamilyang Clarkson pagkatapos mawala ang magulang ni Ivan Clarkson.
Habang nag aatubili na tapusin ng mag-asawa ang paglilinis sa stockroom. Biglang tumawag si Quinn at halos hindi niya mapigilan ang sobrang galit at pagsigaw sa kabilang linya.
"Diyos ko at huminahon ka, hija!" aniya ni Maricar.
"Ma ang gamit natin ay basta na lang nilang iniwan dito! Hindi pwedeng palalayasin nila tayo nang walang malilipatan na maayos na lugar!"
"Pumunta ka ngayon sa rito sa trabaho."
"Clarkson's house? Ma, nagtatrabaho pa kayo ni Papa."
"Pumunta ka rito at sumakay ka nang taxi para mahakot mo ang gamit natin. Hindi ka mapuntahan ng Papa mo dahil may ginagawa siya rito."
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
RomanceTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...