LOVE 25
NOW playing Like AG6, nagtakip ng tenga si Quinn dahil sa sobrang gulo at ingay sa loob ng bar na pinasukan nila ni AKio.
“Aba at may tinatagong pala si Doc na ganitong buhay. Akala ko boring ang lifestyle. Hindi bali at nahawa siguro sa tatlo niyang kapatid.”
“Oh my gosh! Be careful!” sigaw ng isang babae kay Quinn dahil halos madagukan siya nito.
“Sorry,” tinaas niya ang salamin na halos malaglag dahil sa pagkakabunggo sa isang babae. Hindi niya matagpuan si Akio dahil sobrang usok at gulo ng mga kabataan sa loob.
“Doc!” tili niya nang hinawakan nito ang kamay niya at hinatak.
“Saan ka ba galing? Kala ko natabunan ka na!” aniya ng
binata habang malapit ang mukha nito sa kanyang tenga.
“Sorry po maraming tao.”
“Let’s have a drink again!”
Nangamot ng ulo si Quinn at buong akala niya na uuwi na sila ngunit sa bar na napaka ingay siya dinala ng Doctor. "Walang hiya, marunong din pala pumarty ang lalaking ito. Hindi ko makakaila pero ang gwapo-gwapo mo, Akio. Bakit ka ba sumasayaw?" bulong niya sa kanyang sarili.
Pasayaw-sayaw si Akio habang nakahawak sa kanyang dalawang kamay. Hindi gumagalaw si Quinn at ngiting aso lamang ang reaksyon kay Akio. "Ang tigas mong sumayaw!" bulalas ni Quinn.
"Yes I am really hard," hinatak ni Akio si Quinn at halos lumuwa ang mga mata niya nang magdikit ang katawan nila.
Sa ilang oras na nakatambay sa loob ng bar ang dalawa, napakarami nang nainom ni Akio, nakadukmo na ito sa lamesa habang si Quinn na tabingi na ang salamin. Lalong naningkit ang mga mata ni Akio nang sumandal ito sa couch. Pareho silang nakatitig sa isa’t-isa habang pangiti-ngiti.
“I wanna go home, masakit na ang ulo ko Doc.”
“Okay my Quinn,” bakas sa boses ni Akio ang pagkaka-baluktot ng mga salita at pagewang-gewang na paglalakad until they reach the car.
Pareho silang lantang gulay habang nakatulala sa kalsada, walang kumikibo lalo na si Quinn na paunti-unti ng pumipikit ang mga mata. Pinahinga ni Akio ang sarili ng ilang minuto bago tuluyang magmaneho. Hindi niya inistorbo sa pagtulog si Quinn at hanggang sa makarating sila sa bahay. Pinilit niyang buhatin ang dalaga upang mahiga ito sa mas komportable na lugar.
Ilang sandali at nailapag niya ng matiwasay si Quinn at bigla itong bumiling, lumantad ang maikli nitong cycling at napapikit si Akio.
“Nerdy, wake up, you need to brush your teeth before you sleep,” naupo si Akio sa tabi ni Quinn at unti-unti na rin na bumagsak sa carpet. Pilit binubuksan ni Akio ang mga mata ngunit paikot-ikot ang chandelier na nakikita hanggang sa maramdaman niya ang biglang pagbagsak ni Quinn sa kanyang dibdib.
Mula sa sofa, ay gumulong ang dalaga kaya salo-salo siya ng buong katawan ni Akio. Hindi kumibo si Akio at hinaplos lang niya ang likuran nito habang payapa na natutulog ito sa ibabaw niya. He felt Quinn’s warm body lalo na ang dibdib nito na kasabay ng pintig ng puso niya.
Hinawi ni Akio ang buhok nito na nakaharang sa mismong mukha ni Quinn pagkatapos ay pinagmasdan ang kanyang pagtulog.
"You are a cute woman, I can see myself with your attitude. You act like a tough woman, but deep inside you have a fragile heart. Cold feet and warm breath. You make me feel alive. Soft skin on mine, your sweet seductive scent lingering on my nose trills. I wish I could hug you more and I want to take care of your heart if it is possible to make you mine. Ginulo mo ang buhay ko, you gave a sound and color."
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
Любовные романыTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...