LOVE 30

875 71 23
                                    


LOVE 30

TULALA at hindi pa rin mapalagay si Quinn habang nakahiga sa kanyang kama. Pilit niyang iniisip kung ano ang ibig sabihin ng kinikilos ni Akio. Napakalakas ng ulan at parang kapareho niya ang panahon na nagdadalamhati.

"Totoo ba na gusto niya akong kasama palagi? I don't want to assume. Tunay na mabait si  Dc
Doc Akio. Kahit kanino napakabuti niya, hindi dapat ako nag-iisip ng mas hihigit pa sa pakikitungo niya sa akin."

Sa paglabas ni Quinn, halos mapatalon siya nang makita si Akio na nakatapis ng tuwalya at hubad ang pang itaas na katawan. Basang-basa ito at may bitbit din na damit. 

"Doc malamig po ang ulan."

"I know, I just washed my car."

Hindi makatingin si Quinn sa mga mata ng binata kaya tinalikuran na lang siya nito. Ang mga mata ni Quinn na nakatingin sa tattoo nito habang may kinuha si Akio refrigerator. 

"Dress up, may pupuntahan tayo."

"Saan po?'

"Just dress up," sumabay ang ngiti sa mga labi nito kaya halos malusaw na parang yelo ang dalaga.

Walang mapili na simpleng damit si Quinn sa lahat ng binigay ni Austine sa kanya. Lahat ay nakalitaw ang kanyang kaluluwa habang ang iba ay napaka taas ng slit. Sa ilang beses niyang pagsusukat, bumagsak siya sa isang itim na dress at pilit na lamang niya itong hinahatak pababa. 

Sa paglabas ni Quinn, naabutan niya si Akio na sobrang pormal ang itsura. Nakaputing tuxedo at nakatitig lang sa kanya.

“Let’s go.”

    Hindi alam ni Quinn kung paano siya kikilos sa loob ng sasakyan dahil napaka tahimik at hindi rin niya alam kung tama ba ang sinuot. Ilang sandali at narating nila ang UDT mall pagkatapos ay dinala siya sa loob ng salon ni Akio. Kaibigan ito ni Efinia kaya halatang namangha si Kara nang makita niyang may unang babae na dinala si Akio sa kanyang salon.

    “Twenty minutes, Tita Kara,” maikling banggit ni Akio at iniwan siya nito ng hindi man lang nagpaalam

    Ang pinagupit na buhok ni Quinn ay binigyan ng hair extension. Pinalitan din ang damit ni Quinn pati na ang suot na sapatos. Hindi natapos ang bente minutos at lumabas na si Quinn ng salon. Nakita niya lang si Akio sa labas habang may kausap sa cellphone. Halatang galit ito dahil magkasalubong ang kilay habang nakapamulsa. 

    “It feels like a movie. Doctor Lavigne looks like a prince with his white tuxedo. Maraming beses ko na siyang nakikita na ganito pero bakit parang habang tumatagal lumalakas na ang tibok ng puso ko. Is this for real now?”

    Tila tumigil ang mundo ni Akio nang makita niyang palapit ang dalaga sa kanya. He never said anything at hinawakan lang ang kamay nito habang sila’y naglalakad. Walang suot na salamin si Quinn dahil sa contact lense na kanyang ginamit. 

    Pagpasok nilang dalawa sa event, hindi makapaniwala si Quinn na lahat ng morning duty sa ospital ay nandito. Siya lamang ang nag-iisang  intern at pinagtitinginan. Nakayuko at nahihiya siyang nakasunod sa likuran ni Akio dahil sa mga matang hinuhusgahan ang pagkatao niya.

"Hold my hand," tumigil si Akio at  inabot ang kamay. Mas lalong nag bulung-bulungan ang mga tao sa paligid dahil sa ginawa ng binata.

"Doc, I am not invited here. Mga empleyado lang ng Mt. Carmel ang dapat na nandito."

Para bang naubusan ng pasensya ang binata at hinatak ang kamay niya pagkatapos ay  sabay silang naglakad.

"If I say hold my hand, give it to me. If I say stay beside me, you need to stay close. I am your boss and I will not be the one who will follow you," bakas ang galit at mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Quinn.

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon