LOVE 28

720 60 17
                                    

LOVE 28

NAKAUPO at mukhang gusgusin si Quinn sa harapan ng convenience store. Hindi niya matawagan si Ally pati na si Vie. Walang humpay ang kanyang pag-iyak dahil ang pera na iniipon niya sa piggy bank ay tinupok din ng sunog.

“Paano ako babalik ng America? Hindi ganoon kadali na kumuha ng passport pati na ang ilang dokumento na hawak ko. Bakit kung kailan napakasaya ko na sa pangarap ko, bigla na naman may darating na unos? Hindi ba pwede na masaya na lang?”

Tiningnan ni Quinn ang kanyang uniporme at puno ito ng uling. Namantsahan pa ang isang uniporme niya habang ang iba pang uniporme ay nasunog sa loob ng tenement.

Yumuko si Quinn sa lamesa at dito niya balak magpalipas ng gabi.

Text message from Doctor Lavigne,

Come over here, I have something for you.

Pinunasan ni Quinn ang mukha at tinali ang buhok. Hindi niya alam kung paano siya haharap sa Doctor, napakadungis at mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Paikot-ikot at hindi mapakali si Akio sa loob ng kanyang sala. Tinitingnan niya maigi ang mga binili na white crocs shoes para kay Quinn dahil napansin niyang luma ang gamit nito.

“Size thirty-seven, thirty-eight, or thirty-nine? Ang hirap naman mag regalo ng sapatos!” 

Na isipinan niya itong gawin dahil sa marami ng mabuting ginawa si Quinn sa tuwing nalalasing siya at palaging nag-aalaga sa kanya.

Ilang sandali at tumunog ang doorbell at biglang humarap si Akio sa salamin.

“What the hell? Bakit ba ako nag-aayos? Damn it,” bulong niya at ginulo muli ang buhok.

As he opened the door, naaninag ni Akio si Quinn between barrels. Nakayuko at napakarumi ng uniporme nito kaya nagmadali si Akio na lumapit kay Quinn.

“Hey, are yo--”

Hinagkan siya ng napakahigpit ni Quinn, tanging nasa isip ni Quinn ang gabundok na problema. Hindi na rin niya alam kung paano niya ito masosolusyonan. 

“What happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit ka umiiyak?”

“Nasunog po ang tinitirhan ko Doc.”

“Damn, are you okay? Nasaktan ka ba?” kaliwa’t kanan na hinawakan ni Akio ang kanyang balikat at inikot na parang bata. “Come inside.”

Inupo siya ni Akio at pinagmasdan maigi pagkatapos ay kinuha ang first aid kit. Ginamot ni Akio ang sugat niya sa kamay pati na sa may bandang siko.

“Bakit ka ba sumusugod sa tenement? Alam mo na may sunog tapos nagpupumilit ka pa?”

“Importante ang mga gamit ko sa akin.”

“Hindi ba importante ang buhay mo? Gamit lang iyan at pwede mong bilhin ulit anytime. I can help you to find your apartment, may kilala ako na may-ari ng mga apartment.”

“Doc, pwede bang bumale? Naiwan sa piggy bank ko ang ipon ko.”

Hindi alam ni Akio kung tatawa ba siya dahil may uling sa ilong si Quinn. Dagdag pa ang magulo nitong buhok.

“Sure, dito ka na muna matulog.”

“Ha? Nakakahiya naman”

“Come one, ilang beses ka na natulog dito. Go and take a bath. Good night!”

Naiwan na nakaupo si Quinn habang tinitingnan ang malapad na likod ni Akio hanggang sa makapasok sa loob ng kwarto nito. Tumayo si Quinn at pumasok din sa guestroom. Niliguan niya ang sarili at humiga pagkatapos ay hinagkan ang malaking unan. Hindi tumitigil ang luha na umaagos sa kanyang mga mata habang nakahiga sa kama.

Unti-unting pinatulog si Quinn ng kanyang pag-iyak dahil napagod na rin ang kanyang mga mata.

Kalaunan, hindi makuhang matulog ni Akio kahit ilang beses na siyang pabiling-biling sa kama. Tumingin siya sa bintana at nakikita ang patuloy na pagliwanag ng kalangitan dahil sa kidlat. Napakalakas din ng ulan pati ang pagdagundong ng kulog.

Ilang sandali at biglang nawalan ng kuryente. Sa sobrang inis ni Akio, bumaba siya upang tingnan ang generator. 

“Damn, walang diesel? Hay ang init sa Pilipinas!” bulalas niya at namaypay gamit ang nakitang karton ng sausage.

Bago tuluyang umakyat si Akio pabalik ng kanyang kwarto, tiningnan niya ang pintuan sa ibaba kung saan natutulog si Quinn. Dahan-dahan niya itong binuksan at narinig ang ilang hikbi.

“Quinn? Quinn, are you okay?” bahagya niyang inilawan ang mukha nito ngunit nakapikit at basang-basa ang mga mata nito. Umiiyak pa rin hanggang sa panaginip si Quinn dahil binabagabag siya ni Rafael at ni Paris.

“Quinn, wake up,” ilang tapik bago tuluyang gumising si Quinn at halatang nagulat ito nang makitang nakatutok sa mukha ni Akio ang flashlight ng cellphone.

“Doc!”

“Walang power, I’m sorry naubusan pala ako ng diesel para sa generator.”

Hindi kumibo si Quinn at biglang hinatak ang t-shirt ni Akio dahil sa sobrang lakas ng kidlat. Nanginginig ang katawan nito habang nakasiksik ang ulo sa dibdib ni Akio.

“Mahiga ka na, isasara ko ang kurtina.”

Nagtakip ng mukha si Quinn at hindi na niya nakuhang magpasalamat kay Akio. Hindi naman mapigilan ng binata na mapangiti dahil sobrang baluktot ng pagkakahiga ni Quinn

“She looks like an eight year old girl, you are being so cute again, Ms. Sanchez.”

Gustohin man lumabas ni Akio sa loob ng kwarto, ngunit hindi magawang maglakad ng kanyang mga paa. Nakatayo pa rin siya habang pinagmamasdan ang aninag na tumatama kay Quinn. 

“Damn, matanda na siya. Bahala na siya,” tumalikod si Akio ngunit na rinig na naman niya ang boses ni Quinn.

“Mama, Papa.”

Napayuko si Akio at naalala ang mga panahon noong pinagtabuyan siya ni Donita sa simbahan. Kumikidlat at walang humpay na pag ulan ang kanyang kaharap. Hindi natiis ni Akio at tumabi sa kama ni Quinn. Hinawakan niya ang braso nito at hinatak palapit sa kanya. Mahigpit niyang hinagkan ang dalaga habang hinahaplos ang buhok nito.

“Ssh don’t cry, I am here now.”

Umabot ng madaling araw at tanging ulan na lamang ang gumagawa ng ingay sa labas ng bahay. Wala pa rin kuryente at nakabantay lang si Akio kay Quinn.

“Why are you so innocent? Parang bawat paghingi mo ng tulong dapat katabi mo ako? Everytime I hear your voice, it’s quite alarming. Pakiramdam ko  ako lang ang dapat na palagi mong kasama. You are full of secrets, you are a mysterious woman. I think I wanna read every single line of your life.”

Tinaas ni Akio ang ulo ni Quinn at nag-iwan ng halik sa noo nito pababa sa ilong.

“Damn, ano ba ang ginagawa ko? Magnanakaw ba ako ng halik?” Lumunok si Akio at kinagat ang ibabang labi, he wants to press his lips on her lips. Palapit ng palapit at naglapat ang mga labi niya kay Quinn. Biglang sumindi ang ilaw kaya agad lumayo si Akio. Hindi siya humihinga at nakatingin lang sa mukha ng dalaga.

“I kissed her.”

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon