LOVE 12
“ISA po na chicken burger, large fries and orange juice,” wika ng isang customer.
Ito ang salubong at araw-araw na naririnig ko mag-mula umuwi ako ng Pilipinas. Ni isang call, text o email mula kay Rafael ay wala na akong natatanggap. Tuluyan kong tinalikuran ang buhay sa Amerika. Iniwan ko ito na parang lumang libro at hinding-hindi ko na muling babasahin.
It was like a fairytale in a book, a maid who fell in love with her master. But this fairytale turned into burned pages. Magmula bumalik ako ng Pilipinas, tuluyan ko nang tinalikuran ang pag-aaral at patuloy na nagtatrabaho para mabuhay sa araw-araw.
Ally helped me, laking pasasalamat ko na bago maghiwalay ang magulang niya, ay natulungan niya akong pautangin para makauwi ng Pilipinas. And up until now, ito ang binabayaran ko. Ally and I stopped. Pareho kaming nag trabaho para buhayin ang sarili. Her mom left him like an old toy, pareho kaming nakatira sa isang tenement sa Pureza Manila. Mahirap mamuhay, pero mas mahirap kung hindi ka kumakayod para mabuhay.
“Quinn! Tulala ka na naman!” wika ni Ally at siya na mismo ang nag-punch nang order para sa customer. Madalas na wala sa sarili si Quinn bukod sa panay siyang nalilipasan ng gutom. Panay ang tipid niya dahil sa mga binabayarang utang sa tubig, kuryente at tinitirahan.
“Sorry, salamat Ally.”
“Umayos ka kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Mas mahirap na mawalan ka ng trabaho at lalo ka nang masisiraan ng bait,” pagbibiro nito.
“I want to study again.”
“Come on Mrs. Clarkson!”
“Ms. Sanchez! For your information, Sanchez ang apelyido ko sa Pilipinas!”
“But you are still legally married to your frog prince. Hindi ka lang registered para sa change surname mo. Pero kung titingnan mo ang status mo, married ka pa rin! Reklamo kaya kita?”
“Gago ka talaga. Doon ka na nga!” asar na sinabi ni Quinn at pinagpipindot ang touch screen monitor sa fast food chain na kanyang pinagtatrabahuhan.
Palaging aburido ang dalaga at halos hindi na nag-aayos. Palagi rin niyang pinipili ang graveyard shift sa fast food dahil gusto niyang tulog siya ng umaga at gigising na lamang ng gabi.
Dumating ang alas tres ng madaling araw, dumami muli ang customer dahil sa ilang nurse na nag-break time mula sa ospital na malapit sa kanila.
Dahil break time ni Quinn, tulala lang siya sa labas at pinagmamasdan ang puting uniporme na minsan niyang pinangarap. “Kailan kaya ako magiging registered nurse? Hanggang kailan at pangarap na lang ba ulit? Nakakapagod maging mahirap. Nakakapagod na isinasantabi mo na lang palagi ang pangarap mo.” Tila nagising sa katotohanan si Quinn nang bigla siyang businahan ng isang SUV na magpa-park. Napatayo siya at gumilid dahil sa sobrang lakas ng ilaw ng sasakyan na tumama sa kanyang mga mata.
“Punyeta,” bulong niya at padabog na pumasok sa loob ng trabaho.
“DOCTOR!” tili ng ilang nurse nang makita si Akio na pumasok sa fast food chain. Para bang heartthrob ang doktor sa tuwing makikita siya ng mga ito.
“Hello, may order na ba kayo?”
“Ililibre niyo po ba kami?” aniya ng isang nurse at tinikom ang bibig.
“Sure,” inilabas niya ang pitaka pagkatapos at nag-abot ng pera sa mga nurse. Tili at tuwang-tuwa ang mga ito. Gustong-gusto nilang nakakasabay sa graveyard shift si Akio dahil kapag nag-break time, siguradong ililibre sila nito for coffee break.
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
RomanceTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...