LOVE 41

750 59 20
                                    

Save the date SEPT 12, 2021

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Save the date SEPT 12, 2021. The Last series of first and second generation! Mararamdaman niyo na ang kahabaan ni Smith, este ang kahabaan ng chapters ng Deep Down!

******

LOVE 41

"BITIWAN mo ako!" sigaw ni Quinn dahil naramdaman niyang dinala siya ospital ng mga taong kumuha sa kanya. Narinig niya na kinakailangan ng maagap ang kanyang mga mata bago tuluyang maging permanente ang kanyang pagkakabulag. 

"Quinn, please."

"Raf? Walang hiya ka!"  pinagsasampal niya si Rafael kahit hindi niya ito nakikita 

"You need laser surgery for your eyes."

"Bitiwan mo ako! Hayaan mo akong maging bulag! Mamamatay ang anak ko!"

"No, our baby will be fine."

"Our baby? You are completely insane! Nababaliw ka na! Tulungan niyo ako"

"This is our baby right? I should be grateful after how much I've waited for this, nagkaroon din tayo."

"Ungas ka ba?! Tigilan mo ako!"

"Quinn, magkakapamilya na tayo! Mahal na mahal kita!"

"Hindi kita mahal! Itatak mo iyan sa isip mo! Ni isang porsyento sa puso ko, wala na akong nararamdaman sa'yo! Matagal na tayong tapos! Mahal ko si Akio! Si Akio, Akio!”

"Tama na!" Sigaw ni Rafael at hinawakan ang magkabilang tenga. Umiwas ang lalaki at halos nanlilisik ang mga mata nito sa galit. 

"I don't love you Rafael, wala na akong pagmamahal sa'yo. Matagal na tayong tapos. Ibalik mo ako kay Akio dahil siya ang ama ng nasa sinapupunan ko."

Natakot si Quinn sa pwedeng gawin ni Rafael dahil narinig na lamang niya ang ilang gamit na pinagtatapon nito.

"Sir Rafael! Huminahon po kayo," magkabilang hinawakan ng dalawang  female nurses si Rafael ngunit mas malakas siya at naitulak ito 

Hinablot ni Rafael si Quinn at parang laruan na binalibag. 

"Sir tama na po!" Bulalas ng isang nurses. 

"Ah! Rafael, maawa ka!"

Kalunos-lunos na nakaupo si Quinn sa lapag habang patuloy na nagdurugo. Kumikirot ang kanyang sinapupunan habang walang tigil sa pag-iyak.

"Our baby! Quinn, our baby!" patuloy na pinagsigawan ni Rafael. Akmang lalapit pa ito kay Quinn ngunit tinurukan na siya ng pampatulog ng Doctor.

"Please, save my baby. Help me! Akio, help us," unti-unting bumigay ang katawan ni Quinn dahil sa labis na pagkakahilo.

***

Mula sa loob ng kulungan, pawis na pawis na bumangon si Akio. Halos kitilin ng bangungot ang kanyang buhay. He doesn't want to cry but everytime he wakes up, he only sees a cold reality in jail.

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon