LOVE 16

700 45 8
                                    

LOVE 16

"QUINN! May balita na ba? Natawagan ka na ba ng foundation?" panggugulo ni Ally kay Quinn habang ito'y nakahilata sa kanyang kama.

"Aasa ka pa ba r'yan? My gosh, ni hindi nga nagpaparamdam! Imagine ilang buwan na ang nakalipas, baka paabutin pa ng ilang taon o baka may pinili lang sila! Alam mo naman ang ugali ng palakasan! Kapag may kakilala siguradong sila ang una sa listahan!"

"Ay wow may galit?" pagtawa ni Ally at hinatak ang patilya ni Quinn.

"Lubayan mo na muna ako, inaantok pa ako."

Sumunod lang si Ally sa utos ni Quinn at iniwan nga siya nito. Bumangon si Quinn at kinuha ang pinaka iingat-ingatan niyang salamin. Nagkahiwalay sila ni Ally sa trabaho dahil nilipat siya sa ibang branch ng fast food. Hindi naman mahirap kay Quinn dahil back up employee lamang siya at ang gastos niya sa transportasyon ay binababalik ng kumpanya sa kanya.

Napamulat ang mga mata ni Quinn sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog dahil sa sunod-sunod na tawag mula sa supervisor niya.

"Ma'am?"

"Quinn, pwede ka ba na sumama sa akin sa Clark?"

"Ngayon po ba? Eh may dutry po kasi ako."

"File a leave and I will pay your salary for today."

"Eh--"

"I will double, sige na at samahan mo na ako. Kailangan ko lang ng kasama sa kikitain ko."

"Ma'am, isama ko kaya si Ally?"

"Okay, okay."

Bumangon naman si Quinn at tiningnan ang mensahe na pinadala sa kanya ng supervisor. Agad niyang kinatok ang kwarto ng kaibigan at naabutan itong papasok na sa trabaho.

"Change schedule ka?"

"Yes, kailangan ng mid-shift."

"Huwag ka nang pumasok. Nagpapasuyo si ma'am Vie na samahan siya sa Clark."

"I can't, ayokong umabsent. Sige na at kailangan ko nang umalis."

Walang nagawa si Quinn kundi umalis mag-isa upang kitain ang kanyang supervisor.

"Ma'am, ano po ba ang gagawin natin sa Clark?" tanong ng dalaga.

"Kukuhain ko lang ang anak ko."

"May anak ka ma'am?"

"I have, pero kinuha nang ex kong hayup. Kaya kailangan may kasama ako at in case may ginawa siyang mali makikita mo."

"Okay, hindi naman siguro ako babarilin ng ex mo?"

"Gaga, I really need to see my daughter. How about you? Wala ka pa bang balak mag-asawa?"

Napangiti si Quinn at umiling. Sumagi sa isip niya si Rafael na ni isang text message magmula lumayo siya rito ay hindi na nagparamdam. Hindi man lang siya hanapin o kumustahin ng asawa.

"I think he is madly in love with his ex-girlfriend. Kapag nagkapera na ako, I want to file a divorce pagbalik ko nang America. Literal na sinayang niya ang ilang taon na nagsama kami. Saan kaya ako nagkulang? Binigay ko lahat ng pagmamahal ko pero iba ang hanap mo. Ako ang kasama mo pero ang puso at isip mo ay nasa ibang babae. Sana inamin mo na lang agad,"

"Quinn, I am talking to you," aniya ng Supervisor sa kanya dahil nakita siya nitong tulala.

"Ha? Ano po iyon?"

"Ang tanong ko, ayaw mo pa ba mag-anak? Tumatanda ka na, mahihirapan ka na magka-baby. Tingnan mo ako, kahit na ubod ng kagaguhan sa katawan ang ex ko, ipaglalaban ko hanggang dulo ang anak ko. Ang anak ko nalang ang importante kahit wala na tuanda na ako ng walang katuwang sa buhay."

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon