LOVE 48

972 73 12
                                    

LOVE 48


"NO! Please come back, I love you. Please, huwag mo akong iwan," tumayo si Akio at naisipan na pumunta sa paliparan. Sa paglingon niya sa gilid. Nakita niya si Quinn na nakatayo habang hawak ang maleta. 

"Q-Quin??" pag-iyak ni Akio at napasandal sa gilid ng sasakyan dahil sa labis na panghihina.

Hindi kumibo si Quinn at binitiwan ang maleta upang tumakbo palapit kay Akio. "Akio, why are you bleeding?"

"Don't leave me, my wife. Stay with me, I am sorry. Patawarin mo ako, huwag mo akong iwan," wika ni Akio habang nakayakap sa kanya. Halos hindi naman makahinga si Quinn dahil sa mahigpit na yakap ng binata.

"Stand up," aniya ni Quinn.

"Patawarin mo ako," lumuhod si Akio sa harapan niya habang nakayakap sa kanyang beywang. 

"Tumayo ka r'yan, nandito na ako."

He cried like a baby while hugging Quinn. At last, he smiled genuinely like the old Akio she met.

Sa pagpasok nila ng bahay, ginamot lang ni Quinn ang sugat na natamo ni Akio. Nahihiya at halos matunaw na siya dahil sa mga titig ni Akio. Bumaba ang tingin ni Akio hanggang sa makita ang pasa sa braso niya.

"I hurt you. I am really sorry, please forgive me. I hate myself for hurting you. I am so weak."

"You are forgiven, huwag ka nang manuntok ng babasagin okay? Mabuti at hindi tumama sa ugat."

Hindi matigil ang luha na umaagos sa kanyang mga mata habang hawak ni Quinn ang kamay niya. 

"Pinapatawad mo na talaga ako? I hurt you, hindi mo ba ako pahihirapan?" giit ni Akio.

"Ang totoo nito, napipilitan lang ako  dahil nahihiya ako sa Tatay mo kaya susubukan ko na pakisamahan ka," giit ni Quinn  at hindi makatingin sa kanyang mga mata.

Biglang  binawi ni Akio ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang braso ni Quinn pagkatapos ay lumuhod sa harapan ng dalaga. "What do you want me to do? Just tell me, babawi ako. Liligawan kita ulit? Tell me, please I am going to be crazy over you, without you."

Hindi kumikibo si Quinn at pilit kinakagat ang dila. "Kumag ka, paano ba ako gaganti sa ungas na ito pagkatapos akong pahirapan mula sa pag-uwi ko?" Bulong ni Quinn sa sarili habang nagpipigil ng kilig at tawa dahil sa itsura ni Akio.

"Let me just stay here for one week, kapag hindi ko natiis, hindi talaga tayo para sa isa't isa."

"Come on, don't do that. I will win your heart again. Pinagsisisihan ko lahat ng selos at galit na bumabalot sa akin. Naging makitid akong mag-isip."

"Very good, Aki," aniya ni Quinn at tumawa.

"Bakit mo ako tinatawanan? Do you think I am joking?!" Asik ng binata.

"I forgave you, pero gusto ko lang na umiyak ka pa sa harapan ko habang pinagsisisihan ang pinaggagawa mo sa akin, Mr Pride. Dapat la--"

Pinutol ni Akio ang pagsasalita ni Quinn at hinatak  pagkatapos ay kinandong sa binti. Ayaw niyang bumitaw at pinikit ang mga mata.  Napakikinggan lamang niya ang pintig ng puso ni Quinn habang mgkayakap. 

"I love you, mahal na mahal kita."

"I love you, Aki!" tili ni Quinn.

He pressed his lips to Quinn, walang bahid ng pagnanasa at pagmamahal ni Akio ang kanyang naramdaman. Para bang nanumbalik ang lahat mula sa unang halik na naramdaman niya kay Akio. Bumaba pa ang halik nito sa kanyang leeg at  na humaling si Akio sa init ng katawan ni Quinn.

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon