-Hilary-
Nag landing kami sa isang kabundukan na may malawak na field ng mga lavender. Parang lulundag ang puso ko sa saya dahil ito ang paborito kong kulay.
"Ahm... Zack, pwede ko ba lapitan iyon? " Turo ko sa field ng mga lavenders.
"Oo naman. Basta kapag may napansin kang kakaiba bumalik ka dito kaagad. " Para naman akong bata na tumango tango.
Hindi ko na napigilang pakawalan ang isang malapad na ngiti saka mabilis na nagtungo sa lavender field. Nilapitan ko ang isang lavender at dahan-dahang hinawakan ito. Ang fluffy naman ng texture! Never pa akong nakakita in person ng ganito sa mundong pinanggalingan ko, puro sa pictures lang. Naisip ko nga na ibang-iba yung nakikita kong lavender sa Earth. Naalala ko yung mga ginagawa ko dati na crepe paper tapos ipaalibot ko sa walis tingting para pang design pero ito kasi yung texture nya parang sa bulak.
Muli naman akong lumingon sa pwesto ni Zack at mukhang nag seset up na sya ng picnic table namin. Ang dami nyang dala na itim na box at sa isang pindot mula sa remote ay may lumitaw na iba't-ibang mga kagamitan mula rito. Nakakamangha talaga ang mga kagamitan na mayroon sila!
Ilang sandali lang ay tinawag na ako ni Zack para kumain kaya bumalik ako at naupo sa tabi nya. Ang lawak ng lavender fields na ito. Sayang lang at wala akong cellphone para mapicturan ko yung tanawin na nakikita ko ngayon.
"Ang ganda ng tanawin ano? " Tanong ni Zack kaya naman kaagad akong tumango.
"Ang fluffy pa ng mga lavender ang sarap nilang hawakan! " Natutuwa kong wika saka kumagat sa mukhang burger na may blue and pink na karne biglang palaman.
Normal na karne lang naman yung lasa nito pero iba lang yung kulay. Nakakaaliw tuloy kainin dahil nga colorful. May juice din kami dito na kulay chocolate na tila ba kumikinang pero yung lasa ay kagaya ng sa four season.
Panay ang tingin sa'kin ni Zack kaya umiiwas na lang ako ng tingin at itinuon ng pansin sa pagkain na nasa harapan ko.
Patuloy naming pinagmasdan ang tanawin nang muli kong napansin ang malawak na disyerto na nasa kabilang bahagi na nitong bulubundukin.
"Ang lugar na iyon ay ang Nuxvar." Panimula ni Zack.
Ako naman ang nagsalita habang nakatingin pa rin sa malayo. "Ang lugar na puro buhangin lamang ang makikita at madalas na magkaroon ng mga sand storms na sa sobrang lakas ay tatangayin ka. Ang karamihan ng nakatira sa lugar na iyon ay ang mga may utang na tinaguan na ang kanilang pinag uutangan, mga bilanggo at mga takas sa ibang parte ng Dreamland. Hindi ako sigurado baka nga takas din sa bilangguan ang tinutukoy. " Paliwanag ko at nang lumingon ako kay Zack ay nakatulala lang sya sa'kin.
"Ahh.. Ehh.. Nabanggit kasi ni Zane kaya alam ko." Iginilid ko na lamang ang mukha at mariing napapikit baka kasi isipin nya na kumakalap ako ng impormasyon tungkol sa mundo nila.
Muli akong lumingon kay Zack at ngumiti ng alanganin.
"Nabanggit na pala sayo ni kuya. Marami pa ba syang nasabi sayo tungkol sa Dreamland?" Tinagilid nya ang ulo habang nakatingin pa rin sa'kin.
"Marami rami na rin pero hindi ko naman tinatanong. Kusa lang nyang sinasabi sa'kin. Hindi ko sya pinipilit. " Depensa ko. Baka kasi nga isipin nyang kumakalap ako ng impormasyon.
Tumango tango naman si Zack. "Hindi naman kita inaakusahan na spy ka kaya huwag kang mag alala. "
Ilang sandali kaming nanahimik at patuloy na kumain. Ayoko na rin naman na magsalita at baka may masabi lang akong kakaiba.
![](https://img.wattpad.com/cover/242050370-288-k287188.jpg)
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...