LOVE 26

789 59 10
                                    

LOVE 26



“TALAGA po ba? Eh kasi nagsisimula na ako sa trabaho,

paano po ako makakapag-duty,” reklamo ni Quinn sa branch head ng fast food chain. 

    “You advised us late, alam mo na policy sa kumpanya na bago mag-resign, kailangan mo pa rin mag-duty at least two weeks para makahanap ng kapalit mo.”

    “Si Ally po diba nandito na?”

    “Hindi buo ang plantilla, you will finish the contract. Iyon ang pinirmahan mo Ms. Sanchez.”

    Naiwan na nakaupo si Quinn habang namomroblema sa kanyang trabaho. Bigla na lang umupo si Ally sa harapan niya at hinampas ang resignation letter na pinapasa ni Quinn.

    “Hindi ka kasi nagbabasa ng contract kaya ganyan buhay mo eh! Padalos-dalos ka na lang palagi!” pang-aasar ni Ally at nangamot din ng ulo. 

    “Bakit alam mo rin ba ito?”

    “Hindi.”

    “Tingnan mo na at hindi ka rin nagbabasa! Bwisit, paano ko sasabihin kay Doc. Basta na may kasalanan ako sa kanya.”

    “Mabait naman si Doc, pwede ka makiusap.”

    “Ally, may sasabihin ako.”

    “What?”

    “Do you still remember the pictures I took? Iyong isasama ko dapat sa exhibit sa university sa Amerika noon?”

    “Ah oo bakit?

    “That was Doctor Akio!” inilabas ni Quinn ang kanyang cellphone pagkatapos ay pinakita ang kopya niya mula sa DSLR. Hindi makapaniwala si Ally at tinakpan ang bibig sa sobrang gulat.

    “Ang totoy pa ni Doc dito? Sino ba iyang kayakap niya?”

    “His biological mom.”

    “Paano mo nasabi? Hindi ba’t si Efinia Lopez na ex wife ni Smith Lavigne ang nanay niyan?”

    “Are you stupid?” inilapag muli ni Quinn ang cellphone at pinakita ang article na binasa niya sa loob kwarto ni Akio. “Alam mo Ally, maling tsismis ang nasagap mo. Ito konreto na anak sa ibang babae si Doc!”

    “Kailan ka pa naging stalker ni Doc? Type mo ba?”

    “Hindi ha!” bulalas niya at napatayo. Napatingin ang store manager sa kanila ni Ally kaya dinampot ni Quinn ang kanyang bag.

    “Aalis na ako, ayoko nang pumasok. Hindi ko tatapusin ang kontrata kapag hindi pumayag si Doc o kahit pumayag siya.”

    “Naku! Baka naman ma-blacklisted ka!”

    “Magpapaalam na muna ako kay Doc, his opinion is more important dahil mas malaki ang sahod sa kanya.”

    Walang inatupag si Akio kung 'di asikasuhin ang mga pasyente sa ospital, gustong-gusto niya na umiwas kay Margaux dahil ayaw niyang magkaroon ng isyu sa loob ng ospital.

    “Akio, I want to visit you later, I mean tonight.”

    “For what? You can’t just go there. Hindi na tayo tulad ng dati.”

    “But you are my friend.’”

    “But you confessed your feelings to me, habang may fiance ka. Do you think it is okay to act normal? Margaux, I don’t want to be your paramour. And I will never be a second choice,” giit ni Akio at tinalikuran si Margaux.

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon