LOVE 11

779 50 7
                                    

LOVE 11
HAWAK ni Quinn ang wedding ring nila ni Rafael habang nakaupo sa bintana ng bahay ni Ally. Dahil sa kawalan niya ng sariling pera, wala siyang pamasahe papunta sa Pilipinas. Hindi rin niya kayang iwan ang pag-aaral niya sa unibersidad dahil isang taon na lamang at makukuha na niya ang inaasam na diploma.

    “You thought you were his Queen, but he treated you like an old maid,” lumapit si Ally sa kanya upang tapikin ang kanyang balikan. “Come on, stop crying your heart out because of your stupid husband who doesn’t see your worth.”

    “Alam ko naman na maraming kulang sa akin.”

    “Damn, bulag lang siya at hindi niya iyon makita! Sige sabihin na natin na hindi ka ganoon kagandahan pero tingnan mo at napaka wifey material mo.”

    “Maybe he found something with that girl.”

    “Sino ba?”

    “Paris Anderson.”

    “Seryoso?!” bulalas ni Ally

    “It was his ex-girlfriend! Siguraod ka ba? Baka malabo at na color blind ka lang?”

    “I know, pero nagbubulagbulagan lang ako. At baka ito ang tinutuoy ni Mama Zenaida na iniyakan ng hsto ni Raf. Ang hirap makipag paligsahan sa ex niya.”

    “Gaga ka ba? Bakit kailangan mong makipag paligsahan? Ikaw ang asawa!”

    “Ako ang asawa sa papel, pero ang buong pagkatao niya ay hindi ko pagmamay-ari. It doesn’t mean na kasal kami, panghahawakan ko na iyon against Paris. May laban ako sa husgado pero isang pirma lang sa divorce papers, magmumukha lang akong tanga at ipinaglaban ang maling tao.”

    “Edi hiwalayan mo.”

    Umiling si Quinn at humarap muli sa wedding ring na kanyang hawak, “I can’t, kahit hanggang sa huli matulungan ko si Rafael para maibalik lahat ng naitulong nila sa akin kahit alam kong lampas pa ito sa langit.”

    “Napaka martyr mo! Ano ba ang maitutulong mo sa kanya?”

    “Pamana ng magulang niya kapag nagka-anak kami. Matagal na nilang hinihintay pero wala pa rin.”

    “Hindi ba baog ang asawa mo? Or ikaw ang baog?”

    “Sira ulo ka ba! Ipakain ko kaya sa’yo ang wedding ring namin!”

    “Aba malay mo ba? Quinn, ilang taon na kayong nagsisiping. Magkasama sa iisang bahay pagkatapos walang nabubuo?”

    “Sabi ng doktor, walang problema sa amin. Pareho kaming capable.”

    “Sadyang ayaw ka lang niyang buntisin.”

    Nakahalukipkip si Quinn at sinandal ang ulo kay Ally, “Ally dito na muna ako titira ha? Hahanap ako ng part time job para makabayad din sa’yo kahit sa bills lang.”

    “Quinn, totoo niyan. Hindi na rin ako magtatagal dito. Nakapag desisyon ni Mama at Papa na bumalik na lang ng Pilipinas.”

    “Ha? Maiiwan na naman ako.”

    Hinagkan lamang ni Ally ang kaibigan dahil awang-awa rin siya sa sitwasyon ni Quinn.

    LUMIPAS pa ang ilang araw at patuloy na nililigawan ni Rafael si Quinn. Araw-araw niyang hinihintay ang paglabas nito at may dalang bulaklak.

    “Stop this,” wika ni Quinn.

    “Marry me again.”

    “Hindi ako tanga , huwag kang mag-alala at sasabihin ko sa magulang mo na kailangan mo na ang pamana mo. You need that hospital right? Pagkatapos no’n at maghiwalay na tayo.”

    “No please, pagbigyan mo ako na ayusin ang lahat. Please, kailangan ko ng tsempo para sa lahat ng--”

    “Ng ano? Ng mga dahilan mo para matanga mo ulit ako?”

    “I love you, pero naging busy ako. Naging malamig ako sa’yo dahil gusto na kitang matapos muna sa pag-aaral bago tayo magkaanak.”

    “Damn that stupid reason! Kung gusto mo akong maging ina ng mga anak mo, noon mo pa sana sinimulan na magkaroon tayo ng pamilya!”

   

    Dinig ni Paris lahat ng pag-uusap nilang mag-asawa. She’s smiling while listening to their quarrel. 

    “Please, pagbigyan mo ako at sasabihin ko lahat sa’yo.”

    “Stop this, kahit malabo ang mga mata ko. Maliwanag pa sa sikat ng araw na buong relasyon natin ay isa lamang kasunduan para sa pansarili mong kagustuhan!” binitiwan ni Quinn ang kamay ni Rafael at tuluyang umalis.

    Lumapit at hinawakan ni Pari ang braso ni Rafael. Umiwas siya at masama ang tingin nito kay Paris.

    “She will never understand. Ngayon pa lang at hindi ka na niya pinakikinggan sa mga sinasabi mo, what more at na malaman niya na ang sagot sa mga katanungan niya sa’yo after how many years?” 

    “Don’t fuck up.”

    “Really? Pinatagal mo dahil selfish ka. You are dumb selfish dahil ayaw mong iiwan ka, habang ang babae na iyon ay tatanga-tanga at umaasa pa rin sa’yo.”

    “Why Paris? Do you think that you are not a pathetic woman running for my fucking balls? I know how to fuck you hard but I can’t give you a child! Kaya nagsusumiksik ka sa’kin para lamang ma-satisfied ang hilig ng katawan mo!” 

    Dumapo ang mabigat na kamay ni Paris sa mukha ni Rafael. Ngumisi lamang siya habang nakatingin sa nagtutubig na mga mata ni Paris.

    “You call me pathetic? Look who’s talking now! Pilit mong kinukulong si Quinn sa mga kasinungalingan mo upang pagtakpan ang pagiging isang baog! Tandaan mo at nananalamin ka lang din sa akin. Selfish dumb guy!”

    Naiwan si Rafael na nakatayo at basta na lamang tinapon ang biniling bulaklak. Bumalik siya sa bahay upang ikulong ang sarili. Tinatawagan siya ng kanyang Ama at Ina ngunit wala siyang pinapansin.

    Kinuha niya ang alak at basta na lamang itong nilagok. Hawak niya ang wedding picture nila ni Quinn habang umiiyak.

    “I am so selfish for making your life worse. Ilang taon kang  pagtitiyaga sa akin. Yes, I am really a selfish guy, ayaw kitang mawala dahil mahal kita. Pero ang pagmamahal ko sa’yo na siyang nag-udyok upang saktan kita.”

    TUWANG-TUWA na lumabas ng evaluation room si Quinn dahil sa portfolio na pinasa niya, isang linggo ang lumipas bago niya nakuha ang resulta. Hindi rin siya makapaniwala na kahit naging mahirap ang adjustments niya na maging working students ay nabibigyan pa rin niya ng atensyon ang kanyang hilig.

    Isang linggo na rin na hindi nagpaparamdam si Rafael sa kanya, hinahanap-hanap pa rin niya ang asawa at pasimpleng sumisilip sa trabaho, ngunit walang Rafael na nagpapakita sa kanya.

    “Uuwi na ba ako? Kumusta na kaya siya? Matutuwa kaya siya na isa siya sa mga portfolio ko noong nasa Pilipinas pa kami?”

    Hindi matiis ni Quinn at umuwi siya ng kanilang bahay. Kagat-kagat niya ang labi upang ito’y pumula at iniladlad ang buhok. Inayos din niya ang damit bago tuluyang buksan ang kanilang pintuan.

    “Oh-ohh! Rafael! Oh fuck me more!” 

    “Yes, Paris. Don’t stop, baby.”

   

    Napanganga si Quinn nang makita si Rafael at Paris na nagtatalik sa kanilang sofa. Tila sumagi sa isip niya ang dating nabasa na text message mula kay Rafael noon.  Nagkalat ang damit at ang basag nilang litrato sa tabi ng lamesa. Dahan-dahan niyang sinara ang pintuan upang hindi gumawa ng ingay. Kusang tumakbo paalis ang kanyang mga paa upang mapalayo sa kanilang bahay. Sa sobrang panghihina ng kanyang tuhod, nakuhang nadapa ni Quinn at nabasag ang kanyang reading glasses.  Nagalusan rin ang kanyang palad at nabutas ang itim na leggings.  Napangiti siya  habang umiiyak sa kalagitnaan ng kalsada.

    “Ma, Pa. Ito pala ang buhay ko ngayon, sana nandito kayo para gabayan ako.”

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon