LOVE 5
TINAKPAN ni Quinn ang kanyang bibig dahil sa sobrang kahihiyan at gulat sa sinabi ng kanyang ama.
"Papa hindi po!"
"Eh ano ito? Sir, mabilis naman po ang kaganapan sa loob ng ilang buwan na magkasama lang ang anak ko at ni young master?" giit ni Joey kay Ivan na nakangiti lamang.
"Rafael Clarkson, tell us," biglang nag seryoso ang mukha ni Ivan lalo na ang mukha ni Joey.
"With the past few months with Quinn, I finally figured out what's the reason kung bakit nandito pa rin ako sa Pilipinas. I wanted to marry your daughter, tito Joey and tita Maricar," tinaas ni Rafael ang kamay ni Quinn ang pinakita ang engagement ring na binigay kay Quinn.
"Diyos ginoo!" tuwang-tuwa na sinabi ni Maricar habang maluha-luhang nakatingin kay Zenaida.
"Sinabi ko na nga ba at in denial ka pa anak!" tumayo ito at hinagkan ang dalawa.
"G-gusto niyo po ako para kay Rafael?" nalilitong tanong ni Quinn.
"Of course! Ikaw lang ang matinong babae na pinakilala ni Rafael sa amin," Ivan stood up and hugged them both.
Hindi pa rin maka responde si Joey dahil sa biglaan balita na sinabi ni Rafael sa kanila.
"Sir, Joey. Please, I will take good care of your daughter."
"Alam ko naman iyon, Sir. Kaso ang bilis," tumawa si Joey pagkatapos ay nangamot ng ulo dahil sa labis na pagkakabigla.
"Oh my gosh! Maricar and Joey, be happy! Nako at napakabuti ng anak ko! Isang Doctor at ang anak mo na isa rin Nurse sa future! Hindi ba't good combination?!" bulalas ni Zenaida.
Napatango na lang si Maricar at pinigilan na lumuha dahil sa labis na galak na kanyang nararamdaman para sa kanyang anak.
Kinagabihan, nasa kwarto ni Joey at Maricar si Quinn habang inaamo ang kanyang ama na nakatulala pa rin.
"Papa, na sa tamang edad na rin po ako."
"Anak, alam ko iyon. Pero hindi basta-basta ang pagpasok sa isang relasyon, lalo na't magpapatali ka na. Alam ko naman ang pamilya ng Clarkson, tunay na mabait at alam kong mapagkakatiwalaan. Pero hindi ka pa kasi tapos sa pag-aaral, dalawang taon pa bago ka tuluyang umakyat sa entablado."
"Pa, hindi naman ibig sabihin na ikakasal ako kay Rafael eh hindi na ako matatapos. Iyon ang promise ko diba? Ang umakyat tayong tatlo sa entablado!" masayang sinabi ni Quin at hinagkan ang ama.
"Anak, hindi ako makapaniwala, kahit ang baduy mong manamit. Isang gwapo at mukhang prinsipe ang mapapang-asawa mo!" aniya ni Maricar at kinurot sa tagiliran si Quinn.
"Parang Cinderella ba? Problema, si Cinderella puno ng pines at maganda. Besides, dating mayaman. Eh ako since birth jologs!" pagtawa ni Quinn at ganoon din ang magulang.
"Hay, sige at alam kong kahit malabo ang mga mata mo hindi naman malabo ang puso mo sa pagpili kay young master," aniya ni Joey.
"Pa! Nako, at baka marinig ka ni Rafael na tinawag mo pa rin siyang young master!"
"Ay oo na sige, anak na rin ang tawag ko!"
"Ikaw naman Joey Sanchez, huwag ka nang maarte. Matanda na tayo at masakit na ang kasukasuan kaya kailangan na natin makita ang apo!" reklamo naman ni Maricar.
"Mama, Papa. Huwag na po kayo magtalo, gabi na at maaga pa tayong lilibot! Sige na at babalik na ako sa kwarto namin."
"Huwag ka na munang makipag siping hanggat hindi pa kasal!" pahabol na sinabi ni Joey bago tuluyang lumabas si Quinn.
Abot langit ang nginit ni Quinn habang naglalakad pabalik sa kwarto nila ni Rafael. After she swiped the card to open up their room, nagulantang siyang madilim at tangingg kadila lamang ang nagsilbing ilaw sa kanyang nilalakaran.
"Rafael!" tili niya nang makita itong may hawak na isang bouquet of tulips.
"Do you like it?"
"Oo sobra! Salamat sa sobrang effort!" pinunasan ni Quinn ang kanyang salamin at tumingkayad upang halikan niya ang kanyang nobyo.
Halik pabalik ang sagot ni Rafael. Sa tangkad at laki ng braso nito, basta na lamang niyang binuhat si Quinn at nilapag sa kama.
"Basbasan mo ako na pumapayag ka. I wanted to continue our unfinished business inside the bathroom."
"Sabi ni Papa pag kasal na lang, pero bakit ang rupok ko at gusto ulit maramdaman ang ginawa niya sa akin kanina?" bulong ni Quinn sa sarili at hindi magawang patigilin si Rafael sa walang humpay na paghalik sa kanya.
"Answer me my Quinn."
"Yes! Yes, I want you to make love with me tonight," parang may kabayo na nagtatakbuhan sa kanyang dibdib habang niroromansa siya ng kanyang nobyo. Nakadagdag pa ang madilim na paligid at bahagyang sinag mula sa kandila.
Mas lalong nag-init ang katawan ni Quinn nang maramdaman niya itong dumako paroon sa kanyang hiyas.
"Raf! Oh-Oh!"
"Chill, huwag kang manginig. I will be careful, I will not hurt you so badly."
He positioned himself until Quinn felt her tears beside her cheek. Para bang may pumunit sa parte ng katawan niya at kahit masakin, ayaw naman niyang patigilin si Rafael.
"You are crying, I should stop."
"No, continue. Please!"
Dahan-dahan at naging banayad ang pakiramdam ng dalaga habang patuloy na sumasayaw sa gitna ng apoy si Rafael. Hindi nagkamali si Quinn na ibigay ng buong-buo ang sarili niya kay Rafael. She realized that she will be sad kung babalik na si Rafael sa ibang bansa. Kaya laking pasasalamat niyang pareho silang nahulog sa isa't isa.
"Quinn, I love you.
"I love you Raf!"
MADALING ARAW nang magising si Quinn dahil sa ingay ng vibration mula sa cellphone ni Rafael. Dahan-dahan siyang bumangon at tiningnan ang cellphone ng nobyo.
She wants to open the mail but she can't because of the passcode needed.
"Ang kulit naman nito at madaling araw na bakit nag-iiwan pa ng sunod-sunod na message kay Raf," nangamot ng ulo si Quinn at pinatay ang cellphone ni Rafael. Muli siyang bumalik sa tabi ng nobyo at naramdaman niya na hinatak siya nito upang mapalapit sa dibdib.
Kagat-kagat ni Quinn ang kanyang mga labi habang nagpipigil ng kilig, "Bakit sa lahat ng nerd ako ang malandi? Pero malandi naman ako sa isang lalaki lang!"
Walang kamalay-malay si Quinn na habang sinisinghot niya ang leeg ni Rafael ay nakamulat ang mga mata ng binata. Dahil madilim at wala talagang makikita si Quinn, hindi niya alam na ang mga mata ni Rafael ay sa kanya lang nakatitig.
"You are being so cute again, I will be the man for you. I will try to be the perfect man to make you happy. I will never let you go, my Quinn."
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
Storie d'amoreTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...