LOVE 43

793 58 27
                                    

LOVE 43

A few months later…

"CHEERS!" sigaw ni Smith at tinaas ang isang baso ng red wine.

"For our brother who surpassed the hardships from the people who want to make his life miserable!" giit ni Aiden.

Nagkaroon ng kasiyahan sa bahay ni Smith dahil sa tuluyan ng napawalang sala sa kulungan si Akio. Ang pinaka iingat-ingatan niyang pangalan ay tuluyang bumalik sa dati. 

"Kailan maibabalik ang lisensya mo Kuya?" tanong ni Arthur.

"I don't have any plans to come back as a Doctor."

"What? Hindi ba't iyan ang buhay mo."

"I will just focus on Dad's furniture business."

"What? Come one, may mga tao naman akong aasahan doon? Bumalik ka sa propesyon mo," giit ni Smith.

"No, I will be happy if I will take good care of your business kapag balik mo ng America."

"Hindi babalik si Dad kung hindi ka pa kasal!" bulalas ni Austine at binato ng ubas ang kapatid.

"I need to go, I still have something to do with our new investors."

"Damn, bakit umaalis ka na! Hindi pa tapos ang celebration para sa'yo!" bulalas ni Precious at akmang hahampasin niya si Akio ngunit hinawakan lamang ang kamay niya upang pigilan.

Biglang bumitaw si Precious dahil natakot siya sa reaksyon ni Akio. Hindi ito nakangiti at seryoso lang ang mukha.

Nang makalayo si Akio, mabilis lang niyang narating ang bahay. Everything has changed with just one glimpse. From his exterior and interior designs that turned into dark gray and black.

Kung noon na walang kalaman-laman at bahay ni Akio, ngayon na nagkaroon ng isang malaking painting. An angry lion with its deadly fangs. Akio threw himself on the bed while staring at the ceiling.

Ang propesyon niya bilang Doctor ay kanyang tinapon ngunit ang mga liham na kanyang sinulat kay Quinn ay hindi niya magawang itapon. Pinalaya siya ni Margaux dahil sa pag-ako nito sa kasalanan, tunay na kalunos-lunos din ang inabot ni Margaux dahil diniin siya ni Jackson ng umabot na sa kagipitan. Hinayaan niyang makulong ang asawa para lamang hindi mawala ang inaalagaan pangalan. Wala rin silang napala kay Rafael dahil ito'y sumakabilang buhay na.  Walang naging rason para kay Akio na gambalain muli si Quinn kahit alam niyang biyuda na ito.

Wala rin magawa ang ang batas sa magulang ni Rafael dahil napatunayan din na huli na ang lahat nang malaman nilang may kinalaman ito sa pagsasabotahe kay Akio. Lalo na't kung nabubuhay pa si Rafael hindi rin siya makukulong dahil may sira ang kanyang pag-iisip. Huli na rin nang nalaman ni Margaux na mag-asawa si Rafael at Quinn kung kaya't labis ang kanyang pagsisisi.

"I should forget you, you are just part of my bitter past."

Wearing an all black suit with his messy hair, ito na ang bagong itsura ni Akio. Kung noon na napaka-ayos nitong umaalis ng bahay at puting-puti sa kanyang suot, ngayon na bakas sa binata ang pagbabago. Bitbit niya ang leather bag at sumakay sa kanyang kotse. 

He took over the position of Smith sa Lavigne Furnitures. Due to his poor knowledge in business, Smith hired a professional just to take good care of him and the business.

"Where is Mr. Justine?" tanong ni Akio dahil ilang minuto na siyang naghihintay sa loob ng conference room. 

"Sir, nandito na po siya."

Umirap si Akio at bumalik sa kanyang upuan, inayos niya ang kanyang suit at hinarap ang laptop.

"I am so sorry Mr. Lavigne for being late."

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon