LOVE 13
INABOT ng tanghaling tapat si Quinn dahil sa haba ng pila para sa pagpapasukat niya ng salamin. Ito na ang pinaka hihintay niyang araw at inabangan na schedule para sa libreng salamin mula kay Mayor, ang kanyang hinahanap para lamang makatipid sa gastusin. Ilang buwan din niyang hinintay na mapasama sa batch two ng mga taong gustong makalibre kung kaya't nagt'yaga siya sa lumang salamin at sa sakit ng ulo. Mabuti at gabi pa ang kanyang pasok at walang iniintindi na late.
Nang sumalang si Quinn, sumunod lamang siya sa utos ng Ophthalmologist.
"Your eye grade is very high, makukuha mo kinabukasan ang salamin mo hija."
"Ilan po ang grado ko?"
"Left eye is 800 and right eye is 1000. Fill out the form hija at ang updated contact number mo para matawagan ka bukas."
"Talaga po ba na bukas pa makukuha?"
"Oo, kasama ka naman sa batch two at napakarami niyo. Sigurado naman ito, isa pa at bawasan mo ang paggamit ng gadgets nang hindi lumabo ang mga mata mo."
"Sige po, salamat."
Sa pagtayo ni Quinn, dinukot niya ang kanyang cellphone sa bag upang makita kung sino ang nag-iwan sa kanya ng mensahe.
From Ally.
Quinn, we need to talk umuwi ka na bago ako matulog muli.
Dali-daling tumakbo si quinn upang malaman kung ano ang balita ni Ally sa kanya. Sa patuloy na paglalakad ni Quin, hindi niya napansin ang traffic light na naka go. Isang malakas na busina ang kanyang narinig kaya mas lalong napatakbo si Quinn dahil sa sobrang kaba.
“Goddamnit, bakit ba hindi nag-iingat!” bulalas ni Austine habang kasama ang kapatid na si Akio.
"I hate girls with violet bags," wika ni Akio nang maalala ang isang empleyado na nambato sa sasakyan noon.
"Violet? Ang jologs nga naman kasi, teka bakit?"
"Nevermind," matamlay na sinagot ni Akio at hiniga ang ulo sa bintana.
"Kulang ka na naman ba sa mariang palad?"
"Shut the fuck up. I am not feeling well. Ilang araw na akong walang tulog," reklamo ni Akio.
"Pare-pareho pala tayo na puyat."
"Yeah, how's Kuya Aiden? Ayaw pa rin ba ni Tita Efinia kay Honey?"
"Yes, ewan ko ba kay mama. Gusto yata na lalaki ang mapang asawa ni Kuya," pagbibiro ni Austine.
Padako ang magkapatid sa bahay ni Arthur upang bisitahin ang mga pamangkin at mismong anak ni Austine na kasama ang mga pinsan.
Nang marating ng dalawa ang bahay nila Arthur at Regine, para bang nag rambulan sa sala si Adrian at Archer dahil buhat-buhat ni Archer ang pinsan.
"Son! Ano ba ang ginagawa mo sa pinsan mo!" suway ni Austine.
"Dad, we are just imitating Wwe! Gusto raw po kasing maging wrestler ni Adrian," dahilan ni Archer.
"Anak naman, kagagaling lang din niya sa sakit. Isa kapa, 'yang lalamunan mo masakit pa ba?"
"Medyo po, bawal pa raw po ako sa ice cream sabi ni Mama Precious."
"Bawal ka talaga, balita ko nilantakan mo ang ice cream at chocolate?" sumingit si Akio at kinuha ang maliit na flashlight sa kanyang bag. " Say Ah?"
Ngumanga naman si Archer at umiling si Akio nang makita niyang namamaga ang tonsils ni Archer.
Dahil laging handa at bitbit ni Akio ang reseta, sinulat niya ang antibiotic para matulungan si Archer na gumaling.
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
RomanceTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...