LOVE 15

822 46 8
                                    

LOVE 15

AKIO, obviously his name came from a Japanese word dahil sa kanyang ina na isang half Pinay half Japanese. Nakamura ang nasilayan niyang pangalan ngunit Lavigne ang apelyidong kanyang inaasam. Para bang isang human diary at CCTV si Akio dahil sa mga nasaksihan niya mula sa mga buhay ng kanyang mga kapatid.

    He also became a guardian angel at isa sa mga dahilan kung bakit napaglalapit niya ng landas ang mga kapreha nito at sa tamang landas para sa  buhay ng mga kapatid niya. 

    But his brothers doesn’t know how hopeless romantic he was. Mula sa pagiging torpe at baluktot na dila, hindi niya makuhang umamin sa isang babae. 

    Nagawa niya lang ito ng minsan kay Precious ngunit pagkatapos nito ay nahihiya na siyang umamin sa kanyang nararamdaman sa isang babae. Habang minamatyagan niya ang buhay ng kanyang kuya na si Aiden at pilit na tinatama ang buhay ni Austine pati na ni Precious, hindi naman niya makuhang ayusin ang buhay pag-ibig.

    Tinatago niya ito sa mga kapatid kahit gustong-gusto na niyang makasama ang mga kapatid na maglasing dahil sa bigong pag-ibig.

    Mula sa loob ng kanyang kwarto, nakatulala lamang si Akio habang hawak ang kanyang cellphone. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan na mag-iwan ng mensahe sa dalagang kanyang natitipuhan. Ang tambak na paperworks para sa evaluation process sa Lavigne foundation ay inabot na ng ilang buwan dahil sa hectic schedule ng binata.

    Nabalitaaan niyang umuwi na  ng Pilipinas ang babaeng kanyang gusto at mananatili bilang isa sa mga Doktor sa ospital na kanyang pinagtatrabahuhan sa Mt. Carmel General Hospital. Ito na ang huling lipat niya na ospital dahil para bang ligaw na kaluluwa ang binata  dahil sa pabago-bago ng desisyon. 

    “Damn, how can I leave a message? Kumusta ka na? Okay ba ang biyahe? Fuck!” sinabunutan niya ang sarili at inilapag ang cellphone sa lamesa.

    Daig pa ni Akio ang problema ng presidente dahil lamang sa pagiging torpe. 

    “Hindi ko naman matanong ang mga kapatid ko, siguradong kabalastugan ang sasabihin nila. Isa pa, they’re busy with their lives. Paano pa si Kuya Aiden na ipagtutulakan lang akong ipakausap sa Pari.”

   

    Sa ilang minutong nakatulala si Akio, napatingin siya sa litrato ng kanyang ina. It was Donita Nakamura’s kimono picture noong nasa Japan pa ito. Napaka ganda at kuhang-kuha ni Akio ang kutis pati na ang mga mata ng kanyang ina. Pagkatapos ang labi at ilong na nahalo sa dugo ni Smith.

    Tumayo  si Akio upang bumaba sa kanyang sala, napalunok siya at pinagmasdan ang paligid.

    “A huge house but still, all alone,” bumuntong hininga si Akio at dumiretso sa fridge upang kumuha ng tubig. Nilingon niya ang hapagkainan at para bang gumawa ang kanyang isip ng isang imahe.

    “I am getting old, I should start to have a family. Although wala naman hinahabol na edad ang mga kalalakihan, it is better to start early lalo na na secured na rin ang magiging pamilya ko. I am looking for Mrs. Lavigne. Pero girlfriend hindi ko magawang makapanligaw? Damn, paano ko ba makukuha ang skills ni Austine? Bubuntisin ko rin ba agad si Margaux?” umiling si Akio at muling bumalik sa kwarto.

    Laking gulat ng binata nang makita niyang nag-notify ang isang mensahe mula kay Margaux. Nanlaki ang chinito niyang mga mata at ilang kurap bago buksan ang mensahe nito.

    “Touch down! Where are you Akio?!” 

    Mabilis pa sa bullet train ang daliri ni Akio upang ma replayan ang ang dalaga.

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon