LOVE 32
Seven weeks ago.
Pagkapasok sa trabaho ni Quinn, walang araw na hindi siya ang pinaguusapan ng mga empleyado pati na ang mga intern. Napaka init ng mga mata sa kanya dahil sa relasyon nila ni Akio.
Seryoso ang mukha ni Akio at halatang trabaho ang inaasikaso nito. But Quinn can't focus on her duties.
"Ms. Sanchez," tawag ni Tes sa kanya.
"Yes po?"
"As part of your internship, kasama ka sa Masbate Medical Mission with St. Joseph Foundation as the representative of the scholars as per Austine Lavigne. Kasama ka ni Doctor Akio Lavigne sa pagpunta ro'n."
Hindi nakakibo si Quinn at natulala sa kanyang binabasa. She will stay with Akio in Masbate for five days as part of her duties. Gusto niyang magwala sa sobrang kilig dahil sa mangyayari.
"Quinn, nakikinig ka ba? Kinakausap kita?"
"Ano po iyon?"
"Doctor Akio doesn't know about this. Pinakiusap ni Sir Austine na huwag ipaalam sa kapatid."
"Ah sige po."
"I didn't know na official boyfriend mo pala si Doc. Ikaw pala ang tipo ni Doc!" bulong ni Tess.
"Ha? A-ah o-opo."
"Just do your duties okay? Bawal ito sa ospital lalo na kung makakaapekto sa trabaho."
Hindi alam ni Quinn kung paano makakaresponde dahil sa labis na kilig. Nilingon niya si Akio ngunit hindi niya inaasahan na biglang nagpumiglas ang pasyente.
"Akio!" Tumakbo si Quinn upang lapitan ang nobyo. Hinampas ng pasyente ang bakal na tray sa likuran ng binata. Nagkagulo sa ospital dahil primary suspect ang pasyente. Pilit itong umaalis ngunit nakaposas naman ang kabilang kamay nito.
"Are you okay?!" bulalas ni Quinn.
"Yeah, lumabas ka rito."
Hindi nakapalag si Quinn at sinunod si Akio. She felt nervous dahil malakas ang pagkahampas nito sa likuran ng nobyo.
Ilang sandali at kumuha ng tsempo si Quinn upang puntahan si Akio. Nakita niya ito na nakaupo at nakapikit.
"Hey, are you okay?"
"Y-yeah. Masakit lang ang likod ko. Kung hindi lang ako Doctor tinaob ko na siya."
"Hmm, ikaw gagawin mo iyon? Napakabait mo nga na Doctor."
Ngumisi lang si Akio at tinawag si Quinn upang lumapit.
"What are you doing here my wife? Tumatakas ka na naman sa duties mo. Have you checked your patients? Their dextrose? The dosage of their medicine?"
"Tapos na po lahat."
"Okay na rin naman si Mr. Maslog," giit ni Akio at tiningnan ang monitoring para sa pasyente.
"I hate that man! Ako ang hahampas sa likuran niya!"
"Itutumba ko na ba?" biro ni Akio sabay ang kindat.
"Pwedeng kumandong?"
"No, if you don't wanna go home without panties."
"Horny!"
"Doc! Doc!"
Napatayo na lang si Quinn at Akio dahil sa pagmamadali ni Tes.
"What happened?"
"Nangingisay po iyong pasyente! I think they gave the wrong medicine!"
Napatakbo si Akio at Quinn papunta sa ward ng pasyente. Akio gave a first aid nang makatulong sa pasyente. Natakot at kinabahan si Quinn dahil ito ang huling pasyente nila ni Akio bago tuluyang pumasok sa opisina ng nobyo.
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
RomanceTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...