LOVE 35
NATAPOS ang isang gabi at walang tulog si Akio. Kasama niya ang ama pati na ang mga kapatid para tulungan ito sa kaso.
"I called Harry to help us with further investigations. Don't worry Akio alam namin inosente ka. You are a virgin," pagbibiro ni Austine.
"He is no longer a virgin. He is a father now with Quinn,” pagtanggol ni Smith. Halos malaglag ang mga panga ni Arthur, Austine pati na si Aiden na halos mabilaukan sa kanyang iniinom na kape.
“Kailan pa? Where is she? Sinabi ko na nga ba!” bulalas ni Arthur.
“Alam ba ni Quinn ang nangyayari ngayon?” tanong naman ni Aiden.
“She’s with Mama Efinia. Ayoko na muna siyang makasama sa bahay dahil bawal siya sa stress o kahit ano pang pwedeng magpalaglag sa anak namin.”
“It would be better, Bro. Sigurado at dadalawin siya nila Precious,” tugon naman ni Austine.
Tumahimik at pare-parehong inaasikaso ang kaso na isinasampa kay Akio pagkatapos ng imbestigasyon. Galit ang nararamdaman niya dahil hindi man lang siya tulungan ni Margaux. He knew that Jackson Tan was behind this case. Lalong may record na ito noon sa ibang ospital sa maling pag-oopera. Binabayaran o tinatapalan lamang ng pera ang mga nabibiktima ni Jackson kung kaya’t walang nagbabalak na lumaban sa kanya.
Unang taon ni Akio sa pagiging emergency Doctor, siya ang palaging pinag-iinitan ni Jackson. Kunga kaya’t nang malaman niya na si Margaux ang fiance nito, doon niya napagtugma-tugma na may tinatagong galit ang kapwa Doctor sa kanya.
“Ewan ko ba sa’yo Akio at nagsisiksik ka sa ospital na ‘yan, you have lots of properties at mga clinic. Bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin kesa sa nakikipagtrabaho ka sa maling ospital na iyan!" giit ni Smith at uminom ng kape.
“I know, I was just crazily in love with Margaux before kaya para akong aso na bumubuntot. I can let go of my job there, I am happy with Quinn.”
“Congratulations and welcome to fatherhood, Kuya,” wika ni Arthur.
“Ang pangit ng salubong, I have plans on telling you about our baby and our relationship. Pero dahil sa pesteng case na ito hindi natuloy pati ang Masbate foundation.”
“We can still have a separate foundation, alam mo naman na iyan ang pangunahing goal natin. To help the needy, lalo sa mga masulod na lugar. We can still collaborate with different Parish church. I have contacts naman,” tugon ni Aiden.
“But for now, we need to find who did it. Alam ko na may inutusan siya sa mga gumawa nito. Nadamay pa si Head Nurse sa kaso na ito.”
***
Nasa loob ng bahay si Quinn kasama si Efinia, patuloy lang sila sa pagluluto at mag-bake. Halos ng mga tinuro na ingredients ni Regine ay kanilang sinusundan. They’re making a pastry habang si Honey at Precious na nagluluto ng ulam. Kahit paano ay naiibsan ang kaba at lungkot sa kanyang dibdib. It has been five days mula nang huli nilang pagkikita ni Akio.
“Pupunta ba si Akio ngayon, Tita?”
“I told you, call me Mama. Wala silang sinabi, “ giit ni Efinia at nagpatuloy sa pagtulong kay Regine.
“Nakakatuwa naman na kumpleto tayo, I mean pati si Akio may wifey na rin,” masayang batid ni Honey.
“Si Mommy Efinia na lang ang ayaw kay Daddy Smith,” malokong sinabi ni Regine kaya nakatikhim ito ng sabunot kay Efinia. Humalakhak si Precious sa sobrang tuwa, napakingay ng apat habang si Quinn na patawa-tawa habang pinagmamasdan ang mga ito.
“This is the family I want. Masaya at parang naglolokohan lang palagi. Lahat ng napang-asawa ng kapatid ni Akio ay mabubuting Ina. Walang pabaya sa kanilang anak at nakikita ko naman iyon dahil lahat ng pamangkin niya ay malulusog at mga gwapo pati na maganda. I can’t wait na makita ko rin ang anak namin ni Akio na tumatakbo kasama ang mga pinsan niya.”
“You look sad, huwag kang mag-alala magkikita rin kayo ni Aki,” lumapit si Precious sa kanya pagkatapos hinawakan ang kanyang kamay. “Aayusin lang ni Akio ang gusot o binibintang sa kanya. Put your one hundred one percent kay Akio. Mahal ka no’n, at alam ko kung gaano ka seryoso si Akio. Mukha lang siyang manhid dahil sa poker face reactions niya pero makikita mo sa mga mata niya kung gaano siya ka-seryoso sa’yo.”
“Salamat Precious, nakakatakot lang din siyang magalit. Parang hindi niya ako kilala,” wika ni Quinn.
“Lahat tayo nabigla, I didn't know na matindi pa pala siyang magalit kumpara sa mga kapatid niyang hunghang.”
Natawa naman si Quinn at umiling, “Kaya ayaw ko siyang galitin, para siyang anghel na may tinatagong sungay.”
“Really? Pabulong naman ‘yan kung paano magalit si Akio?”
“Oh,oh, ano na naman kalokohan iyan Precious?” tanong ni Efinia at lumapit sa kanilang dalawa.
“Mom, I just ask if paano magalit si Akio.”
“Hindi mo magugustuhan, Precious. I never saw him like that. Totoo nga ang sabi nila, iba magalit ang tahimik.”
***
ANG limang lalaki na magkakasama ay tumungo sa bahay ni Efinia upang sorpresahin si Quinn. He missed his woman so much kaya ito ang na isip niyang paraan. They don’t have a formal meeting at para ipakilala man lang niya ng maayos ang kanyang nobya.
“Surprise!” sigaw ni Aiden at nagtakbuhan ang mga bata upang salubungin silang lahat.
Napatayo si Quinn nang makita si Akio na may bitbit na bulaklak. She wants to cry dahil sa ilang araw nilang hindi pagkikita.
“Oh my gosh! I can’t believe this, may love life na si Doc!” sigaw ni Regine.
“Kinikilig ka ba anak?” tanong ni Efinia.
“Of course, I love this woman.”
Parang babae at tumili ng napakatining ni Autsine dahil tuwang-tuwa siyang makita si Akio na masaya.
Samantalang si Smith, hindi niya masukat kung hanggang saan ang saya sa kanyang mga labi habang nakatingin sa kanyang mga anak.
“Time heals, and it takes time to reach my family goals. Pagkatapos kong sirain ang lahat, ito at paunti-unti ko ng nabubuo. I’m glad that I am with Efinia kahit magkaibigan na lang kami. She’s happy now with her life. I can see it in her eyes na wala na talagang natitirang pagmamahal. I am happy for you my ex-wife."
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
Storie d'amoreTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...