LOVE 19

693 54 12
                                    

LOVE 19




    NAGKULONG sa loob ng banyo si Quinn dahil muli niyang nakita ang binata. She never bought an eye glasses dahil pinambayad niya ito ng upa. 

    Patingin-tingingin naman si Akio sa paligid habang hinahanap ng mga mata niya si Quinn, hanggang sa si Ally ang kanyang nakita.

    “Hey,  excuse me” aniya ng Doctor at lumapit kay kay Ally.

    “Doc! Ano  po ang order niyo?”

Ilang segundo na natahimik si Akio hanggang sa makita niya si Quinn. Nakayuko lamang ang dalaga at  halatang iniiwasan ang kanyang presensya.

“May I talk to that girl,”  tinuro ni  Akio si Quinn na pumasok sa loob ng kitchen

“Ah si Sanchez po?” tila naalarma si Ally dahil natandaan niya na ang sasakyan ni Doctor Akio na binato ni Quinn

“Yes, puntahan niya ako sa pwesto na iyon,” tinuro ni Akio ang tabi ng aircon na upuan at binigay din niya ang order. Sumunod naman ang binata na kausap niya at  dumako ang binata sa pwestong napili.

“Quinn! Naku, lagot ka!”

"Ano? Anong ginawa ko?"

"Gusto kang kausapin ni Doctor Lavigne."

“Lavigne? Sino iyon?"”

“Ano ka ba naman? Iyan ang binato mong kotse, kilalang Doctor iyan! Palagi kasing tulog ang utak mo!”

“Wala akong pakialam! Hindi ako lalapit.”

“Ano ka ba? Ang sinasabi nila dito, related siya sa scholarship sa Munisipyo. Baka ito na ang pagkakataon upang makapag-aral tayo!”

Hindi nakasagot si Quinn at tiningnan ang binata na tahimik na naghihintay sa kanya.

“Oh ito, dalhin mo na rin ang order niya!” 

Pinagtulakan ni Ally si Quinn habang bitbit nito ang isang tray. Sa sobrang aligaga na lumapit ni Quinn, hindi niya napansin ang walis na nakapatong sa isang sa mga upuan sa loob. Aksidente na natisod ang dalaga at tumapon lahat sa mukha ng Doktor ang pagkain.

“Oh my gosh! Sorry po! Diyos ko!” bulalas niya at nilapitan ang Doctor pagkatapos pinunasan ang mukha nito. Ang natapon na burger steak sa balikat ni Akio ay mas lalong kumalat.

“Diyos ko, Sanchez! Doc, pasensya na po. Papalitan ko na lang po ang order at damit mo,” aniya ni Supervisor Vie.

Mangiyak-ngiyak si Quinn sa sobrang kaba. Sa tuwing nagtatagpo sila ng Doctor ay hindi pwedeng hindi magkakaroon ng kamalasan.

“Don’t touch me!” sigaw ni Akio kay Quinn at masama ang tingin nito. Basang basa ang brown envelope na nakapatong sa lamesa at ang uniporme ng binata na puno ng pagkain.

“Sir, sorry po,” biglang lumuhod si Quinn sa harap ng binata. Hindi inaasahan ni Supervisor Vie na gagawin ito ng kanyang empleyado.

“Sorry po, huwag na sana akong sisantehin,” umiiyak ang dalaga habang nakayuko. Kahihiyan ang nangyari dahil ilang tao ang nakatingin sa kanila.

“Get up, hindi mo kailangan lumuhod.”

“Sorry po talaga,” akmang hahawakan ni Quinn ang binti ni Akio nang bigla siyang hatakin ng binata papunta sa labas ng fast food chain. Napanganga si Supervisor Vie at ilang kasamahan sa trabaho ni Quinn dahil sa nangyari.

“Mukhang drawing na lang ang scholarship namin,” bulong ni Ally.

Halos mabalibag si Quinn nang dinala siya ni Akio sa sasakyan nito. Hinubad ni Akio ang suot na polo at basata na lang binato sa basurahan sa labas ng fast food chain. He is  topless outside the store at halos mapanganga ang mga tao lalo na si Quinn. Kinuha ng Doctor ang puting T-shirt at sinuot pamalit.

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon