LOVE 20

724 56 7
                                    

LOVE 20

NILALAMOK at kanina pa nakaupo sa simento si Quinn kakahintay sa Doctor na dumating. Napag isip-isip niyang puntahan ito sa mismong bahay dahil mahirap hagilapin ang Doctor sa ospital.

Ilang sandali at nakita na ni Quinn ang sasakyan, halos mapatalon siya sa sobrang gulat dahil binusinahan pa siya nito kahit na nakatabi naman siya sa paradahan ng sasakyan.

"Kung hindi lang kita kailangan, hindi talaga kita lalapitan!" pinagsisigawan ni Quinn sa kaloob-looban niya.

"Doc! Doc, good evening!"

"Lumabas ka kung ayaw mong malapa ng aso."

"I am sorry, hindi ko sinasadya na umasal ng ganoon sa harapan mo. I am so wasted at hindi ko na alam kung ano ang gagawin."

"You know what to do?"

"Ano po?"

"Get out of my house! I am not in the mood to talk to you Sanchez!"

"Doc, nagmamakaawa ako," as she kneeled again.

"Stand up o ipadadakip kita sa gwardya?!"

"Please, I need to study. Ito lang ang nag-iisang pangarap ko. Please, wala na ang mga magulang ko. Wala ng pwedeng tumulong sa akin kung 'di ang sarili ko at ang scholarship mo."

"Learn from your mistakes, Sanchez. Hindi ako nagpapaaral ng hambog. Wala ka pang nararating at ganyan ka na kung umasta. I gave you money to buy eye glasses dahil nabasag ko ngunit pabalang ang isasagot mo sa akin? Kahit gaano ka pa kahirap kung ang ugali mo ay bastos, hindi kita tutulungan. I value more on attitude mayaman ka man o mahirap. Get out, I don't wanna see your face anymore," pinagtulakan siya ni Akio hanggang sa sumara ang awtomatikong gate nito.

As Akio get inside his house, nakita niya sa CCTV na nakatayo pa rin ito sa labas habang umiiyak. Umiling lang ang binata at pinatay ang monitor.

Hindi natiis ni Quinn at umuwi na siya ng tenement. She admitted that she was wrong. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang messages mula kay Rafael. Up until now, wala pa rin pangangamusta ang magulang ni Rafael at mismong asawa.

"I bet he's now happy with Paris. Galit din siguro sila Mama Zenaida at Ivan. I left without saying goodbye."

MAAGA na pumasok si Quinn sa trabaho dahil gusto na niyang magpalipat ng ibang branch bukod sa kahihiyan na natamo.

"Sa may Sta. Clara Branch ka na muna, sumakto at kulang sila ng kahera," walang gana na sinabi ni Vie dahil umabot ang reklamo ni Akio sa head office.

"Sorry ma'am. Sige po at aalis na ako," malungkot niyang sinabi at lumabas ng store. Malabo at hindi pa rin nakikita ng maayos ni Quinn ang paligid dahil sa kanyang mga mata.

"Huy miss!" sigaw ng mga nagtitinda sa kanya. Hindi halos akalain ng dalaga na masasagi siya ng rumaragasa na tricycle. Dumapa siya sa kalsada at hindi makatayo dahil sa sobrang sakit ng kanyang likuran.

"Tulong," mahina niyang sinabi hanggang na magdilim ang paningin niya.

"Hindi niya po yata kami naririnig."

"Tinawag po namin siya pero, huli na nang makita niya ang bubunggo sa kanya."

Ilan mga salita na narinig ni Quinn habang siya'y nakahiga. Minulat niya ang mga mata at nakita ang dalawang nagtitinda sa kalsada pati isang pulis na nagsusulat.

"Sige po at salamat sa impormasyon," wika ng pulis.

Mabuti at may magandang loob na tumulong kay Quinn, hindi siya makagalaw at tanging mga mata lamang niya ang kumikilos.

"Don't move, you have fractured legs."

Walang kibo at tumingin lamang ang dalaga kay Akio habang tinitingnan ang dextrose niya.

"Thanks, but I need to go to work now."

"Are you stupid? Pilay ka nga."

"I need to work in order to survive. I know myself, simpleng pilay lang ito," pilit siyang bumangon kahit na napakasakit ng kanyang likuran pati binti.

"Fine, then go out!" inirapan lamang siya ng binata at hinayaan na tumayo mag-isa.

Kung walang nakakita sa aksidente, siguradong tinakbuhan si Quinn ng bumangga sa kanya. She was lucky at may tumulong sa kanya. Sakay ng taxi si Quinn at parang walang aksidente na nangyari, umakyat pa siya ng hagdanan upang maratring ang tirahan.

"Quinn! Anong nangyari sa'yo?"

"Mild accident lang."

"Gaga ka ba? Mukhang masama ang tama mo ha? Baka mabalian ka lalo."

"Over acting ka naman, hindi ako papasok. Nagpalipat na ako ng branch dahil umabot na sa head office iyong reklamo ng singkit na Doktor na iyan! Tutusukin ko talaga ang eyeballs niya!" galit na sinabi ni Quinn.

"Ha? Talagang nag-report siya do'n?"

"Sinira na nga niya ang pangarap ko, namiligro pa akong masisante! Punyeta siya at makakaganti rin ako!"

"Anong laban mo? Ang yaman niyan? Unless ipang lalaban mo si Papi Rafael."

Hindi kumibo si Quinn at labis ang kanyang iyak. Hindi niya na mapigilan ang lungkot dahil paunti-unting nawawala ang kanyang pangarap.

"I am so wasted, Ally. Pinagpalit na nga ako ng asawa ko, wala pa akong narating sa buhay. Look at me? I am so damn ugly."

Tumabi lamang si Ally kay Quinn at hinagkan ang kaibigan. Kitang-kita niya ang labis na hinagpis nito lalo na't sinakripisyo nito ang pangarap para lanang sa asawa.

"It will be fine, tutulungan kita. Napag buntungan ka lang siguro ni Doc, wala kasing girlfriend since birth."

"What? Saan mo naman nakuha iyan?" tugon ni Quinn.

"Eh iyan ang pinag-uusapan lagi sa store habang ikaw na lumulutang lagi sa ere at walang pakialam sa mundo!"

While inside the house, tinuloy lamang ni Akio ang pag-inom habang nakatingin sa headline tungkol kay Margaux at Jackson Tan.

"Gustong-gusto talaga ng mga kababaihan ang bad boy style. I seem so boring dahil masyado akong seryoso sa buhay at sobrang pormal. I should change," initsa ni Akio ang kanyang cellphone sa tabi at nakita niya ang isa original copy ng application form ni Quinn. Ngumisi ang binata at dinampot ito.

"Nerd but brat, you should learn your lesson," basta na lamang niya pinasok sa loob drawer at hinayaan na malukot. Ilang sandali at muling tumingin si Akio sa application form.

"I am sorry, hindi ko sinasadya na umasal ng ganoon sa harapan mo. I am so wasted at hindi ko na alam kung ano ang gagawin."

Paulit-ulit na binabato sa isip ang mga sinabi ni Quinn sa kanya kanina. Nilapag ni Akio ang alak at kinuha ang kanyang laptop. He opened the word document to write a letter for Austine.

"I am rude, I shouldn't treat a woman like that. She needs my help, I am her only hope."

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon