LOVE 34
WALANG kibo at lumabas na lang ng bahay si Akio gamit ang isa pang sasakyan ni Smith. Hindi rin makakilos si Quinn sa loob ng maayos dahil katakot-takot ang pagiging tahimik ni Akio.
"Sa bahay ka lang ba ngayon?" bungad ni Quinn.
"Oo."
"Pag-uwi ko after practicum, didiretso ako sa puntod nila Mama at Papa. Baka malate ako ng uwi."
"Okay."
Kusa na lang nag tubig ang mga mata ni Quinn dahil halatang walang pakialam si Akio sa kanya.
Nang makarating sila sa bahay, agad nagpalit ng damit si Quinn at kinuha ang wedding ring upang itapon. Hindi na siya nag paalam kay Akio at naglakad na palabas ng bahay.
She's crying while walking, nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa sobrang kirot kakapunas ng panyo. "I hurt him, paano ko kukunin muli any tiwala niya?" binuksan ni Quinn ang kanyang cellphone at tinapon ang lumang sim card. She permanently deleted her old email address Nang hindi siya matawagan ni Rafael.
Mula sa loob ng kwarto, tahimik at tulala lang si Akio. Tiningnan niya ang mukha ni Donita at biglang tinago sa loob ng drawer.
"I will never be like you, Ma."
Hindi mapakali at dinampot ni Akio ang susi ng sasakyan. Pinapatay ang kanyang isip sa labis na pagseselos. His mind go crazy at ayaw niyang may lumalapit na iba kay Quinn.
Dumako sa ospital si Akio at napagalaman niyang hindi pumasok si Quinn. His mind became pessimistic again. Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip niya.
"Where is she? Bakit wala siya rito? Niloloko na naman ba niya ako?"
***
"Mama, Papa. I want to be happy, pero bakit naman ganito? All I wanted is to have a family like ours? Kahit hindi na mayaman basta nagmamahalan at masaya. Bakit bigo na naman ako, and this time I hurt the guy who only knows is to love me. Ma, Pa, mahal ko si Akio. He has trust issues at hindi ko masisisi iyon dahil sa lahat ng pinagdaanan niya. He gave me that trust but I broke it, nagsinungaling ako sa kanya," napahawak na lang si Quinn sa kanyang braso na may lamog dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Akio kagabi.
She felt only lust and anger last night. Hindi niya kilala ang Akio Lavigne na nakilala na ubod ng tamis ang pagmamahal sa kanya at ginagalang ang buong pagkababae niya. It happened one night, nagbago ang lalaking rumespeto sa kanya.
"Quinn?"
"Papa Ivan, Ma--"
Isang malakas ba sampal ang dumapo sa mukha ni Quinn mula kay Zenaida.
"Wala kang utang na loob! Pagkatapos lahat ng tinulong ng Pamilya ko sa pamilya mo, tatarantaduhin mo lang ang anak ko?!"
"Hindi po iyon totoo! Wala po akong niloloko! I love your son, siya po ang may ginawang mali sa akin!"
"Sinungaling at napakalandi mo! Totoo nga ang sinabi ni Paris! Ngayon na kumakapit ka sa isang Doctor pagkatapos mong perahan ang anak ko?! You cheap pathetic lady!" Muling dumapo sa mukha ni Quinn ang mabigat na kamay ni Zenaida. "Dahil sa'yo bumalik sa mental hospital ang anak ko! You ruined his name, his life! Wala kang kwenta!"
"Tama na Zenaida, halika na!" Bulalas ni Ivan at iniwan si Quinn sa puntod ng magulang niya habang nakatulala.
"Bakit ako pa ang may kasalanan habang ako ang nagsakripisyo para sa kanila?"
Umuwi ng mag-isa si Quinn at kinulong ang sarili sa loob ng banyo. Patuloy lamang ang labis na paghagulgol habang dinarama ang mabibigat na binitiwan salita ni Zenaida.
BINABASA MO ANG
Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)
RomanceTHE LAVIGNE SERIES IV "My passionate fondness, that will leave a hot bite in your soul." Akio Lavigne, the Doctor and was called illegitimate but he fought for his right. He was a product of his parent's mistaken relationship. It was considered a mi...