LOVE 18
LOVE 18
MADALING araw nang magising si Akio dahil sa init na kanyang naramdaman. Ang pawis niya ay tumutulo sa kanyang leeg pati na sa maingay na kulog. Napaatras ang binata nang makita ang dalaga na nakasiksik sa kanyang dibdib habang natutulog at nakahawak sa polo niya.
Tumingin sa paligid si Akio at nakita na walang kuryente. Sa kanyang pagbangon, bahagyang pumipintig ang kanyang ulo dahil sa labis na sakit ng kanyang sentido.
"Now, she's wearing my clothes."
Binuhat niya ang dalaga na naliligo rin sa pawis at hiniga sa sofa. Pumunta si Akio sa sa laundry area upang ayusin ang generator. Sumindi ang ilaw at binalikan niya si Quinn, tinapat niya ang bentilador sa dalaga. Kumuha rin siya ng manipis na bimpo at mabilis na pinasok ang kamay sa loob ng likuran na damit ni Quinn.
"Good night weirdo."
Mabango at halos lasapin na ni Quinn ang ibabang labi dahil sa kanyang na aamoy. Sa pagmulat ng kanyang mga mata. Pilit niyang tinitingnan ang lalaki na nakatalikod, hindi niya makita ang mukha nito at tanging hugis ng katawan lamang ni Akio ang kanyang napapansin. Tumayo agad si Quinn at tinakpan ang sarili dahil wala siyang suot na kahit ano panloob. Naramdaman niya bigla na may nakalagay na sa kanyang likuran at agad naman niya itong hinugot.
"Hinipuan niya ako? Hindi naman ako naglagay ng bimpo sa likuran? Binuhat niya ako? Edi nakita niya na wala akong bra? Oh my gosh!"
"Kumain ka rito at huwag kang tumayo r'yan."
Nagulat si Quinn dahil akala mo'y narinig niya ang kanyang Ama kapag ito'y seryoso mag-salita. Hindi pa rin umalis ang dalaga sa kanyang pwesto at takip-takip ang sarili.
"Hindi kita hinipuan. You eat now at aalis na ako."
"Paano ang damit ko?"
"Tuyo na, nakasampay sa labas.
"Seryoso ka?"
"Yeah, your pink shirt, black leggings, violet bra and violet underwear."
Halos lumubog na sa kahihiyan si Quinn dahil nakita pa ni Akio ang kanyang damit.
Ang tapang at galit ni Quinn sa binata mula sa nangyari kagabi ay tila umatras. Hindi siya makapagsalita dahil napaka tamihik nitong kumain habang nagbabasa ng libro.
"Asan ang bata na kasama niya? Grabe at napaka tahimik naman ngumuya nito, ang bahay niya na malaki pero walang kasama. Hiwalay din siguro ito sa asawa. Ah baka iyong Margaux na binaggit niya noon ang nanay ng bata na kamuntikan ko na masagasaan."
"Eat fast, I need to go now," binitawan ni Akio ang libro at humugot ng pera sa kanyang pitaka, "Here, I am sorry about what happened last night. I was just drunk but I still remember how I act so rude. Pagawa ka na ng salamin at bumili ng bagong damit. Thanks for being so good to me."
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
RomanceTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...