Love 2

1.4K 66 22
                                    

LOVE 2

Flashback

Years gone by, dumating ang kaarawan ni Smith at halos ng mga bisita ay mula sa mga mayayaman na ang angkan. Siya lamang ang hindi makaramdam ng saya dahil lahat ng bisita ay kasama ang kanilang pamilya. He saw himself so broken over his wife Efinia, tanging kasa-kasama lamang niya ay si Arthur. His two sons were aloof at hindi mahilig na makidalo lalo na't siya ang dahilan ng mismong event.

Akio is holding a pitcher while looking at his dad. Mailap at ayaw niyang malaman ni Smith na isa siya sa mga waiter ng catering service. Nagtatrabaho si Akio habang siya'y nag-aaral, alam niyang hindi biro na manghingi at umaasa na lamang sa libreng binibigay ng mga Pari sa kanya. Ngayon na pasilip-silip siya sa Ama, sapat na ang ilang beses na tinataboy siya nito kaya naman ngayon na gusto niyang kung magkikita man sila ng ama, ay isa na siyang ganap na doktor. Hindi na niya muling nakita ang ina pagkatapos ng ilang taon, tuluyan na siyang tinapon na parang pinaglumaan na laruan.

"Akio!" sigaw ng supervisor niya nang maatrasan ni Akio ang lamesa lulan ng cake ni Smith.

It was a big mistake for him dahil sa kakaiwas niya sa ama ay nabunggo niya ang lamesa.

"Oh my gosh! Alam mo bang libo-libo ang cake ni Mr. Lavigne!" sigaw ng supervisor niya at pahiyang-pahiya si Akio kay Smith. Agaw pansin pa ng mga bisita ang kaganapan kaya si Smith na hinatak si Akio upang tumayo.

"Inside my office now!" sigaw ni Smith.

Napansin ni Akio ang itsura ni Arthur at nagtataka. Takot ang nararamdaman ni Akio dahil sa galit at kalabog na ginawa ni Smith.

"What do you fucking want? Scholar ka na diba? Hindi ka pa ba masaya na nakukuha mo na ang gusto mo at nakakapag-aral ng kolehiyo? Patapos ka na ng pag-aaral diba?! Bakit nandito ka?!" sigaw ni Smith at dumapo ang kamay niya sa mukha ni Akio.

Humikbi si Akio habang nakatingin sa ama. Kitang-kita niya ang paglabas nito ng tseke pati na ang pluma.

"Huwag ka nang magpapakita sa akin! Kahit kailan hindi kita kikilalanin na anak ko! At sabihan mo ang ina mo, huwag siyang kumabit sa mga kaibigan ko para lamang hatakin ako pababa!" binato ni Smith ang tseke at dinampot ni Akio, hindi para ibulsa kundi para ibalik kay Smith. Hindi niya alam ag siasai ni SMith tungkol sa ginagawa ng kayag ina. Dahil sa ilag tao na nagkahiwalay sila nito, ni isang kusing na balita ay hindi niya na alam.

"I don't need your money, I need my brothers. I need a family. Not anything related to money."

Humalakhak si Smith habang nakatingin sa kalunos-lunos na itsura ni Akio.

"It will never happen. Get out and never come back! Huwag kang magkakamali na lumapit sa mga anak ko! Hindi ka isa sa kanila at isa ka lamang pagkakamali! Because of you, nawala ang asawa ko! Get out!"

Naalarma si Akio nang binuhat ni Smith ang upuan upang ibato sa kanya. Kumaripas siya sa pagtakbo habang hawak ang tseke na hindi tinanggap ni Smith.

Patuloy siyang naglakad upang maghanap ng masasakyan, nais niyang libangin ang sarili bago tuluyang umuwi sa simbahan.

"Saan po sir?"

"Seaside."

Malakas ang hangin at malakas na alon lamang ang kanyang naririnig. May mga kumukutitap na ilaw sa paligid at ramdam na ni Akio ang pasko. But he doesn't want this day, this is the worst day for him.

"Malapit ko na naman maalala ang araw ng aking pagkasilang. Pasko para sa mga bata, para sa pamilya. Pero wala ako no'n, walang masayang childhood at walang pamilya. Sana hindi na lang nag papasko," pinunasan ng binata ang kanyang mga luha habang nakatingala sa mga christmas lights na nakapalibot sa lugar.

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon