LOVE 45

886 68 25
                                    

LOVE 45

Mula sa loob ng hotel, ramdam na ramdam ni Quinn ang hapdi sa kanyang pagkababae lalo na ang pasa sa kanyang braso. Tiningnan niya muli ang  passport na nakapatong sa maleta.

"Should I leave him again? Hahayaan ko na lang ba siya?"

Nawala sa pokus si Quinn nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ang tawag mula sa isang unregistered number

"Yes, hello?"

"Hello Mrs. Clarkson this is Mrs. Sandoval of Lavigne Furnitures, I think you forgot your scheduled meeting with us  today.

"A-ah?" kunot noo na tumayo si Quinn at kinuha ang kanyang files. Nakita niya rito na may scheduled meeting si Ivan Clarkson sa Lavigne Furnitures para sa isang deal.

"Hello Madam, are you still there?"

"Ah yes, kindly text me the details and I will go there."

Tumalbog ang puso ni Quinn  dahil nabigyan siya ng pagkakataon na mapalapit kay Akio. She doesn't know anything about this business. Mabilis siyang nagpalit ng damit at nag-ayos. 

"I am your investor, at Lavigne ang may kailangan sa akin ngayon."

Panay ang tingin sa orasan ni Akio dahil sa tagal ni Ivan Clarkson. Bangungot para kay Akio na makilala ito ngunit kinakailangan nila ang investor na ito para sa proyekto. Clarkson Furniture is one of  the most leading furniture stores in the United States because of their high quality materials and one of a kind designs. Hindi makatanggi si Akio dahil ikakagalit ito ni Smith.

"I need to go, hindi ko hihintayin ang taong ito! Schedule a new date for the meeting!" sigaw ni Akio sa sekretarya.

"I am here now, Mr. Akio Lavigne."

Hindi makapaniwala at nasamid si Akio nang makita niya si Quinn. Hindi natakpan ang pasa sa kanyang braso at nasilayan ni Akio ang kanyang ginawa.

"You may take your seat," giit ni Akio at naunang umupo.

Napatingin lang si Akio sa kanya dahil tuyo ang ubo nito pati na ang paulit-ulit na baheng 

"I will sign this contract via email because I will include my conditions here, I will go ahead," pagmamadali ni Quinn kaya nagulat na lang si Akio.

"Thank you Mrs. Clarkson," giit ni Akio.

"Let me correct you, I am Ms. Sanchez."

Nilahad ni Akio ang kamay niya ngunit hindi inabot pabalik ni Quinn ang kamay. Ayaw niyang hawakan si Akio dahil sa labis ng sama ng loob mula sa nangyari sa kanila. 

Paglabas ni Quinn, muling tumulo ang luha niya at hindi alam kung paano haharapin ang kanyang ex boyfriend. 

"Bakit iniwan mo sa akin ito Rafael? Hindi ako masaya, nasasaktan ako na makita siya na masaya sa babaeng naabutan ko na kasama niya. I am hurting, mentally, physically and emotionally."

Napansandal si Quinn sa kanyang sasakyan habang walang humpay sa pag-ubo. Nahihilo at napakainit ng kanyang mga mata. 

"Damn, I have a fever," bulong niya.

Napatayo ng maayos si Quinn nang makita niya si Akio na palapit sa kanya. Halos higupin niya papasok ang pag-ubo dahil sa sobrang hiya.

Walang kibo at hinawakan ni Akio ang kanyang noo, "You have a fever I will drive you home."

"No. I can drive alone, thanks."

"No! I will drive you home!" pasigaw na sinabi ni Akio.

"Hindi ako bingi para sigawan mo ako! Hindi mo kailangan magpanggap na mabait sa akin dahil pipirmahan ko naman ang kontrata para sa negosyo niyo alang-alang sa kabutihan ng Tatay mo sa akin noon. After that I will not bother you anymore. I am just here to represent my deceased husband and his father."

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon