LOVE 24

691 40 2
                                    

LOVE 24

HAWAK ni Akio ang reading glass ni Quinn habang paakyat sa napakataas na tenement. Halos mabaliw o maligaw na siya sa lugar na ito dahil napakagulo ng pagkasunod-sunod at maraming tao. Nakuha niyang magtanong sa isang ale at tinuro sa kanya ang direksyon. Palapit na ang binata nang makita niya si Quinn na nakaupo sa labas ng pintuan. Umatras si Akio at nakita ang patuloy na pag-iyak nito. 

She looks pathetic over Rafael dahil umaasa siya na pupuntahan siya ng asawa sa Pilipinas pagkatapos niyang maglayas. But her expectations fell into pieces.

“Here.”

Tumigil sa pag-iyak si Quinn nang makita niya ang maputing binti ni Akio. Inaabot ng bina ang panyo at si Quinn na nakatingala lang sa kanya.

“You are ugly, wipe your tears.”

“Alam ko!” bulalas niya at inagaw ang panyo ni Akio. Tumayo si Quinn at kinuha ang susi para buksan ang pintuan. “Salamat dito, bakit ka nga pala napadako dito, Doc?”

“I just wanna say, I am sorry for being rude earlier. Umiiyak ka ba dahil sa sinabi ni Margaux?”

“Ha hindi? Wala lang iyon, kahit ano naman ang sabihin no’n ay hindi naman ako maniniwala. I know myself.”

“Good, then why are you crying?”

Biglang napaisip si Quinn at naalala niya ang salamin na nakalimutan. “Ay ‘yung salamin ko, Doc! Sorry talaga.”

“Here, naiwan mo. Mag ingat ka nga sa gamit mo.”

“Naku, salamat po. Akala ko talaga nanakaw na.”

“Hindi naman nanakawin sa’yo iyan.”

“Lahat ninakaw na sa akin, wala ng natira.”

Nang tuluyan buksan ni Quinn ang kwarto, nakatayo pa rin sa labas si Akio. Pinagmamasdan niya ang tinutuluyan nito. Maayos at walang ni isang gamit panlibangan.

“Hindi ka mahilig manuod ng TV.”

Umiling ang dalaga, “Tuloy Doc, walang aircon. Sorry at mainit.”

“It’s fine, dalian mong mag-aayos at aalis tayo.”

“Ha? Saan?”

“Bibisatahin ko ang mga pamangkin ko.”

“Eh bakit kasama pa ako?”

“Samahan mo akong mamili ng damit pang bata, birthday kasi ng pamangkin ko.”

Mabilis lamang naghintay si Akio kay Quinn dahil sobrang simple lang nitong magdamit. Walang pulbo, lipstick o kahit anong kolorete sa mukha. Sa paglabas ng dalawa, hindi nila inaasahan na makasalubong si Ally at Vie. 

“Oh my gosh, Doctor Lavigne!” tili ni Vie.

“Hi, we will go ahead, let’s go Quinn,” malamngyang sinabi ni AKio at tuluyang bumaba ng hagdanan. 

    Natulala lang si Ally at Vie dahil kung ano-ano ang pumapasok sa kanilang kukote.

   

    WHEN they reached the mall, pinagtitinginan lamang silang dalawa lalo na si Quinn. Ang mga sales lady na parang sinusukat ang itsura niya lalong si Akio pa ang kasama niya.

    “Bagay ba niya ito?” tanong ni Akio nang makita niya ang magandang laced dress para kay Rizza ang terno na polo pati na ang pantalon para kay Anthon. 

    “Pwede bang makita ang itsura ng pamangkin mo?”

    Nilabas ni Akio ang cellphone at pinakita ang kambal na anak ni Arthur at Regine. Tuwang-tuwa naman si Quinn dahil parehong gwapo’t maganda ang mga bata.

Lavigne #4: Love Bites (Akio Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon