LOVE 50
"Where are we going?" tanong ni Quinn habang nakatitig kay Akio.
"Just wait."
Napaka seryoso ng mukha ni Akio at diretso lang ang tingin sa kalsada. Kinakabahan at gusto na niyang marating ang kanilang pupuntahan. She's expecting na may dinner date sila ni Akio. Ilang sandali at narating nila ang bakante lote, naaaninag ni Quinn ang mga fairy lights hanggang sa makita ang litrato nila na nakasabit. Hindi lang litrato kung hindi mga sulat ni Akio na inipon noong siya ay bilanggo pa.
"This is so artistic and beautiful, Akio. Bakit noong nakita ko ang mga sulat sa kahon, ang konti lang?"
"Tinago ko kasi baka makita mo."
"Bakit ang daming tent? Bawat isa ba d'yan ay hihigaan natin?"
"With different love making position," malokong sinabi ni Akio kaya nakatikim siya ng isang kurot kay Quinn.
Sa patuloy na paglalakad nilang dalawa, halos magulantang si Quinn nang biglang pumutok ang fireworks. Narinig niyang tumili sila Honey at sigaw ni Aiden kaya lumabas ito sa likuran ng kortina.
"Nandito sila?" masaya niyang sinabi.
"It's a surprise for you pero sinabay ko na rin para naman kay Dad."
"Talaga bang aalis siya pagkatapos ng kasal natin?" wika ni Quinn at narinig ito nila Aiden.
"If we could make a way, so that Dad will stay. Hindi ko rin alam kung paano siya pigilan," tugon ni Aiden.
"In ten minutes, nandito na sila Regine, Arthur at Mama. And si Precious and Austine for Dad," dagdag ni Honey.
Nagdaan ang ilang sandali at hinatak ni Akio si Quinn upang mapuntahan ang likuran parte ng tent.
"Babe, I am sorry. It should be a surprise only for you pero naisip ko na isama na rin si Dad," giit ni Akio habang nakahawak sa kanyang mga kamay.
"It's totally fine, ayoko rin naman umalis ang Daddy mo lalo na ngayong kumpleto na tayo."
"Thank you Quinn. May gusto lang sana akong ipagtapat."
"What?"
"I will change my assistant."
"Sino ba ang assistant mo?"
"The woman you saw in my house. It's awkward to work with her dahil alam kong may ibang ibig sabihin sa kanya ang pakikisama ko."
"Did you kiss her?"
"Y-yeah."
"Sex?"
"No!"
"Weh? Umamin ka kung ayaw mong magalit ako!"
Nangamot ng ulo si Akio at nahihiyang tumingin kay Quinn.
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
RomanceTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...